CHAPTER 2

118 5 0
                                    

Xen

Naglakad na ako pa labas, bahala na kahit 'di ako makapasok sa next subject ko kasi gan'on parin naman eh, 'di ako makakapagconcentrate kasi kukulitin na naman ako ni Fan.  May lahing makulit 'yon eh.

Umakyat ako papuntang rooftop para magpahangin, favorite place ko kasi 'yun. Para sa akin perfect place siya para makapag-isip at maghanap ng peace of mind.

"Ang sarap talaga dito" I spread my arms as wide as I can and perform some stretching, liyad ako ng liyad.

Ang sarap talaga sa pakiramdam!

Ni-rotate ko ang hips ko na ngangalay at sumasakit dahil narin siguro sa pagkakabagsak ko kanina.

Naglibot-libot ako sa ibabaw ng rooftop, may tatakbo ako, magtatatalon at sisigaw. I feel so free right now, parang wala akong problema kani-kanina ah. Ang saya ko lang ngayon. Ang sarap mag-isa.

"This is life!" Sigaw ko habang nagpoposing kaparehas sa movie na  Titanic.

Tinatangay ng hangin ang buhok ko ang sarap tuloy para akong nililipad. Tapos ang lamig-lamig pa ng hangin habang tumatama sa mukha ko.

"Is it a coincidence? Or someone's stalking me?" A familiar voice suddenly broke the silence.

Nagtaka ako nang may sumulpot na boses, paglingon ko nakita ko si Krypton na nakatingin sa akin na parang nanunuya. Pinanganak talaga siya para mabuwisit ako.

Inayos ko ang posisyon ko, tumayo ako ng tuwid to show how dominant I am. I raised my brow and showed my
bumptious face.

Gulong-gulo pa buhok ko na nakaharap sa kanya, ang hangin kasi kaya mukha akong sinabunutan.

"Me, stalker? Why would I stalk someone who is not even my type?" I rudely said.

Tumalikod ako sa kanya 'saka pinagmasdan ang green naming quadrangle pati na rin 'yung mga students na nagde-date at loitering.

"Really? Me? Not your type? You really need to augment your standards." He confidently stated while grinning.

Tumabi siya sa akin, tinignan ko naman siya habang dinadama yung tumatamang hangin sa mukha niya.

I'm planning to move away from him. Ayoko siyang makatabi. Nandidiri ako, mukha siyang manyak.

"You're not my type too. I'm not interested with you." Puna niya nang mapansin niyang lumayo ako sa kanya. Tinirikan ko lang siya ng mga mata ko at dumistansya lalo habang nakatitig ng masama sa kanya.

I admit he has this face who can attract woman and can make someone beg for his attention, kaso mala demonyo nga lang ang ugali.

Bakit kaya kadalasan sa may magagandang mukha kabaliktaran ang ugali? Kagaya na lang ng kasama ko ngayon.

"Ano'ng tawag sa ginagawa mo?" He uttered then took a step forward para magkalapit kami.

"That's stare is very off-the-wall."  Nakangisi niyang sabi habang papalapit ng papalapit.

Grabeng self confidence ang baon ng isang ito. Ako? May gusto sa kanya? What a cockamamie idea? Crazy! Hahaha.

Hindi na lang ako nagsalita, I prefer to shut up. Wala ako sa mood makipagbangayan.

"Ok. I'll take that as a yes." Tas pumunta siya sa harap ko, naramdaman ko na lang na nag-init na ang mukha at tainga ko.

He's being silly! Napaatras ako sa gulat dahil sa bigla niyang paglapit sa 'kin. He's not the guy I used to know before!

That Crazy Boy (Editing)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon