CHAPTER 15
Dedicated to: Jackielyn Diaz's Friend. Thanks sayo. Nakalimutan ko kasi pangalan mo hindi binigay ni GK eh.
(Krypton sa taas! GwaPO niya oh! )
Grey's P.O.V
"Hahah, akalain mong naniwala sila Fan sa birong 'yon? hahah" ako
"alam mo pare sabihin mong joke lang 'yon. Malalagot tayo kay Zeon nito eh." Milliton, palagi namang pagood shot ang isang 'to. Siya na may magandang ugali samin.
"Hindi yan. Takot ka lang kay Zeon nuh?" pang-aasar ko sakanya. Binatukan naman niya ako ang pikon talaga ng isang to
"ako takot? nag-aalala lang ako sa kaibigan naten. Paano kung hiwalayan yung mga yun?" inosenteng tanong ni Milliton.
"Ano bang kinakatakutan mo kay Zeon? Isang untog ko lang 'yan sa middle finger ko—" Nilagyan ng bastos na Milliton yung bibig ko ng tinapay kaya di ko natapos yung sasabihin ko.
"Magyayabang ka pa, eh wala ka ngang ek kapag andiyan na siya. Kung magbibiro ka kasi ayusin mo" mala tatay niyang sita sa akin, aba kung pagalitan ako nito akala niya parang ako lang ang gumawa ng lahat ng kalokohan ah, nakisali rin naman siya kanina atsaka mukhang nagenjoy pa nga.
"mahal oh, pinagagalitan ako ng Milliton" magsusumbong na lang ako sa mahal kong Nicka alam ko kakampihan niya ako nito. Hindi niya kaya ako matitiis.
"Pinapagalitan ka ng Milliton na yan baby? halika nga dito"
lumapit naman ako sakanya, haha sabing mahal ako niyan eh.
"AW! ang init!" mali pala, tinapunan lang ako ng sunog na isda. Ang init kaya, gusto ba ako nitong pasuin?
"Pati ikaw mahal galit rin saken?" nakapout kong sabi, di makakaresist yan ang guwapo ko kaya.
"Ayusin mo yan! kawawa yung isa oh" sabay turo niya kay Zeon. Oo na kapag siya na nagsalita susunod na ako. Hindi naman sa under ako, tae! sa kakisigan kong 'to ako under? Medyo!
Nilingon ko sila Zeon at Mark sa may bonfire na lukot-lukot ang pagmumukha tumango-tango lang ako at kumain ng nilulutong inihaw nila Mielle.
"ayan na oh, kawawa na sila" mapangonsensyang sabat ni Mielle. Isa pa 'tong babaeng 'to eh, pinipigilan ko ngang huwag makonsensya tapos siya naman pinapaalala pa sa 'kin. Iba kaya gumanti ang dalawang 'yan— napalunok na lang ako nang makita ko ang malademonyong mata nilang dalawa.
"Baka kami ni Milliton ang kawawa"
"anong ako? ikaw lang" Milliton.
Nakita ko kasing nakatingin ng masama sa aming dalawa si Zeon at sinenyasan niya kaming pumunta sa tabi niya.
"Patay tayo pre"
———
BINABASA MO ANG
That Crazy Boy (Editing)
Teen FictionHindi mahilig si Xen sa subject na chemistry kaya ganun na lang ang pagtataka niya kung bakit na-enroll siya sa Periodic Table University. Hindi rin siya mahilig tumambay sa laboratory pero may lalaking nagbigay ng chemical reaction sa puso niyang...