“Woohh! That was tiring!”
“Oo nga eh. It was a looong trip back home.”
Sabi ni Vallerie at ni Lorraine pagkaupo nila sa sofa. Bagsak lahat kami nun sa sala. Grabe. 4pm na nung makauwi kami sa bahay namin dito sa Manila. As yes, we’re back!
“Ano ba sa tingin mo? Malapit lang ba ang Baguio sa Manila? Sagutin mo nga ako.” Bulalas agad ni Malcolm kahit halata mo sa mukha niya yung pagod.
“Bakit? Sinabi ko ba na malapit lang?” sagot ni Lorraine. Uh-oh. This is bad.
“Hindi—“
“Oh hindi naman pala eh. Wag ka na mag-react jan.”
“Eh bat m—“
“Will you both shut up!” irita kong sigaw. Tingin naman sila lahat sakin. Napatayo kasi ako nun nung sinabi ko yun. Hinilot-hilot ko pa ang sentido ko habang nakatayo.
“Pagod tayong lahat dito. Kaya pwede ba, just for today quiet muna tayo. Para naman makapag-pahinga tayo ng maayos.”
Naglakad nako nun ng padabog at umakyat papunta ng kwarto ko.
Pagkahiga ko sa kama ko eh may mga narinig nakong mga pinto na nag-sara. Pagkatapos nun eh nanahimik na ang bahay.
--Christmas Party--
“Oh, Celine? Dumating ka pa?” bungad ni Lorraine sakin pagkapasok ko.
“Oo nga. Akala namin di kana darating eh.”
“May hinanap pa kasi ako eh. Tsaka pwede bang di ako darating?” Ngumiti nalang sila nun sakin.
Well, Christmas Party na nga namin. Nung mga nakaraang weeks naman eh naging okay naman. Normal days. Nandun syempre yung mga asaran at bonding moments namin.
Anyway, nandito kami sa meeting place namin ng barkada ngayon. Sa bahay nina Lorraine. Para naman daw maiba eh dito naman daw kami sakanila. Traditional na daw kasi sakanila tong sabay-sabay sila pumasok pag Christmas Party.
“Ako nalang pala hinihintay?” sabi ko ng makita kong nandun na sila lahat.
“Obvious ba?” pagsusungit ni Kenneth.
“Woah! Dumating ka pa?” Lumabas nun si Malcolm galing sa kusina. Shock na shock ang dating. Tss! Kahit kailan talaga.
“Kahit kailan talaga, ang OA mo!”
“Uy hindi ah! Ngayon nga lang ulit e.”
“Tara na nga! Baka ma-late pa tayo.” Sabi ni Vincent at tumayo na. Lumarga na kami nun at pumunta na kami ng school.
Pagdating namin eh humiwalay na samin sina Vallerie at Vincent. Malas talaga nila. Di namin sila classmates. haha! Dumiretso na kami nun sa classroom namin bago pa mag-flag ceremony.
Pagkatapos ng Flag Ceremony eh nag-start narin ang party. Ang classroom namin ang pinaka-maingay at masaya.
Adviser: “Celine! You may start the party.”
Eto ang mahirap na role ng president ng klase. Kung di ba naman tinopak tong si Malcolm at ninominate akong President. Tss.
Nag-start narin kami nun ng mga games. Puro nga idea ni Lorraine yung mga games namin eh. Meron pa nga game na bubunot yung player nung dare niya. And guess what kung ano yung mga dare? Kakain lang naman sila ng uncook egg, ampalaya, kamatis, etc. DARE talaga. May cash prize naman. Donated by our dear classmates. Lol!
BINABASA MO ANG
Destiny's Choice
RomanceTwo completely different person. Two childhood friends that became enemies. What will happen to them in the end? The spoiled bratt meets the bad boy, again. Maybe.. it's Destiny's Choice. Unang nakilala at sinuportahan sa Creative Corner ng Candyma...