"Babe, let's go?" napalingon ako sa tumawag sa'kin at napangiti. Lumapit ako kay Nathan at niyakap siya bago bumaba."Tara! Who's driving?" tanong ko habang pala palabas kami ng bahay. He smiled at me and pinched my nose lightly.
"Don't ask. Don't worry, we'll get there safe."
Uh-oh. I think I know who's driving.
"Vincent!! Wala na bang mas bibilis? Late na tayo." Sabay alog ko sa kanya habang nagda-drive siya at nasa backseat ako.
"Celine, ano ba! Mapahamak tayo sa ginagawa mo kay Vince eh." Awat ni Val sa'kin.
"Chillax, okay? Hanggang dito na lang yung ibibilis ko."
"I can't believe this! Sanang sumabay nalang ako sa kotse nina Malcolm. Ugh!" reklamo ko. Napasandal nalang ako sa upuan at humalukipkip. Minsan talaga, ang sarap sakalin ng pinsan kong ito.
Papunta kami ng airport dahil ngayon ang dating ng mommy ko. Akalain mo yun naisipan niyang umuwi diba? At least bago mag-start ang pasok ang dating niya kaya makakapag-bonding pa kami kahit papano. Ang daddy ko naman susunod din naman.
"Speaking of Nathan, alam na ba ni tita yung tungkol sa inyong dalawa?" napa-irap nalang ako sa tanong ni Vincent.
"Of course. Even my dad knows."
It's been a few months since naging kami ni Nathan and alam yun ng parents ko. Nung una ay hindi sang-ayon si daddy sa pagbo-boyfriend ko pero kalaunan ay naintindihan niya rin na we're madly inlove with each other and that we treat as each other's inspiration sa pag-aaral kaya hindi narin siya kumontra pa.
"Okay, akala ko—" sabi ni Vincent na pinutol ko naman agad.
"Maraming namamatay sa maling akala, Vince."
"Yeah, right. Whatever." Sabi niya sabay irap sa kawalan. Tss. Stupid question.
Di nako umimik nun at naghintay nalang hanggang sa makarating kami. Bigla namang tumunog ang cellphone ko kaya kinuha ko ito sa bag ko at nakitang may text message galing kay Nathan.
Nathan:
Babe, saan na kayo? Nandito na kami."Oh. My. Gosh!" nilingon naman ako nina Vincent, Lorraine na nasa harap at ni Vallerie na nasa tabi ko sa backseat.
Well, hanggang ngayon di parin sinasagot ni Lorraine si Vincent kahit halata naman kung gaano ito kahumaling sa pinsan ko. Pinahihirapan niya muna dahil 'di daw ito nagtanong ng maayos kay Lorraine na manliligaw at dahil daw sa katorpehan ni Vincent.
"W-what? What happened to you??" natatarantang tanong ni Vincent.
"I can't believe this. Nauna pang nakarating sina Nathan sa atin!"
"Really? That fast?" Nagtatakang tanong ni Lorraine.
"Yes! That fast!" hysterical nako sa backseat at medyo binilisan narin ni Vincent.
"Eto na nga oh. Nagpa-park na! Stop it already, you brat."
Agad namang nakapag-park si Vincent at bumaba kami agad ng sasakyan niya. Tumakbo kami papunta kung nasaan sina Nathan. Agad naman naming silang nakita na nasa waiting area ng arrival section.
Tumigil kami kakatakbo, tinukod ang mga kamay sa tuhod at hinabol ang hininga. Agad akong nilapitan ni Nathan at hinagod ang likod.
"K-Kanina pa kayo?" sabi ko ng sinusubukang habulin ang hininga.
"Kakarating lang namin nung nagtext ako sa'yo." Umayos ako ng tayo at inakbayan niya ko. Nilapit niya ang kanyang bibig sa sentido ko at bumulong bago ako hinalikan roon. "Breathe, baby." Tumango lang ako sa kanya.

BINABASA MO ANG
Destiny's Choice
RomanceTwo completely different person. Two childhood friends that became enemies. What will happen to them in the end? The spoiled bratt meets the bad boy, again. Maybe.. it's Destiny's Choice. Unang nakilala at sinuportahan sa Creative Corner ng Candyma...