CHAPTER 12

36 4 1
                                    

CHAPTER 12

"Pasok na." tinulak niya ako papasok ng gate namin sa bahay. Nasagi tuloy yung panda ko sa gate kamuntik ng mapunit, yakap-yakap ko kasi.

"kapag napunit 'to lagot ka saken!" pagbabanta ko sakanya pero nginitian niya lang ako. Ang gwapo niya.

"Mahal na mahal mo talaga 'yan no? sabagay saken nanggaling eh" sabi niya at ginulo ang buhok ko. Yumuko siya na nakapatong ang mga kamay sa tuhod para magkapantay kami ng posisyon, tinignan niya muna ako sa noo tapos sa mata.

"mukhang pagod kana, sige pahinga ka na" at kiniss ako sa noo, napayuko tuloy ako kasi namumula ako. Kinikilig nga kasi.

tumalikod ako sa kanya at di ko na napigilan pang ngumiti, parang gusto kong tumili ng tumili pero kinocontrol ko ang sarili ko para di niya makita. Shyeeet! huwag na huwag mong tatawagin ang pangalan ko at baka sumama na ako sayo!!! waaaah!!

"Xen!" sabing huwag ng tawagin eh!

"yes?" malandi kong sabi

"sleep tight" sabi niya at tumalikod na.

"thanks. text me if nakauwi kana. Goodbye" at nginitian niya ako sabay flying kiss. I smiled back at him at saktong umalis siya pagkatapos. Dali-dali akong umakyat sa kuwarto ko at sumigaw ng pagkalakas-lakas!!


"SHYEEEEET!!! KINIKILIG AKOOOOO!!! WAAAAAAH!!" niyakap ko ng todo ang bigay niyang panda at sumalampak sa kama ko, pagulong-gulong lang ako, nang mapagod ako ay tinignan ko ang kisame sabay imagine ng mga nangyare kanina. Sa tuwing may  magpaflashback di ko mapigilang ngumisi ng super lapad. Inlove na ba ako?

Kinuha ko ang cellphone ko sa bulsa ko at tiningnan kung may text or message mula kay Krypton pero wala, dun ko lang nalaman na hindi ko pala siya nabigyan ng number ko. AHH! ang tanga mo Xen!

"makahingi na nga lang kay Fan" tinext ko agad si Fan pero di muna binigay ang number ni Krypton, panay asar saken at tanong kung kumusta ang date. Siyempre hindi ko sasabihin ang totoo kasi akin lang 'yon.

"ibigay mo na kasi!" iritang sabi ko kay Fan habang siya tawa ng tawa sa kabilang linya.

"Oo na! text ko sayo, ayieee mukhang magiging totoo na ang Xenon Forever!!" siya

"ha-ha. Bilis" then I hang up

Maya-maya tinext niya na 'yong number at sa sobrang excited ko ay agad kong pinindot ang call. Network busy nga lang. Bakit kaya? baka busy sa mga babae niya? isa pa nga

*dialing...

*the number you have dialed is busy at the moment, please try your call la--

bahala na nga! edi wag.

Pagbaba ko ng cp ko agad na may tumawag, unregistered number kaya pinatay ko na. Sinave ko yung number ni Krypton at humiga sa kama. Nagring ulit cp ko kaya sinagot ko

"hello?"

"BAKIT DI KA SUMASAGOT? BAKET BUSY? MAY IBA KA BANG KINAKABUSYHAN AT NALIMUTAN MO NA MAY BOYFRIEND KA?!!" sigaw sa akin ni Krypton kaya inilayo ko yung cp sa tenga ko.

"TAPOS NAGAWA MO PANG PATAYAN AKO NG CP HA! HUMANDA KA BUKAS!"

"hoy teka! sorry naman, hindi kasi nakaregister number mo eh. Kanina ka pa ba tumatawag?" tanong ko sakanya habang tinatry ang self ko na huwag makipagsabayan sa init ng ulo niya.

"mga 10 minutes pa lang naman, PERO MATAGAL NA RIN 'YON! SINO BA KASING TINATAWAGAN MONG IBA?!"

"i-ikaw" sabi ko. Kawawa na ang tenga ko kakasigaw niya

That Crazy Boy (Editing)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon