Chapter 20

357 3 0
                                    

Super fast forward of events.

FYI: Maraming changes compared dun sa first version. Edited yung ibang convo pero same parin yung point and may mga nabawas din na iba. Kumbaga mas modern version itey. Pang-wattpad version lang. Lol! Pero more or less, same parin siya. :)

--------------------------

December 24 na ngayon. Nandito ako sa bahay at bagot na bagot na. Umuwi muna kasi sina Vallerie at Vincent sa mga bahay nila pati narin yung ibang kada. Haayyy..

Nandito naman ako ngayon sa entertainment room namin. Dito ko nanonood ng tv at ng mga dvds. O kaya naman makinig ng music. Pwede rin mag-play ng instruments. Meron din kasi kaming drums at guitars na nandito. Actually di naman talaga ako ganun kahilig mag-play ng drums o kaya ng guitar. Mas gusto ko magplay ng piano or violin. Atleast yun, marunong ako gumamit. HAHAHA!

Tumingin naman ako nung mga DVDs na nandun. Naghahanap ng pwedeng mapanood.

*knock*  *knock*

“Tuloy, bukas yan.”

“Mam Celine, nanjan po si sir Nathan sa baba.”

Ano raw?

“Hah? Anong ginagawa niya dito?” Sabi ko sa sarili ko. Sinong kasama nun?”

“Siya lang po. May dala nga po siyang kotse eh.” Sagot nung kasambahay namin. Napatango nalang ako sa kanya at tumayo na.

“Ah ganun ba. Oh sige pakisabi pababa nako.”

Tumango lang din yung katulong namin at lumabas na ng room. Inaayos ko muna yung mga ginulo ko sa entertainment room at pagkatapos eh bumaba nako. Pagbaba ko naman eh nakita ko si Nathan na nasa sala.

“Oh? Disperas ng pasko eh nandito ka? Bakit, anong meron?”

“Di ka pa ba nila tinext?” tanong ni Nathan na naka-kunot ang noo. Tinabihan ko naman siya sa sofa nun.

“Sino? Di ko hawak yung cellphone ko eh nasa kwarto ko. Nasa entertainment room kasi ako.”

“Naku! Magbihis ka na at may lakad ang barkada.”

“Hah? Saan?”

“Wag ka na muna magtanong malalaman mo rin mamaya. Bilisan mo na at hinihintay na nila tayo. Inutusan kasi nila ako na daanan ka na tutal tayo nalang daw dalawa ang hinihintay.”

Nagkibit balikat lang ako nun at tumayo na. Umakyat nako nun at nagbihis. Pagkatapos ko eh diretso bumaba nako at bago umalis eh nagpaalam muna kay manang Rose. Pagkatapos ay umalis nakami.

“San ba talaga tayo pupunta?” nagtatakang tanong ko ng makasakay kami ng kotse ni Nathan.

Ngumiti lang siya nun at kumindat saken. “Basta. Pupunta tayo dun sa favorite gimik place ng barkada.” Nanahimik nako nun. Teka, bakit para yatang may mali.

“Are you driving?”

“Obvious ba?” napa-irap pa sakin si Nathan nun habang mukha akong gulat na gulat.

“You know how?”

“Oo naman. Kung hindi edi sana nabangga na tayo. Bakit naman parang shock na shock ka?” inis na sagot ni Nathan.

“Wala lang. Ngayon lang kasi kita nakitang mag-drive eh. I thought you don't know how to drive.”

Napa-iling naman siya nun at sumulyap sakin saglit. “Tss. Pwede bang hindi? Lahat kaming mga lalake sa tropa marunong magdrive no.”

“Ahhh. Ok.” Tumango ako at nag-kibit balikat.

Nanahimik na kami pareho nun. Nabingi naman siguro siya sa sobrang katahimikan at nagpatugtog siya.

I look at her and have to smile
As we go driving for a while
Looking nowhere in the open window of my car
And as we go the traffic lights
Watch them glimmer in her eyes
In the darkness of the evening

And I've got all that I need
Right here in the passenger seat
Oh and I can't keep my eyes on the road
Knowing that she's inches from me

Destiny's ChoiceTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon