CHAPTER 14
Dedicated to: Jackielyn Diaz
(Mielle and Milliton sa Taas :) )
Xen's P.O.V
Nang makarating kami agad-agad naman na nagcheck-in ang barkada. Bale magkasama kami ni Fan sa iisang kwarto tapos si Nicka and Mielle naman dun sa kabilang room at ganun din naman yung boys. Sayang di kami magkasama ni Krypton, masarap kaya na makatabi siya? Oh-oh hindi ako manyakis sadyang ganito lang talaga ako magpantasya.
"See 'ya later" Masayang sabi ni Nicka, nag nod naman kami at masayang kumaway-kaway.
Pagpasok na pagpasok ko sa kwarto namin sabay kaming humilata ni Fan sa higaan namin.
"Haay~ mukhang masayang vacation na naman 'to" Sabi ko habang hindi tumitingin sa kanya.
"Waaaah!! Bee! Bakit kanina kinikilig ako ng katabi ko si Mark? Alam mo ba hindi na normal 'yung pagtibok ng puso ko pati pag-iisip ko iba na talaga. Namamanyak na utak ko pinagnanasaan ko na siya!" Tinakpan niya naman 'yung mukha niya habang nagwawala sa ibabaw ng kama namin. Asus! May magandang nangyari siguro kanina noong magkatabi sila sa van eh.
"Aminin mo. May nangyari kanina 'no?" Tanong ko. Tumango naman siya ng nahihiya tapos niyakap ako.
"Bee~ nagkish kami~ Sha dito oh~ sha lipsh" Malndi niyang sagot habang nanginginig sa kilig.
"Ay! Kadiri 'yang galaw mo! Umalis ka nga!" Pano ba naman kinikiliti niya 'yung leeg ko. Malaswa talaga ang babaeng 'to.
"Ayiee sabihin mo naiinggit ka lang kasi wala kang kiss from papa Zeon! Haha" Pang-aasar niya. Sus kung alam mo lang Fan naka ilan na kami! Whahaha.
"Hindi kasi kami nagmamadali!" Tapos tinapunan ko siya ng unan at ayun sapol sa mukha. Medyo malakas 'yung tapon ko kaya nalaglag siya sa kama. Babawi sana siya at sakto namang bumukas 'yung pinto.
"Hello pretty ladies" Bati ni Grey at pumasok sa kwarto namin habang sinusuri.
"Kelangan mo?" Mataray na tanong ni Fan habang nag-aayos ng sarili.
"Makikihiram lang sana ng toothpaste, wala kasi doon sa kwarto namin eh" Nahihiyang sabi niya.
"Asus! Ang sabihin mo magtatanong ka lang kung nasaan ang kuwarto ng mahal mong Nicka! Puwes! hindi namin alam kasi nga hindi kami may-ari ng hotel na 'to! Papalusot ka pa" Mainit na ulong sabi ni Fan. Tumawa lang naman sakanya si Grey at ginulo ang buhok niya.
"Ang ingay mo! Manghihiram nga lang talaga ako ng toothpaste" Iritadong sagot niya, habang pinapakita 'yung hawak niyang toothbrush.
"Buwisit! Baka kamo manghihingi. Kasi nga po kapag hiram ibabalik 'yun. So it means pagkatapos mong gamitin 'yung toothpaste ibabalik mo agad? Aba at saan ka naman nakakita ng ganon? Siyempre naubos na 'yun kakabula sa bunganga mo! Oh eto toothpaste! Wag ka ng babalik dito!"
BINABASA MO ANG
That Crazy Boy (Editing)
Teen FictionHindi mahilig si Xen sa subject na chemistry kaya ganun na lang ang pagtataka niya kung bakit na-enroll siya sa Periodic Table University. Hindi rin siya mahilig tumambay sa laboratory pero may lalaking nagbigay ng chemical reaction sa puso niyang...