CHAPTER 25
XEN'S P.O.V
"... with more than you will ever know existed inside me."
"English ang banat ni fafa Zeon. For sure kinikilig ka ng mga time na 'yun. Kung ako aba siyempre kahit medyo mahina ako sa english pero kasi ang sweet naman talaga. Yiee!" Parang kinikiliting drama ni Fan sa harapan ko. Kinuwento ko kasi sa kanya 'yung nangyari kagabe nung pumunta si Krypton sa bahay.
"Sabi kasing mahal na mahal ka nun. Tiwala lang." Pampalubag loob niyang sabi. Alam ko naman 'yun, hindi naman ako nagdududa sa pagmamahal na pinapkita at ipinaparamdam sa akin ni Krypton. Meron lang kasing takot na umiiral sa'kin na baka mawala siya.
"I know right, sa ganda ko bang 'to? Pati siguro bulag maglalaway." Pagmamayabang ko sa kanya, sinipa niya tuloy 'yung upuan ko. Nasa likod ko kasi siya kaya walang kahirap-hirap niyang nasipa ng malakas 'yung upuan ko.
"Aray naman, kamuntik ko ng makagat yung dila ko. Ikaw talaga." Hindi naman kasi mabiro 'tong isang 'to. Imbes na magsorry nagthumbs up lang siya. Konyatan ko 'yan eh, siya nga mag yabang mas sobra pa sa ginagawa ko.
"Kapal, Bee. Eww" Tirik mata niyang sabi habang tinatakpan ang tenga. Lumingon na lang ako ulit patalikod sa kanya kunwari napikon ako pero pinagilan niya 'yung ulo ko. "Aw!" Buti na lang hindi naputol litid ng leeg ko, ang harass niya talaga.
"Si Jagiya mo, nagdala ng bulakalak. Kikiligin na naman ang bubuyog nito." Panunukso niya, inggit lang kasi siya. Nakangiti naman akong nakatingin kay Krypton na may dalang bulaklak, habang papalapit siya parang slow motion naman siyang naglalakad papalapit sa'kin while smiling. Ako naman siyempre kasing bilis ng kabayo ang takbo ng puso inlove eh. Mukhang pinanindigan niya talagang babawi siya. Man of his word talaga.
"For you." Abot niya ng bulaklak habang 'yung isang kamay ay nasa likod niya at medyo naka bow. Inabot ko naman agad ng nakangiti rin ang kaso binawi niya agad.
"May bayad 'to at isang kiss bawat petal. Game!" Inilapit niya 'yung pisngi niya sa'kin. Akala naman niya hahalikan ko. Haler santan kayang bulaklak at may white rose na nakalagay sa boquet. Sa petals palang ng santan pudpod na nguso ko.
"Sayo na lang. May tanim naman si mama na ganyan. Thanks." Sabi ko tapos tinulak siya papalayo at umupo ng nakaside-view sa kanya. Akala niya siguro makakapuntos na eh. Kunwaring nagtatampo akong hindi tumitingin sa kanya. Tablan ka sana ng kagandahan ko, hehe.
"Ayaw mo? Pinitas ko pa naman 'to sa garden ng school, muntik na nga akong mahuli." Nanlulumo niyang sabi. Balak niya pa talaga akong konsensyahin? Loko talaga.
"Akin na nga-" Kukunin ko na sana ang kaso naunahan ako ni Fan sa pag-abot. Ang bilis talaga ng kamay ng isang 'to.
"Walang yaya talaga 'tong nobyo mo, Bee! Tanim ko 'to dun tapos pinagbubunot niya lang. Akin na, wala kang patawad pati ugat dinala mo pa. Puwede namang putulin!" Sabi niya tapos kumuha ng gunting at isa-isang pinutol 'yung ugat sa stem. Ganyan talaga siya, akala mo hindi magbibigay dahil sa dami ng pagleletanya pero sa huli hindi naman pala.
BINABASA MO ANG
That Crazy Boy (Editing)
Teen FictionHindi mahilig si Xen sa subject na chemistry kaya ganun na lang ang pagtataka niya kung bakit na-enroll siya sa Periodic Table University. Hindi rin siya mahilig tumambay sa laboratory pero may lalaking nagbigay ng chemical reaction sa puso niyang...