Chapter 24

320 2 1
                                    

“Wihiii! Next week prom na!”

Sabay hagis naman ni Lorraine nung unan. Nasa sala kami nun. It's a saturday. Syempre, tambayan ng barkada, ang bahay ko. Kami palang mga girls ang nandito. Yung mga boys bumili ng DVD at ng food. Manonood daw kami.

“Here's the big question, may prom date ka na ba ngayong nagsasaya ka jan?” Napasimangot naman siya nun.

“Oo nga noh. Wala pa pala akong date.”

“See? Tapos nung una ako inaasar na wala pa akong date ngayon ikaw rin pala wala pa.”

“Kawawa naman kayo. Ang hihina kasi nila.” Napatingin naman kami pareho ni Lorraine kay Vallerie nun. “What?” tanong ni Vallerie at tinaasan pa kami ng kilay ni Lorraine.

Hinagisan naming siya ng unan ni Lorraine sabay sabing, “Palibhasameronka!”

“Wala kaya!” Sumimangot naman siya nun.

“Aba bakit dear cousin? Di ka parin ba niyayaya ni dear JC?” sabay lapit ko sakanya at akbay.

“Dear JC ka jan!” Binatukan naman niya ako.

“Naku, mga torpe nga naman.” Sabay iling-iling ni Lorraine.

“Torpe talaga!”

“Tapos naman pag naunahan sila dun sila magsisisi.” Lumapit narin si Lorraine samin ni Val nun at pinagitnaan nila akong dalawa.

“Naku! Wish ko lang may ibang magyaya sakin para naman magselos siya.” Natawa naman ako sa sinabi ni Vallerie nun.

“Masyado ka naman kasing nagmamadali na yayain ka niya eh. Malay mo one of this coming days eh yayain ka niya, diba?”

“Ewan ko ba dun. Manigas siya!”

“Eh di naman natin kailangan ng mga date na yan eh. Kahit tayong tatlo nalang.” Tumango-tango naman silang dalawa nun.

“May point ka jan.” sabi ni Lorraine.

“Salamat naman at nag-agree kayo noh.” Sarcastic kong sabi at umirap.

“So, anong plano?”

“Pupunta tayo ng prom na walang date.” Proud na sabi ni Lorraine. Taas-noo pa yan ha! Napataas naman ng kilay si Vallerie.

“Don't you get it?” Tanong ko at umiling siya. Napa-iling nalang din si Lorraine.

“Pupunta tayo ng prom without telling anyone. Pupunta tayo dun wearing our best prom outfit. Magpapaganda tayo ng sobra at tignan lang natin kung di sila magsisi na di nila tayo niyaya.”

“Correct! Kaya ikaw, pag may nagyaya sa’yo, sabihin mo hindi ka pupunta dahil may sarili tayong lakad.” Sabay duro ko kay Vallerie. Tumango-tango siya at at ngumiti.

“Nandito na kami!” Sigaw bigla ni Malcolm at natawa nalang kami. I guess you three had fun while we're away.”

Sobra!” sabay naming sabay at nginitian namin sila ng wagas.

Destiny's ChoiceTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon