Feeling ko tumigil ang pag ikot ng mundo ko dahil sa mga salitang binitawan ni Nathan. Hindi ko alam bakit, pero hindi ko alam anong sasabihin.
“Would you believe me if I tell you I love you?”
“Would you believe me if I tell you I love you?”
“Would you believe me if I tell you I love you?”
“Seryoso ka ba?”wala sa sarili kong tanong.
Napa-iling na lamang siya’t umiwas ng tingin sakin.“Kita mo, ni hindi ka man naniwala sa sinabi ko.”
“Wag mo nga akong biruin ng ganyan.”
“Hindi naman ako nagbibiro eh! Palibhasa kasi lahat nalang sayo joke.”Bitter niyang sabi. Inirapan ko nalang siya at tinignan siya ng matalim.
“Bakit? Hindi ba?”
“I don't go around the bush when it comes to love.”
Hindi ko talaga alam saan nakahugot ng lakas ng loob si Nathan ngayong gabi at nasasabi niya ang mga ganyang bagay. Hindi ko alam ang gagawin, hindi ako handa.
“J-just… drop it.”Tinalikuran ko na siya at tinahak ang daan pabalik sa loob ng venue.“Oh, nasaan si Nathan?” bungad ni Vincent sakin pagbalik ko sa mesa namin.
“Ewan ko.”
“Oh? Eh diba kayo ang magkasama?”
Nagkibit-balikat lang ako sa tanong ni Ken. “Kanina, oo. Hindi ko alam saan siya nagpunta eh.”
Hindi na sila nag-tanong pa ulit nun sakin at hinayaan nalang ako. Halos nakabalik narin lahat sila sa mesa namin at mukhang naghahanda na ulit sina Vincent sa pagtugtog.
“Last set na tayo. Get ready, Celine!”natatawang sabi ni Malcolm.
“Pwede bang pass muna ako ngayong gabi?” napatingin naman silang lahat sa akin pero nakatingin lang ako sa mga kamay kong nakapating sa hita ko.
“Hindi pwede yan, ngayon ka pa ba aatras?”
“Hoy Ysaw, wag ka nga mag-backout riyan! Subukan mo’t nang makatikim ka ng tadjak mula sa akin.” Banta sakin ni Lorraine.
Napa-buntong hininga nalang ako. Kainis naman, wrong timing. Mas lalo akong di makakapag-concentrate sa lagay na 'to.
“Oo na, tara na nga.”
Nagsitayuan naman sila nun at tumungo na sa may backstage. Inaayos na nina Vincent ang mga instrument habang nagiinternalize ako ng biglang dumating si Nathan.
BINABASA MO ANG
Destiny's Choice
RomanceTwo completely different person. Two childhood friends that became enemies. What will happen to them in the end? The spoiled bratt meets the bad boy, again. Maybe.. it's Destiny's Choice. Unang nakilala at sinuportahan sa Creative Corner ng Candyma...