CHAPTER 27

20 3 0
                                    

CHAPTER 27


FAN'S P.O.V


"Hanep no? Bongga yung sabunutan nila Bee."


"Tama baby Fan, ang hot ni Xen kanina."


"Ewan ko sa inyong dalawa, bakit nga ba ako napasama dito?"


Haay... poor little Mielle, siya lang talaga ang hindi makarelate sa lahat ng trip namin.

Nasa school campus parin kami ngayon kahit gabi na dito na kasi kami matutulog dahil isa kami sa mga cotillion members pati mga jowa namin. May gagawin kami ngayon. Balak namin mag ghost hunting dahil sabado na rin naman bukas, kulang nga kami kasi wala si Bee kaming tatlong girls lang ngayon hindi na namin sinama sina Lithium babasagin lang nila trip namin eh.


"Punta tayo malapit sa faculty room, maganda doon. Mas creepy." Sabi ko habang nag-aact na parang multo. Sumang-ayon naman silang dalawa at sinundan ako.


"Kapag may narinig kayong kakaiba wag na wag kayong tatakbo ha? Walang iwanan, kapit tayo dali!" Nag kapit bisig kaming tatlo, siyempre sa gitna ako, ako kaya matapang saming tatlo. Naglakad kaming tatlo papuntang faculty room. Ang dilim-dilim nga kasi yung ilaw na ginagamit ang liit, kahit kailan talaga kuripot ang lolo ko.


*Bog!*


"Fan! Balik na tayo." Takot na sabi ni Mielle habang nakayakap sa braso ko ng mahigpit. Kaya pala ayaw sumama kasi nga takot.


"Wala 'yan, tara na." Pamimilit ko at sabay na naman kaming naglakad, ang liit nga ng hakbang namin, si Mielle kasi ang bigat-bigat hatakin nag papapigil pa.


"Sana makakita tayo ng gwishin. Yieee~ excited na ako makakita ng ghost." Excited na sabi ni Nicka, nagtawanan naman kaming dalawa. Ako rin gustong-gusto ko kaya nga wala kaming dalang flashlight eh.


"Hmmmm... huhuhu" Nagsitayuan mga balahibo ko sa narinig ko. Nanlamig naman tuloy si Mielle.


"Did you hear that? May umiiyak." Natatarantang sabi ni Mielle, tumango naman ako at nakiyakap na rin sa kanya.

Nakakatakot nga, para siyang iyak ng witch sa latong Left 4 Dead, sana yung mukha 'wag ganun ka panget.


"Oo, kakatakot." Nakisiksik ako kay Mielle. Parang nahahawaan na rin ako ng pagkamatatakutin nito.


"Sorry guys, ringtone ko 'yun. Hinahanap na kasi ako ni Grey." 


"Ikaw talaga!" Binatukan namin siya, halos matanggal yung buhok ko sa katawan yun pala ringtone niya lang. Kakainis to.


"Sorry."


"Malapit na tayo sa faculty room." Excited na natatakot na sabi ni Nicka. Todo kapit naman kaming tatlo sa isa't isa. Habang papalapit kami sa pinto nagulat kami na may nakabukas na ilaw pero di gaano ka liwanag at may mga shadows kaming na aaninag.

That Crazy Boy (Editing)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon