CHAPTER 28
XEN'S P.O.V
"Andito na po 'ko."
"Anak, tamang-tama at hapunan na, kumain ka muna."
"Wag na ma, matutulog na po ako. Pagod po kasi ako."
Pagod physically, emotionally and mentally. Mukha akong sabog ngayon, tulala at parang wala sa isip.
"Teka, si Moi nasaan? Bakit hindi kayo magkasama?" Bigla naman akong nagising mula sa pagkakatulog nang magtanong si Mama. Oo nga, nasaan si Moi? Akala ko nakauwi na siya.
"Hindi ko po alam." At tinalikuran ko si Mama para pumasok na sa kuwarto. Saktong pagtuntong ng paa ko sa hagdan ay dumating din agad si Moi. Hindi kami magkatinginang dalawa sa mata, nahihiya na nagagalit ako sa kanya.
"Maghaponan muna tayo. Sayang naman ang niluto ko." Sambit ni Mama, kaya medyo nakonsensya ako. Pumunta ako sa puwesto ko, magkaharap kami ni Moi habang kumakain. Sobrang tahimik at hindi ko magawang magsalita. Takang-taka naman tuloy si Mama habang palipat-lipat ng tingin sa aming dalawa ni Moi.
"Ayos lang ba kayong dalawa? Nag-away ba kayo?" Tanong ni Mama. Sabay naman kaming umiling na dalawa at ngumiti ng peke.
"Pagod lang talaga, tita." Moi.
"Opo ma, pagod lang." Kasinungalingan! Nag-away kami Ma! Hindi lang nag-away nagkatampuhan at kung anu-ano pa.
"Tapos na ako." Sabi ko at umalis ng lamesa, si Mama na muna bahalang maghugas ng plato wala ako sa mood.
"Ako rin." Si Moi, tapos sumunod din sa akin. Dali-dali akong umakyat ng kuwarto ko para hindi kami magsabay sa pag akyat, naiilang ako sa kanya masama pa naman ang loob ko ngayon.
"Bata." Nagulat ako nang hinawakan ni Moi ang braso ko at hinatak papasok ng kuwarto niya.
"Ano ba! Bitiwan mo ako." Pagpupumiglas ko pero huli na dahil nasa loob na kami ng kuwarto niya. Nakayuko siya sa harapan ko habang 'yung mata niya nangungusap na parang may lalabas na luha.
"S-sorry." Sambit niya habang nanginginig ang ilalim ng labi niya. Gustong-gusto kong yakapin si Moi ngayon. Na aawa ako sakanya, alam kong sincere siya, pero noong araw bang niloko niya ako nakuha niya bang maawa at alalahanin ang mararamdaman ko kapag nalaman ko ang tungkol sa kanila ni Maj?
"Sorry, Bata. Pinagsisisihan ko ang ginawa ko sayo mula no'ng araw na niloko kita hanggang ngayon. Hindi ako makatulog sa gabi dahil kinakain ako nang konsensiya ko, I c-came here to apologize, alam kong hindi madaling magpatawad lalo na sa ginawa ko pero maghihintay ako mapatawad mo lang." Tumulo na ng tuluyan ang pinipigilang luha ni Moi, parang kinukurot ang puso ko sa nakikita ko. Hindi parin siya nagbabago siya parin ang kababata kong pilit humihingi ng tawad kapag alam niyang siya ang mali.
Niyakap ko si Moi ng sobrang higpit, sasabihin kong mapapatawad ko siya pero hindi gan'on ka buo.
BINABASA MO ANG
That Crazy Boy (Editing)
Teen FictionHindi mahilig si Xen sa subject na chemistry kaya ganun na lang ang pagtataka niya kung bakit na-enroll siya sa Periodic Table University. Hindi rin siya mahilig tumambay sa laboratory pero may lalaking nagbigay ng chemical reaction sa puso niyang...