Chapter 27

252 3 1
                                    

Mabilis lumipas ang mga araw. Sobrang bilis na parang hangin lang na dumaan at di mo nakita. Naging busy kami sa pag-aaral—dahil Finals at pag-aasikaso ng mga college application naming lahat.

“Hayy! In a few weeks, ga-graduate na tayo ng high school.”

Sabi ni Lorraine habang nakatingin sa kawalan. Nandito kami sa bahay dahil Sabado at kakatapos lang ng Finals namin.

Napabuntong hininga si Vallerie. “Tama ka diyan, Lorraine. Feels like it was just yesterday when—”

“—You met me and now we’re together.” Putol ni JC kay Vallerie. Uh-huh, definitely cheesy.

Nagsi-react naman daw kami lahat at nag-make face sa sinabing yon ni JC.

“Palibhasa mga torpe’t pakipot kayo eh. Inggit lang kayo!” sabi ni JC sabay belat samin na parang bata at tumabi kay Vallerie sa swing.

“Kapal dude. Hindi dahil kayo na ibig sabihin hindi kana torpe.” Sabi ni Ken sabay batok kay JC. Natawa naman kami at napa-iling nalang ako sa kanila.

“By the way, kailangan narin pala natin mag-practice para sa Graduation Ball. Tutugtog tayo.” Singit ni Vincent sa katuwaan.

“We should enjoy the last few days of being a high school student. Partyyyyy~” sigaw ni Malcolm at nagtatalon. Binatukan naman siya ni Ken. “Aw! That hurts, dude.” Nag-tumodo pout naman siya.

“So gay, Colm. So gay.” Natawa naman si Ken sa itchura ni Malcolm.

“Oo nga pala, Celine. Di ba uuwi sina tita para sa graduation mo?” napatingin ako kay Vallerie at biglang tuloy akong nalungkot.

“Nope.” Sagot ko na may kasamang ngiti.

“Bakit? Graduation mo di sila aattend? Okay lang sa'yo?” sunud-sunod na tanong ni JC.

“Okay lang naman. Though ito yung first time na hindi sila a-attend but I understand, nandiyan naman sina tita. Besides, nag-promise naman sila na uuwi sila this summer.” Sabay kibit-balikat ko sakanila.

Nilapitan naman ako ni Vincent atng patagilid kaya gumanti rin ako ng yakap sa gilid niya. “Yeah, don’t worry my parents and Val’s will be there for you too.”

“I know, Vince. Thank you. Thank you so much. I’m happy I have you guys with me, all of you.”

Tinignan ko naman silang lahat—maging si Nathan na tahimik sa sulok at nginitian.

“Drama queen kana ba ngayon, bratty?” tinignan ko naman ng masama si Malcolm sa sinabi niyang yon. “Whaaaat? If only your eyes could kill, I would be dead by now.” Natatawa niya pang sabi kaya binatukan siya ulit ni Ken.

“Shut your mouth, Malcolm.”

Tinignan naman ng masama ni Malcolm si Ken at biglang lumuhod at tila ba umiiyak siya. Inarte ng isang 'to talaga kahit kalian.

“Bakit ba ako nalang lagi?! Huhuhuhuhu. Why do you keep torturing meeeee? Huwaaaayyyy? Why meeeee? Ahuhuhuhu!”

Pinagmasdan lang namin siya habang nakaluhod siya, nakatingala sa langit at nakataas ang dalawang kamay (you know what I mean haha). Ilang minute ang lumipas at napansin ata niya na pinagmamasdan lang namin siya kaya tinignan niya kami.

“Wala talagang magre-react?”

Napa-iling nalang kami sa kanya. “Oo na, Malcolm pwede kana sa drama club. So stop it na.”

“Kainis ka talaga Lorraine kahit kalian panira ng emote!” tumayo naman siya nun at lumipat ng pwesto. Mula sa kinauupuan niya kanina—na sa tabi ni Kenneth ay tumayo siya sa gilid ni Nathan. Napansin naman niyang tulala ito kaya’t siniko niya. Hello? Earth calling, Nathan Cruz! Nasa tamang pag-iisip ka pa ba? Yuhooooo~”

“Oo naman, bakit ba? Gulo mo, Malcolm.” Iritang sabi ni Nathan sabay tulak niya ng mahina kay Malcolm.

“Grabe, parang concern lang ako. Is that time of the month for you?” seryosong tanong ni Malcolm. Napatayo naman si Nathan sa kinatatayuan niya at akmang babatukan si Malcolm pero tumakbo na ito palapit sakin. “I was just kidding, dude! Wag niyo naman targetin ang ulo ko. Puro sabaw na nga lang laman eh.”

“Tss.” Napatingin naman siya sakin at napa-iling nalang. “Then stop bothering me.”

Bumulung-bulong pa si Malcolm sa gilid ko pero napa-iling nalang ako sakanila. “Tama na nga 'yan. Tara na’t handa na yung merienda.”

Bigla naman nagtatalon si Malcolm sa tabi ko na parang batang binigyan ng maraming laruan sa sobrang saya

“Wooohh, kainan nanaman. Yahooooo~ let’s go guys!”

“Ayan nanaman yung PG nating kaibigan.” Bulong ni Vallerie na dinig na dinig naming lahat.

“Who cares? Even care bears don’t care. Food is food! C’mon Vallerie. Say hello to calories.” Sabi ni Malcolm sabay tawa ng malakas at takbo papasok ng bahay.

“Seriously? Ugh. Pati care bears at calories ko dinamay niya. Really?” naiiritang sabi ni Vallerie. Hindi ko napigilan at natawa ako kaya’t tinignan ako ng matalim ni Vallerie.

Sumunod nalang kami kay Malcolm nun  at nadatnan nalang namin siya na sarap na sarap sa pizza.

“What are you waiting for? Time is gold and so are we!” at tuluyan na niyang nilamon lahat.

Destiny's ChoiceTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon