EPILOGUE

46 4 1
                                    

EPILOGUE


Make up

check!

Gown

check!

Buhok

check!

Araw ng kasal namin ngayon ni Krypton at alam ko na lahat tayong mga babae ay ina-asam-asam ito. Kung lahat ng girls sobrang ganda, excited at kinakabahan sa kasal, ibahin niyo ako. Paano ba naman! Walang make up artist na umayos sa akin kundi sarili ko lang, ako pa mag-isang naghanap ng gown ko at higit sa lahat walang bridal car! Tagaktak ang pawis ko at haggard na haggard pagmumukha ko ngayon. Palakarin ba ako mula bahay hanggang simbahan? Binigyan pa ako ni Krypton ng isang boteng tubig para hindi mauhaw at ma-dehydrate. Ang sakit ng paa ko sa sobrang taas na heels.Tungunu! Kung alam ko lang na ganito sasapitin ko edi sana hindi na ako pumayag magpakasal!


"Aaah!! Kakapagod!" Sigaw ko, tapos tinanggal ang sandal na sout ko. Halos dumugo ang paa ko. Hindi ako mukhang bride na ikakasal. Mukha akong white lady na naglalakad sa ilalim ng tirik na araw. Halos umiiyak ako sa haba nang lakaran pero bawing-bawi naman nang makita ko na ang simbahan.

Ngiting tagumpay ako nang makita ito tapos inaayos ang sarili ko sabay suot ng sandal at ayos ng nalanta kong bulaklak.


Madarama ang entrada ko sa pinto, all out smile ako pero bakit lahat sila gulat? Aba! Kayo palakarin hindi kayo mahahaggard!?


May lumapit sa 'king lalake tapos kinalabit ako. Problema nito? Parang hindi naman siya invited sa kasal ah.


"Miss, maling simbahan po ata napuntahan niyo. Burol po ito."

Natulala ako sa sinabi niya! Nakakainis! Malay ko bang burol eh hindi naman nila ako sinabihan ng address ng venue kaya dito ako napadpad! Tae na! Ang malas!


"Sorry po sa abal-Ah!"


"Bilisan mo! Late na tayo!"

Kinaladkad ako nang magaling kong groom ng walang patawad.


"Kasalanan ko pa? Eh hindi mo kaya ako binigyan ng masasakyan! Leche!" Dabog ko dito. Halos maputol paa ko sa kalalakad tapos magrereklamo? Kutusan ko 'to eh. Pasalamat siya kasal namin ngayon.


"Ah!" Bigla-bigla niya na lang akong binuhat na parang sako hindi ko tuloy makita ang harapan ko.


"Ang daldal." Reklamo niya tapos patakbong pumunta sa simbahan. Pag lingon ko sa harap namin nasa harap na pala kami ng pintuan ng simbahan. Kinatok niya ito na parang mawawasak at nagsisigaw. Naku naman! Anong klaseng kasal ito?


"BUKSAN NIYO NA! ANDITO NA KAMI!"


"Teka! Ibaba mo muna ako, rarampa pa ako ng aisle!" Dabog ko pero huli na, bumukas na ang pintuan ng simbahan at naglakad siya papuntang altar na ganito ang posisyon naming dalawa. Nakakahiya!


FAN'S P.O.V


Pft! Hahahha! Kahit kailan talaga pauso ang dalawang 'to. Parang hindi kasal ang pinapanuod ko. Nasa harap na sila nang altar pero nagbabangayan parin. Kaya sila Milliton at Nicka na kumakanta nang wedding song nila nagpipigil ng tawa.

That Crazy Boy (Editing)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon