Tinaas naman namin yung mga baso namin with drinks (juice sa girls at konting beer sa mga boys) para mag-cheers.
“Merry Christmas everyone!” sigaw ni Malcolm.
“Cheers!” sabi ni Nathan at tinaas naming ang mga baso naming pagkatapos ay sabay-sabay ininom ang mga drinks namin.
“Oh! 2 bottles of SM light lang ah? Mahirap na baka malasing pa kayo.” Suway ko sa mga boys.
“Bakit? Wala naman kaming balak pagsamantalahan kayo no. Yuckers!” sabi ni Malcolm na parang naiirita. Tss.
“May sinabi ba ko? Ang iniisip ko lang eh baka walang maghatid samin pauwi no.” inirapan ko naman siya.
“Sumuko ka na kasi Malcolm. Di mo matatalo yang pinsan namin. Mahirap pasukuin yan.” Sabi ni Vincent sabay akbay kay Malcolm.
“Aba! Ano namang tingin niyo sakin? Gigive up jan kay Celine?”
“Bakit? Hindi ba?” taas kilay na tanong ni Ken.
“Hello! Lalake ako. Baka matawag pa akong bakla pag nagpatalo ako jan.”
“Bakit? Hindi ba?” tanong ni Jc na natatawa.
“Anong ‘hindi ba’?” kunot-noong tanong ni Malcolm.
“Hindi ka ba talaga bakla?” Tawa naman kaming lahat. Tinignan niya naman kami ng masama.
“Hindi no!” Tawa parin kaming lahat nun.
“Oh tama na yan. Gift giving time na!” sigaw ni Vallerie matapos naming makapag-move on sa kalokohan ng mga boys. Umupo na kaming lahat nun at nag-ayos. “So, sinong magsisimula?”
“Ako na!” Sabay tayo naman ni Malcolm. Nagkibit-balikat lang si Vallerie at tumango.
Kinuha naman niya nun yung mga dala niyang regalo at pinamigay. Ako naman yung huli niyang inaabutan with special message pa siya ah. Live. Hahaha!
“Ayan ah! Binigyan kitang regalo kahit na binabara mo ko minsan.”
“Anong ‘minsan’?” taas kilay kong tanong sa kanya pagka-kuha ko ng regaling inabot niya sakin.
“Bakit? Hindi ba?”
“Hindi kaya minsan. Madalas!”
“Aba! Buti at inamin mo pa talaga.” Inirapan naman ako ni Malcolm nun at padabog na umupo. Tumawa nalang ako nun.
Sunud-sunod na sila nun nagbigay ng regalo. At huli akong nag-bigay. Tumayo nako nun at inabot ko na ang mga regalo ko sa kanila. Second to the last si Nathan at huli si Malcolm. Syempre, hindi ako papatalo kay Malcolm, with special message din ako.
“Ayan! Binigyan din kita ng regalo. Despite of your endless dramas.”
“Anong drama?” tanong niya habang di maalis ang kanyang mga mata sa regaling inabot ko sa kanya.
“Yung kanina!” Tumawa naman ako nun at bumalik sa lugar ko. Grabe! Puro malalaki ang mga regalong inabot nila sakin.
“Para naman masaya dapat mag-bukas tayo ng regalo kahit isa lang.”
“Good idea, Lorraine! Ganito ah, choose one gift na gusto niyong buksan. Pagkatapos ay sabay-sabay nating bubuksan yung regalong napili nating buksan. Ok ba?” masiglang sabi ni Vallerie.
![](https://img.wattpad.com/cover/1316702-288-k880809.jpg)
BINABASA MO ANG
Destiny's Choice
RomanceTwo completely different person. Two childhood friends that became enemies. What will happen to them in the end? The spoiled bratt meets the bad boy, again. Maybe.. it's Destiny's Choice. Unang nakilala at sinuportahan sa Creative Corner ng Candyma...