CHAPTER 23
XEN'S P.O.V
"Hindi pa nga kasi nasosolo pinalabas na agad!"
"Kakainis! Gusto nga kasing manlambing hindi man lang pinayagan!"
"Nagpadetion nga para magsolo eh!"
"Tapos! Pinalaya ng dalawang magsyotang GEEK! ASAR 'YUN!!"
Kanina pa yang pagdadabog ni Krypton sa harapan naming pito. Hindi talaga nakaget over sa nangyari kahapon. Balak niya nga daw kasing magsolo kaming dalawa. Kaya ayon hindi matapos-tapos ang pagdadabog.
"Sino ba kasing may matinong utak na may balak manira?!!" Ayan na! Sumigaw na siya sa harapan ni Milliton. Tinignan lang siya ni Milliton na parang walang pakialam.
"Tsk, you did the wrong move, bro." Pasimple niyang sabi habang nakatingin kay Mielle na nilalambing niya. Mukha namang nagpanting ang mga tainga ni Krypton kaya biglang umusok ang ilong sa narinig.
"Anong sabi mo!? Pakiulit? Tarages!" Tumayo siya para sugurin si Milliton kaya pinigilan ko na at baka kung ano pang mangyari.
"Tama na 'yan Krypton." Pinaupo ko siya tapos pinakalma. Napaka immature talaga ng isang 'to pero I find it really sweet. Akalain niyong gusto niya pala akong solohin kahit alam niyang busy ang schedule namin kahapon sa exam. Awww sweet, well not that busy pero pwede na rin. Pero mali parin ang asal niya.
"Kasi naman Jagi eh. Yun na sana yung kahapon." Panghihinayang niya. Tinap ko naman 'yung likod niya tapos nginitian.
"Marami pang next time." Nagning-ning naman ang mga mata niya tapos ngumiti ng malapad na halos mapunit na sa sobrang lapad.
"Talaga?" Tumango naman ako tapos sinubuan siya ng napaka laking pagkain para tumahimik. Kaya nabulunan haha.
"Jagi naman!" Reklamo niya habang pinipilit nguyain at lunikin ang isinubo ko. Tinawanan ko lang siya tapos nakisabay na rin sa'kin ang tropa.
"Hephep! Tigil niyo yang kasweetan niyo may maasim na paparating. Baka sumama pakiramdam ko." Fan.
"Hindi lang maasim, mapait pa." Dugtong ni Nicka. Paglingon namin, lahat kami lumukot ang mga mukha. Andito na naman ang Maj na nakikitira sa bahay nila Krypton. Haay, kailan niya ba mararamdaman na hindi diya welcome sa grupo namin?
"May I join?" Tanong niya habang hawak ang tray ng pagkain niya. Hay! Maj, hindi ka pwedeng makijoin kung tutuusin.
"Hmm?" Tumayo naman agad si Fan na nagtataray.
"Bawal ang katulad mo dito." Fan said and rolled her eyes.
"Seline!..." Suway naman ni Mark at pinaupo siya.
BINABASA MO ANG
That Crazy Boy (Editing)
Teen FictionHindi mahilig si Xen sa subject na chemistry kaya ganun na lang ang pagtataka niya kung bakit na-enroll siya sa Periodic Table University. Hindi rin siya mahilig tumambay sa laboratory pero may lalaking nagbigay ng chemical reaction sa puso niyang...