Chapter 28

312 5 1
                                    

Ayos ng requirements, pasa dito, pasa doon. Retreat dito, retreat doon. Graduation practice mula umaga hanggang hapon. Lahat ng yan nalagpasan namin at sa wakas, handa na kaming humarap sa panibagong kabanata ng aming mga buhay.


“Wohooo~ graduate na tayo!” sabi ni Malcolm habang nagtatalon at nagsisigaw palapit samin nina Vallerie at Vincent.


“Grabe I still can't believe it, college na tayo!”

 

“Omg, excited nako for college Val!”

 

Inirapan nalang kaming tatlo ni Vincent at mukhang hinahanap sina JC. Hindi nag-tagal ay nilapitan din nila kami at agad naman silang kinamayan ni Vincent habang si JC ay nakadikit agad kay Vallerie.

“I’m sick of you, love birds.” Komento ko habang naghaharutan sila sa tabi ko. Ugh! Really?

“Don’t worry Ysaw girl, parating na prince charming mo.” Bulong ni Lorraine sabay kindat sakin.

“Baliw ka talaga, Lorraine. Vince patahimikin mo nga 'yan!”

Nanlaki naman ang mata ni Lorraine sa sinabi ko kaya’t agad niya kong sinunggaban at tinakpan ang bibig ko. Ngunit huli na ang lahat at nakuha ko ang atensyon ni Vincent at napatingin saming dalawa.

“Huy Lorraine, naka-dress ka tapos kung masunggaban mo si Celine diyan daig mo pa tong si Malcolm pag naging unggoy.”

 

Natigilan naman sa pangungulit si Malcolm ng marinig ang sinabi ni Vincent at tinignan ito ng masama. “Hoy Bisente, anong pinagsasabi mo riyan ha?!” sigaw niya at nagmartsa palapit samin.

“Wala, tawag ka ni Kenneth.”

 

Nagpabalik-balik ang tingin ni Malcolm nun kay Vincent at kay Kenneth pagkatapos ay ngumiti siya at lumapit ulit kina Ken at Nathan. Tumayo naman ng maayos si Lorraine at nagpipigil kami ng tawa ni Vallerie.

“Terno kulay ng damit natin, Val ha.” Sabi ni JC sabay akbay dito. Napa-iling nalang ako.

“Tss, tumigil nga kayong dalawa diyan.”

 

“Inggit ka lang, Lorraine. Vince kase ligawan mo na.” sabi ni JC sabay tawa. Tinignan naman siya ng matalim ni Lorraine at namutla bigla si Vincent. Nako, mga 'to talaga. Laro ba to ng Taguan ng Feelings?

“Congrats, Ys.” Sabi ni Ken at pinat ang ulo ko.

“Congrats din, Ken.” Ngumiti ako sa kanya at binalikan rin niya ako ng ngiti. Napatingin ako sa taong nasa tabi niya. “Congrats, Nathan.”

Mukha namang nagulat siya sa ginawa ko kaya’t unti-unti siyang napatingin sakin. Bahagya ko siyang nginitian at natulala lang siya sakin. Tumango lang siya at nagkibit-balikat. “Congrats.” Matamlay niyang sabi.

Destiny's ChoiceTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon