“Asan? Eh kami lang naman yung kausap niyo?” hmn! Minsang slow tong si Lorraine.
“Yun na nga yun. Kayo ang date namin.” Sagot ni Vincent na kinataas lalo ng mga kilay naming tatlo.
“Aba mukha niyo! At kailan niyo naman kami inalok maging prom dates niyo? Wala ata kaming naaalala.” Tumango-tango ako habang sinasabi yon. Agad namang sumang-ayon si Vallerie sa sinabi ko.
“Oo nga! Never niyo naman kaming niyaya eh. Diba?” napa-iling naman sila.
“Ano ba kayo, syempre automatic na kami na yung mga dates niyo.” Giit ni JC na ikinataas ng kilay ko.
“Talaga? Automatic na ba talaga ngayon?”
“Mas maganda parin yung tinatanong niyo kami. Para naman alam namin diba?” May pagtatampong tono ni Lorraine.
“Sorry na, okay? Mejo na-torpe lang siguro kaming tanungin kayo. Tsaka akala namin automatic na sainyo na kami na yung mga dates niyo.” Paliwanag ni Vincent. Napa-buntong hininga ako at inirapan sila.
“Hindi nga ganun!” inis kong utas sa kanila.
“Sige na, sige na! Sorry ulit. Okay na tayong lahat ha?” sabi ni Malcolm at nag-thumbs up pa.
Nasa kalagitnaan kami ng pagtataray at panunuyo ng mga boys ng biglang magsalita ang emcee.
“Good evening ladies and gentleman!” Palakpakan naman lahat. “I'm sure ngayon palang ay excited na kayong malaman kung sino ang tatanghaling prom king and queen for tonight, tama ba ko?” Nag-ingay naman yung crowd nun at maririnig mo ang iba’t ibang bulungan ng mga estudyante.
“Syempre, mamaya pang konti yun. But before that, makikanta at sumayaw na tayo sa dance floor kasama ang Blu-ish Collide band!”
Nag-hiyawan at palakpakan naman lahat ng mga kababaihan nun maging ang mga feeling girl narin. Natawa lang sina Vincent habang tumatayo sa kinauupuan nila.
Pumwesto na sila nun at halatang handing-handa na ilang segundo pa lamang ang nakakalipas.
“Good evening everyone! Hope you’re all enjoying the night. Here's a song dedicated to all guys out there who are "torpe" just like us.” Ngumisi naman si Malcolm habang nakatingin sa table namin.
Nag-umpisa nang tumugtog ang mga instrumento at sumunod narin si Malcolm sa pag-kanta.
Pasensya na
Kung ako ay
Di nagsasalita
Hindi ko kayang sabihin
Ang aking nadarama
Infairness, feel na feel niya talaga yung kanta. Isa-isa ko silang tinignan habang tumutugtog at seryoso lang silang lahat. Halata mong nababagabag parin sa pagtatampo naming mga girls.
Huwag mo na akong pilitin
Ako ay walang lakas ng loob
Para tumanggi
Walang dapat ipagtaka
Ako ay ipinanganak
Na torpe
Sa ayaw at hindi
Pinahihirapan lang talaga namin sila ng kaunti para naman may konting thrill diba. Hahaha. Natigil naman ang pagtitig ko sa kawalan ng marinig ko ang boses ni Nathan.
BINABASA MO ANG
Destiny's Choice
RomanceTwo completely different person. Two childhood friends that became enemies. What will happen to them in the end? The spoiled bratt meets the bad boy, again. Maybe.. it's Destiny's Choice. Unang nakilala at sinuportahan sa Creative Corner ng Candyma...