Destiny B

5 0 0
                                    


"Ah, mawalang galang lang ha?" Sabat ni Malcolm. "May tanong lang sana ako, kung ok lang?"

"Ano nanaman yang kalokohang naiisip mo, Malcolm?" Naniningkit na tanong ni Valerie sa kanya.

"Excuse me, kalokohan agad?"

"Eh ano pa bang ibang tumatakbo dyan sa kokote mo kundi puro kalokohan lang naman?" Sabi ni Val sabay halukipkip. Umakto naman na nasasaktan si Malcolm at humawak pa sa kanyang dibdib.

"Ouch, Valerie! You hurt me! You hurt me so deep tagos hanggang kidney!" At may kasama pang acting na umiiyak.

Sabay-sabay naman kaming nagpalakpakan sa ginawa niyang pag acting.

"Pwede na, Colm. Pang-best actor!" Sabi ni JC na may kasama pang slow clap.

Tumayo naman bigla si Malcolm at nag-bow pa sa harap namin.

"Thank you, thank you." Sabay flying kiss pa niya at kaway kaway. "Pero mga gago seryoso ako." Sabay upo niya at serious face.

"What is it you're trying to ask then?" Natatawang tanong ni Felicity sa kanya.

"Curious lang ako sino si Freeze? Like hello, friends na tayo diba?" With matching eye roll pa siya habang sinasabi yun.

Natawa naman si Nicolaine sa akto ni Malcolm. "Oh, my bad. Freeze is my long time boyfriend."

Napatango naman silang lahat nun sa sagot ni Nicolaine.

"Oh, akala ko kuya ni Celine." Inirapan ko naman siya.

"Wala akong kuya. Only child, remember?"

"Ah, kaya pala spoiled ka." Bulong ni Malcolm.

"May sinasabi ka?"

"Ha? Ah wala! Kain. Kain tayo! Nakakagutom talaga." Sabi ni Malcolm at bumaling na ulit siya sa pagkain ng merienda habang nakatawa.

"Ako, may tanong din." Biglang sabi ni Nathan na nakaupo sa tabi ko.

"What is it, Nathan?" Tanong ni Nicolaine.

Lumingon naman siya sakin bago sinagot si Nicolaine. "Just curious." Tinaasan ko siya ng kilay habang nagsasalita. "Nagkaroon ba ng boyfriend si Celine?"

Nabilaukan naman ako sa tanong niya. "Nathan!"

"What?" Inosente niyang tanong. "I'm just curious. I never asked you that before." Sabay kibit-balikat niya.

"Ohh, I smell something." Ngiting-aso ni Malcolm. Nahampas tuloy siya ni Lorraine. "Aray ko!"

"Ikaw, kumain ka lang dyan." Sabi ni Lorraine at pinanlakihan pa niya ng mata.

"You should've asked me, not my friends." Malumanay kong sabi sa kanya. Natigilan siya at tumitig sakin.

"I'm sorry, babe. Just forget about it, ok? I was just curious." Paglalambing niya sakin.

Ngumiti naman ako sa kanya. "It's okay."

Wala naman talagang kaso sa akin ang tanong niya na yun. Pero sana ay personal nalang niya akong tinanong at hindi sa mga kaibigan ko. Feeling ko tuloy ay wala siyang tiwala sa akin.

"Ah, ahaha! Halika nga rito Malcolm." Tawag ni Vincent at tumayo malapit sa pool.

Sumunod naman si Malcolm sa kanya. Nagkatinginan naman si Vincent at Nathan sa isa't isa at mukhang agad naman sila nagkaintindihan kaya't tahimik rin siyang tumayo at sumunod sa kanilang dalawa. Lahat naman kami ay nakatingin lang sa kanilang tatlo.

"Yes, my dear friend?" Salubong ni Malcolm kay Vincent ng hindi namamalayan si Nathan sa likod niya.

Akma namang aakbayan ni Vincent si Malcolm kaya medyo lumapit sila sa may edge ng pool pero mukhang may iba silang balak ni Nathan.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Apr 29, 2020 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Destiny's ChoiceTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon