“OH, HOLYCOW!” gulat na reaksyon naman nilang lahat.
Nagtaka naman kami ni Nathan habang palapit sa kanila at nagtatawanan.
Nandun sila sa may likod ng canteen at parang inenjoy talaga nila yung mga food booths. At aba! Kumakain sila ng isaw.
“Hey! Anong reaksyon naman yan?” tanong ko.
“Oo nga! Para kayong nakakita ng multo.”
“Syempre kasi—“ sabi ni Malcolm at tulala parin saming dalawa.
“Akala ko ba—“ sabi ni Lorraine at napatulala rin.
“Na uuwi na ko?”
“Oo. Diba kaya—uh.” Napatigil nalang ulit si Lorraine at yumuko.
“Tsaka bakit—“
“Magkasama kami?” dugtong ko sa sinasabi ni Vallerie.
“Yun na nga.”
Ngumiti lang ako pagkatapos ay tinignan si Nathan. Kinwento naman namin sa kanila yung nangyari. Super shock sila at kulang nalang talaga ay kainin nila yung mga stick ng mga isaw.
“WOAH! As in WO-AH!” sabi ni Lorraine na shock na shock talaga.
“Che! O.A. mo ah.” Sabi ko sabay irap.
“Slight lang.”
“Naku! Pero teka nga, for sure ikaw may pakana nito.”
“Pakana ng alin?”
“Painosente ka pa! Obvious naman eh.”
“Di kita—“ Tapos parang napansin siguro niya na may hawak siyang stick ng isaw. “Ahhh! Hahahahaha. Alam ko na kung ano tinutukoy mo! Sorry, di ko naman sinasadya eh. Sarap kasi kaya kumain kami.”
“Masarap?? Eh kung jombagin kita diyan?”
“Ikaw naman parang ito lang! Wag ka na ma-hurt. Di naman ata nila alam eh.”
“Talagang di naman alam. Di naman kayo maintindihan. Kayo lang nagkakaintindihan dyan eh. Para kayong taga-outerspace.” Sabi ni Malcolm at tuloy parin sa pagkain ng isaw.
Magsasalita na sana si Lorraine pero bumuka nanaman ang bibig ni Malcolm.
“Speaking of outerspace. Kokey? Korokoy? Kayo ba yan?!”
“Che! Mas mukha naman akong tao kay Kokey noh.” Sabi ni Lorraine sabay batok kay Malcolm.
“At mas mabait naman ako kay Korokoy!”
“Baliw ka ba, Lorraine! Di naman tao si Kokey eh.” At tawa naman ng tawa tong si Malcolm.
“Bakit sinabi ko bang tao si Kokey?!”
“Bakit?! Sinabi ko bang sinabi mo na tao si Kokey?!”
At tuloy lang sa pagtawa tong si Malcolm. Kami naman eh nagtatakang tinignan ang bawat isa.
“Huy, Malcolm! Baka atakihin ka sa puso nyan.” Sita ni Nathan sa kanya.
“Bakit? Kailan ba ko nagkasakit sa puso?!”
![](https://img.wattpad.com/cover/1316702-288-k880809.jpg)
BINABASA MO ANG
Destiny's Choice
RomanceTwo completely different person. Two childhood friends that became enemies. What will happen to them in the end? The spoiled bratt meets the bad boy, again. Maybe.. it's Destiny's Choice. Unang nakilala at sinuportahan sa Creative Corner ng Candyma...