Chapter 19

357 2 1
                                    

Mga 8am nagising nako kinabukasan. Hindi ko narin namalayan anong oras nakatulog sina Vallerie at Lorraine kagabe.

At yung mga boys naman nagpahalata na hindi pa natutulog samin kagabe. Pano naman kaya...

*FLASHBACK*

Habang nakikinig ako sa i-pod ko..

“Celineee~ Ang mga boys!” Tinanggal ko naman ung mga earphones at pumasok ako ng kwarto nung narinig ko yung malakas na sigaw ni Lorraine.

“Anong nangyari?”

Ang ingay kasi nila eh. Kanina pa kami may naririnig na kumakalabog mula dun sa kwarto ni Vincent.” Sabi ni Vallerie habang tinuturo yung pinto. Napailing nalang ako.

Haish! Kids..”

Lumabas na kami ng kwarto nun at dinig na dinig naming ang ingay nila. Kumatok naman ako sa pintuan ni Vincent nun. Kumatok pa kami ng kumatok hanggang sa mapudpod na yung mga kamay namin eh wala parin nagbubukas.

“Sinusubukan talaga nila tayo.” Bulong ko. Narinig naman namin sila tumawa nun.

“Eh nangi-insulto na ata yang mga yan eh.” Inis na sabi ni Lorraine.

Pumasok na ulit kami sa kwarto ko nun at nag-isip ng paraan para buksan na nila ung pintuan. Alam ko na..

“May naisip nako!” hohoho. Lintek lang ang walang ganti guys!

“ANO? sabay na tanong ni Vallerie at Lorraine.

Binulong ko naman sakanila. Sumang-ayon naman sila nun at nag-ready narin para dun sa aming plano.

Pwesto nakami nun dun sa tapat ng pintuan ni Vincent habang may hawak-hawak kaming mga unan. Nag-sign naman ako nun tapos...

“SUNOOOOOOOGSUUUUUNOOOOOOG!!” nag-approve sign lang ako sa dalawa.

Narinig naman namin na tumahimik sa kwarto at sumigaw kami ulit.

“OH MY GOSH SUUUUNOOOOOGWAAAHHHHH OH MYYYY!!” patuloy na sigaw naming. Para naman silang nataranta nun at kami eh nag-ready at baka lumabas na sila ng kwarto. Bumukas naman yung pinto at…

“HIIIIYAAAAAAH!”

Pinagpapalo namin sila nung unan na dala namin. Para bang pillow fight. Yun nga lang, ung mga kalaban namin walang dalang pillow. HAHAHA!

“Tama na! Maawa kayo! Ayoko pa mamataaaay~” sigaw ni Malcolm habang pinapalo ko pa.

“Kahit kailan, ang OA mo!”

Patuloy parin kami sa pagpalo. Siguro nung napagod nakami eh tumigil narin kami.

Destiny's ChoiceTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon