Chapter 10

505 5 1
                                    

Dahan-dahan ko naman binuksan yung mata ko. Teka, bakit puro puti ang nakikita ko? Nasa heaven na ba ako?

Joke lang. Wag muna please. -___-

Napatingin naman ako sa right ko, wala. Wala akong mapapala sa right side, daan lang ata palabas to eh tsaka may ref, cabinet, tapos may nakasaksak na kung ano man to sa kamay ko tapos—

may.. ano to?!

Bigla kase ako napatingin sa left side ko. Aba, tignan mo nga naman oh! May makikita kang taong natutulog sa kama dito sa tabi ko. Sino nga ba to? Pinaka-tignan ko naman.

Oh my holycow!

“Oh! Buti naman gumising ka na.” sabi naman nung kama.

Deh joke lang. Si Nathan lang naman yung tao nasa kama sa tabi. -_- Sanang kama nalang yung nagsalita wag na siya. Joke! Takot ako sa nagsasalitang kama e. Hahahaha

“Nasan ako?” tanong ko sabay iwas ng tingin sa kanya.

“Obvious ba? Malamang nasa ospital.”

“Aba! Galit ka pa ata?” hiyang-hiya naman ako sa kanya diba? Tss. -___-

“Nagpapaliwanag lang.” mahinahon niyang sagot.

“Ganun na pala magpaliwanag ngayon noh?” Hindi ko parin siya tinitignan.

“Pwede ba tumigil ka muna.”

“Aba! Ako pa ngayon ang pinapatigil mo? Sapakin kaya kita dyan?!”

“Hoy! Pinapaalala ko lang sayo, ako nandito naka-upo sa kama walang dextrose. Ikaw, naka-higa dyan, naka-dextrose. Ok?” mahinahon paring sagot ni Nathan.

“Teka nga, since ikaw lang din naman ang nandito at wala din naman akong ibang matanungan maliban sa mga dingding. Ano nga ba ginagawa ko dito?”

Tinignan ko na siya nun. Aba tignan mo nga naman! Naka-upo siya sa kama at naka-short lang siya. Infairness! Makinis siya, hindi gubat este walang buhok ang legs. Haha!

“Nung nag-hahabulan kayo ni Malcolm nun sa may court...” Okay. Story telling. Magsho-shoot na sana ako kaso nasakto sayo yung bola kaya ayan nangyare sayo. Tss. 3-point shoot dapat yun eh. Haharang-harang kasi sa daan tapos may nalalaman pang habul-habulan parang mga bata. Tss!”

“Kasalanan ko pa ngayon. 3-point shoot mo ba naman, natural malakas yun!” pagsagot ko naman.

“Pwede ba, inaamin ko na nga  na kasalanan ko eh. Ako na nga mag-babayad ng hospital bills mo.” Pag depensya niya. Hindi ko nalang pinansin at tumingin sa paligid ko.

“Teka, anong araw na ngayon? Tsaka anong oras na?”

“Oras na para bumili ka ng sarili mong kalendaryo at orasan.” Pabulong na sagot ni Nathan kaya di ko masyado narinig.

“May sinasabi ka??” tanong ko ulit.

“Wala. Sabi ko, friday na ngayon at 8:30 na ng gabi. Baket?” teka ano daw? Friday na ngayon?!

“Teka nga, ibig mong sabihin na—“

“2 days ka nang tulog dyan sa kama mong mahal.” Pag'putol niya sa sinasabi ko.

“Kumusta naman yung sa presentation natin? Tapos na?”

“Malamang. Sa tinagal-tagal mong nagpaka-sleeping beauty diyan diba. Natapos na namin lahat yun.” WHAT?!

Destiny's ChoiceTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon