Fan's P.O.V
"Hmmm~"
"Uy! 'bat ang tagal niyong magsabi ng stop? Nahihilo na ako."
"Paki bilisan naman, nasusuka na talaga ako guys."
"Wala na sila"
Binuksan ko naman ang mga mata ko para makita at wala na nga sila. Dahil sa sobrang hilo natumba na lang ako bigla. Ikaw ba naman paikutin ng sobrang tagal tapos wala naman palang tao.
"Fan!" Narinig kong sigaw ni Mark tapos sinalo niya ako. Binuhat niya ako papasok ng kubo kinabahan naman tuloy ako. Paano kaya kung 'yung alam niyo na? Na pagalitan niya ako tapos mag-aaway kami for the first time.
"Teka! Sa labas na lang tayo"
"Sa loob. Malamig sa labas baka sipunin ka" Pangogontra niya.
Naglakad na siya papuntang kubo pero buhat-buhat parin ako. Hindi ba 'to nabibigatan sa akin? Sabagay may muscle naman kaya carry lang.
Binuksan niya 'yung pinto ng room nila ni Krypton at inupo agad ako sa kama. Parang kinakabahan ako at the same time na e-excite. Hala ang green ng utak ko, sobrang eco-friendly.
Nagtititigan lang kaming dalawa habang siya nakatayo sa harap ko at ako naman ay nakaupo.
"Tss.." Nasabi niya na lang at pumakawala ng malaking hangin mula sa bibig niya. Ako nga rin naiilang. Aba? Bakit naman kaya kay drama-drama naming dalawa ngayon?
"Usog ka" Utos niya kaya umusog ako tapos tumabi naman siya sa akin. Nabigla nga ako kasi niyakap niya ako ng super higpit tapos inamoy-amoy 'yung leeg ko.
"I'm sorry. Wag na tayo mag-away~" Malambing niyang sabi kaya napangiti naman ako. Sumiksik naman siya lalo sa'kin at hinigpitan pa ang pagkakayakap kaya parang pinipiga niya na 'yung tiyan ko sa sobrang higpit. Napapangiti na lang ako ng palihim, kay sweet-sweet naman ng isang 'to.
"Sorry din." Sabi ko tapos niyakap ko rin siya. Kasweet-sweet naman ng boyfriend kong 'to. Sabay kaming dalawang humiga tapos ginawa kong unan 'yung braso niya.
"Galit ka pa?" Tanong niya sa'kin umiling naman ako. Ano naman ikagagalit ko? Sadyang nagpapakipot lang talaga ako kanina. Tiyaka wala naman kasi siyang ginawa na ikinagalit ko.
"Tingnan mo 'ko sa mata dali na" Tapos pinilit niyang ilingon ako sa kanya.
Nakatingin din naman siya sa'kin tapos parang nangungusap 'yung mata niya. Nanlalamig na naiinitan naman tuloy ako tapos parang may mga butterflies sa tiyan ko na kumakawala. Pasimple kong hinawakan 'yung dibdib ko na parang may drummer na pinupukpok 'yung heart ko kaya ang lakas ng tibok.
"Sa susunod na magtatampo ka, idaan mo sa usapan ha? Wag 'yung tinatanggihan mo ako" Sabi niya habang kinikiskis 'yung ilong niya sa ilong ko. Napapapikit naman tuloy ako sa ginagawa niya. Kinikilig na naman ako.
BINABASA MO ANG
That Crazy Boy (Editing)
Teen FictionHindi mahilig si Xen sa subject na chemistry kaya ganun na lang ang pagtataka niya kung bakit na-enroll siya sa Periodic Table University. Hindi rin siya mahilig tumambay sa laboratory pero may lalaking nagbigay ng chemical reaction sa puso niyang...