CHAPTER 21

51 4 0
                                    

ZEON'S P.O.V


"Relax lang pre, feeling guwapo ka kasi."


"Oo nga, ang damot mo kasi sa kaguwapohan."


"Ang sabihin mo, malandi lang siya"


"Ahahhah, tama-tama pre! Apir" Nakakpikon na tong dalawang 'to ah. Humingi ako ng tulong at hindi panlalait mula sa kanila.


"Lumayas na nga kayo! Mga wala talaga kayong kuwenta kausap!"


Nakakabadtrip talaga kapag sila Mark at Grey ang mga kaharap ko. Nasaan na ba kasi si Milliton? Kung kailan mo kailangan doon pa nawala ang isang 'yun.

Ano ng gagawin ko? Nagagalit na naman sa'kin si Xen.


"Haranahin mo na lang ulit, tol" Opinyon ni Grey.


"Wag, sayawan mo na lang ng sexy dance tapos happy bed na" Mark. Bastos talaga ang isang 'to.


"Gago! Magsilabasan kayo!"


"Binibiro ka lang naman tol eh, ano na lang ammm-" Mark.


"Pag bilang ko ng tatlo ang hindi lumabas patay. Isa!"


"Sabi ko kasi sayo Mark lumabas na tayo, may date ka pa diba? Tara na"


"Dalawa!"


"Mark! Ano ba! Dalian mong umalis diyan!"


"Tat-"


"Bye tol!"

Paunahan silang naglundagan mula sa sofa at kumaripas ng takbo sa pintuan. Yun lang pala makakapagtaboy sa kanilang dalawa. Mas mabuti palang hindi ko na sila pinapunta ng bahay dagdag sila sa problema ko.


"Tito"


"Yep, baby?" Nilingon ko si Alyeon na nakatayo sa likod ko habang kumakain ng lollipop.


"Bakit sila umalis?" She asked innocently.


"Ah wala baby, gusto pa kasi nila mabuhay"


"Ha? I don't understand"


"Bata ka pa kasi. Pasok muna si tito sa room niya ha?"

I patted her head and she nodded. Kelangan ko munang pumasok sa kuwarto para makapag-isip-isip kung paano ko makukuha ang loob ng Jagiya ko.


Papaakyat na sana ako ng hagdan ng makasalubong ko si Maj, hindi naman ako galit sa kanya. Nagtatampo lang, kilala ko si Maj at alam kong may gusto siya sa'kin but I didn't expect that she could throw those words in front of my friends at nandoon pa ako.

That Crazy Boy (Editing)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon