“Nakaka-kilig naman sila.”
“Wag nga kayo maingay! Baka magising sila.”
Ano ba yun? Ang aga-aga ang ingay-ingay. Arrgh! Tutulog pa yung tao eh. Mga pinsan ko talaga walang konsiderasyon paminsan-minsan. -__-
“Tara na nga! Labas na tayo.”
“Oh, napano ka? Na-bad mood ka ata? Selos ka noh! Yiheeee~”
“Di noh! Bakit naman ako magse-selos?”
“Woooh! Deny paaaaa.”
Ano ba?! Ang ingay talaga! Arrghh. Pero teka, bakit parang nararamdaman ko atang may brasong naka-yakap sa bewang ko at may mga hitang nakapatong sa hita ko?
“Sheetofpaper!” gulat na bulong ko ng mabuksan ko ang mga mata ko at nakitang naka-yakap sakin si Nathan. Dahan-dahan ko namang tinaggal yung kamay niya sakin kaya parang nagising siya.
“Aba! Nagising na yung mag-asawa oh.” OMG! OMG! Grabe na to! Waaaaaahhhhhh!! Kukutusan ko tong si Vincent eh. T_T
“Ang sweet niyo naman. Magka-yakap pa kayo habang natutulog!” isa pa tong si Ken. Inirapan ko naman siya at dahan-dahang tumayo mula sa pagkakahiga. Medyo awkward!
“Kutusan ko kayo diyan eh. The show is over, magsilayas na kayo diyan.” At nag-walk out nako. Dumiretso naman ako sa kwarto at ginawa ang morning rituals ko.
Grabe, wala nakong maalala sa mga nangyare kagabe? Hindi ko namalayan paano ako nakatulog. Tsk! Dapat pala naglagay ako ng pillow sa gitna namin ni Nathan nung tumabi na siya sakin. Badtrips! Nang matapos nako, ay lumabas na ko ng kwarto naming mga babae.
“Ay langgam na natapakan ng kalabaw!” Jusko dai! Sino naman kaya di magugulat. Pagbukas ko ng pinto may nakita akong taong nakatakpan ang mukha ng teddy bear na pagkalaki-laki. T_T
“Ay sorry, sorry! Nagulat kita.” Sabi ni Nathan sabay baba nung teddy bear na nakatakip sa mukha niya. Huminga nalang ako ng malalim. Buti nalang wala akong sakit sa puso kundi inatake nako dito.
“Ah ok lang! Bakit ka nga pala nandito? May banyo naman dun sa kwarto niyo diba?”
“Ah, oo nga. Tapos nako mag-hilamos.”
“Ah ganun ba? Eh bat nandito ka?”
“Gusto ko sanang—ano kwan eh—g-gusto kong mag-sorry.” Tinaasan ko naman siya ng kilay.
“Sorry? Para saan naman?”
“Yung sa kanina.”
“Ahh. Ayos lang yun!” sabay pat ko sa balikat niya. Bababa na sana ako kaso hinila niya ko sa braso kaya’t napatingin uli ako sa kanya.
“Breakfast is ready! Come and get it! Kung hindi, mauubusan kayo ni Malcooolm~” sigaw ni Vallerie mula sa baba.
“Adik ka Vallerie humanda ka sakeeeennn~” Hala! World war?! Naku! Makababa na nga!
“Ah, tara baba na tayo!”
Tumango lang si Nathan habang nakatingin sakin. Binitawan niya rin yung braso ko at ngumiti sa kanya. Bumaba nako at sumunod naman si Nathan. Nadatnan naman naming naghahabulan sina Vallerie at Malcolm nun.
“Waaaaaahhhh~”
“Halika nga dito, payatot ka!”
BINABASA MO ANG
Destiny's Choice
RomansaTwo completely different person. Two childhood friends that became enemies. What will happen to them in the end? The spoiled bratt meets the bad boy, again. Maybe.. it's Destiny's Choice. Unang nakilala at sinuportahan sa Creative Corner ng Candyma...