Lumipas ang ilang linggo at cards out na namin. Sabay-sabay naman kaming kumuha ng barkada.
“Ok na ba lahat? Nakuha niyo na yung inyo?” tanong ko kina Malcolm habang naka-akbay sakin si Nathan. Possessive much.
“Yep, we’re all good. Kayo?”“Uh-huh, we’re good too. Let’s go?”
“Raine, wag mo naman akong iwan.” Sabi ni Vincent habang naka-pout kay Lorraine.
Well, nagsimula narin manligaw si Vincent kay Lorraine just a few weeks ago. Nagulat nalang kami isang araw kulit ng kulit tong si Vince kay Raine yun pala nagtanong na siya through text. Oh, torpe much.
“Pwede ba, Vince. Inarte mo.” tinignan naman niya ko ng masama.
“Hindi porke naka-akbay sa'yo si Nathan ligtas kana.”
“Oo nga, bat ba hindi mo malubayan tong si Celine, ha Nathan?” tanong ni JC.
Ngumiti naman si Nathan at mas lalong hinigpitan ang akbay sakin dahilan upang mapakapit ako sa dibdib niya. “Siya kasi buhay ko. Pag naghiwalay kami, ibig sabihin patay nako.”
Uh, geez. Mukha na siguro akong kamatis sa mga oras na to. Napa-yuko naman ako at kinurot sa tagiliran si Nathan pero tinawanan niya lang ako.
“Harot level 999.99! Enough na.” sita ni Vallerie samin.
“Nag-salita ang walang jowa. Nasaan ba kasi yung boypren mo, Val?” tanong ni Malcolm. Napatingin naman ako bigla sa watch ko.
“Uy teka. Oras na, we need to go.”
Hinila ko na si Nathan at sumunod narin yung iba, Tumakbo kami patungong parking lot at agad nagsi-sakay sa mga kotse para makapunta na kami sa airport.
“Sana maabutan natin, Nate.” Kinakabahan kong sabi, Napatingin naman siya sakin at ngumiti.
“Don’t worry, pag 'di tayo umabot sisiguraduhin ko na 'di na siya makakabalik dito ng buhay.” Natawa naman siya sa sinabi niya at pinalo ko lang siya sa balikat.
“Sira ka talaga.” Tawa parin siya ng tawa. Tss.
BINABASA MO ANG
Destiny's Choice
RomantizmTwo completely different person. Two childhood friends that became enemies. What will happen to them in the end? The spoiled bratt meets the bad boy, again. Maybe.. it's Destiny's Choice. Unang nakilala at sinuportahan sa Creative Corner ng Candyma...