Chapter 22

324 2 1
                                    

Wala naman masyado nangyari dun coffee bonding namin ni Nathan. Kwentuhan lang kami. Sabi nga niya parang nagbabawi lang daw siya dun sa mga times na hindi kami okay. Ang drama lang!

Nandito naman kaming tatlo nina Vincent at Vallerie sa bahay ko(parati naman). Wala lang. Napag-isipan lang nila mag-dinner kami na magkakasama. Basta bigla nalang nila niyaya yung barkada pumunta samin. Tss! Palibhasa dito sila sa bahay ko nagwawala. Haish!

“Okay ka lang?” tanong ni Vincent samin habang nasa kusina kami nag-aayos.

“Oo naman! Bakit?”

“Wala lang.” sabay kibit-balikat niya.

“Nabuksan mo na ba mga regalo mo?” tanong ni Vallerie.

“Oo. Kaninang umaga pa bago ako matulog. Bakit?”

“Wala lang, curious lang ako.”

“Thank you nga pala dun sa regalo niyo.” lumingon naman ako sakanilang dalawa at napatingin lang saken.

“Ang mahal nung regalo ko sa’yo ah. Sa’yo nga yung pinakamahal eh.” Aba’t naniningil pa ata to?!

“Hoy Vallerie, wag na wag mo kong singilin dun sa regalong binigay mo sakin! Bakit? Sinabi ko bang bilhin mo yun? Hindi naman.”

“Cge na nga, wag nalang. Tutal mas mahal yung binigay mong regalo sakin.”

“Basta ako walang problema. Okay rin naman ung regalo mo sakin. Ang cool kaya!” tinaasan ko naman ng kilay si Vincent.

“Kung magsalita ka jan eh parang napipilitan ka lang! Ayaw mo ata eh.”

“May sinasabi ba ko? Wala naman.”

“Kung minsan talaga ang sarap niyo pag untugin no? Pwede ba, once lang. Ngayon lang!” pagmamakaawa ko sakanilang dalawa. Nagkibit-balikat lang naman sila sa akin.

“Tumahimik ka nga Celine. Gusto ko pa mabuhay!” Binatukan naman siya ni Vincent.

“Ang OA mo.” Nag-pout naman nun si Vallerie.

“Ewan ko ba sainyo.”

“Bat ba ang sungit mo ata ngayon?”nagtatakang tanong ni Vincent na sinundan naman ni Vallerie.. “Meron ka ba?”

“Che! Wala na kayo dun.”

“Ay! Sungit talaga.”

“Alam ko na, kulang ka sa tulog no?” naningkit ulit ang mga mata ko kay Vincent. Kulit lang ng lahi namin.

“Eh alas-3 na nga ako nagising eh.” Mejo napasigaw ako ng konti nun sa sobrang irita.

“Ah ganun ba? Easy ka lang.”

“Palibhasa 4 na kayo nagising.” Bulong ko naman sa sarili ko habang nilalaro ang lemon ng juice ko.

“May sinasabi ka?” tanong ni Vallerie.

“Bakit? Narinig mo ba akong nagsalita?” tinignan naman ako ng masama ni Val at inirapan ako.

Pagkatapos nun eh mejo nasungitan ko pa sila. Naasar nga ata si Vincent sakin kasi nabara ko siya. Nung mga bandang 7pm na eh dumating narin yung iba. Nasa sala nun kaming tatlo.

Destiny's ChoiceTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon