“So random! Am I suppose to laugh with that effin joke?” sabay irap ko.
“It's not a joke. I'm serious.”
Wha--? Ano daw? Seirous? TALAGA?!
“Huh? What??”
Sa sobrang pagkagulat ko eh natabig ko yung baso at nahulog. Ayun, basag lang naman.
“Shocks!” Lumuhod naman kami pareho para pulitin yun. Tumayo naman siya at parang may hinahanap.
“Di ka kasi dahan-dahan eh.” Aba! Ako pa sinisi nito. Sapukin ko ata to eh.
“Ako pa may kasalanan ngayon? Ikaw nga tong kung anu-ano pinagsasabi jan eh. You've really gotten into my nerves.” Napatigil siya dun sa paghahanap niya at tinignan ako. Napa-tingin din ako sa kanya.
I
nirapan lang naman niya ako at sinabing “The nerve!” Natawa naman ako dun sa pagkasabi niya.
“Ayan! Natawa ka rin.” Sumeryoso na ulit ako nun at bumaling uli siya doon sa hinahanap niya sa kusina namin.
“Ano ba hinihanap mo jan?”
"Yung walis. Wag mo na nga galawin yan baka masugatan ka pa.” Hindi naman ako nakinig at pinagpatuloy ko ang pagpupulot nung bubog.
“Nasa may tabi ata ng washing machine dun sa may likuran. Tignan mo nalang.”
“Osige kukunin ko lang. Tigilan mo na sabi yang pagpulot jan! Pag ikaw nasugatan..”
“Yeah.. yeah..” tumango-tango pako nun.
Sinunod naman niya yung sinabi pero ako di sumunod. Pinagpatuloy ko parin ang pagpulot ng basag na baso at tinatapon sa hinablot kong basurahan.
“OUCH!” Napasigaw ako sa sobrang sakit. Nasugat ako.
Napatakbo naman si Nathan palapit sakin. Hinawakan naman niya yung kamay ko at tinignan yung sugat.
“Sabi naman sayo tigilan mo na yung pagpulot eh.”
“Eh ang tagal mo naman kasi eh.”
Nagulat naman kami kasi napatakbo bigla yung iba palapit samin.
“Ano nangyari?” tanong ni Lorraine habang tinitignan kaming dalawa.
“Nabasag ni Celine yung baso. Ayan, dahil di siya nakinig sakin nasugatan tuloy siya.”
“Oo na! Pasaway nako inaamin ko na.” sabay hila ko dun sa kamay ko na hawak niya.
“Tss! Vallerie, Lorraine, gamutin niyo na sugat niya baka kung mapano pa yan.” Tumayo nako nun at lumapit kina Vallerie. Pagkatapos eh pumunta kaming sala at ginamot nila yung sugat ko.
****************
“Ok! Christmas break si over. Back to school na tayo! Listen up, guys.” Sigaw nung teacher naming sa harapan kaya natahimik kami.
Yep. Back to school na nga kami. Eto at nagrurush na kami sa mga lessons na di pa natatapos dahil malapit na ang exams.
Naging maayos rin naman yung celebration namin ng New Year. Katulad nung Christmas, halos naging ganun din yung ginawa namin. Kaibahan nga lang ay sa bahay na naming kami nag-stay at nagpa-putok, turotot at kung anu-ano pang mild lang.
BINABASA MO ANG
Destiny's Choice
Storie d'amoreTwo completely different person. Two childhood friends that became enemies. What will happen to them in the end? The spoiled bratt meets the bad boy, again. Maybe.. it's Destiny's Choice. Unang nakilala at sinuportahan sa Creative Corner ng Candyma...