Chapter 14

378 4 1
                                    

Napatingin lang ako sakanya nun. Nanlaki mata ko sa tanong niya. Joke ba yun!? Ibang klaseng joke yan ah! Tumawa naman ako nun.

Haha! Ibang klaseng joke yan ah.” Sabi ko habang humahagalpak parin sa tawa.

Tingin lang silang lahat sakin nun.  Nung napansin ko na ako lang tumatawa, mejo nag-ayos nako nun at tumigil na sa pag-tawa.

“Oh? Tumigil ka?” puna ni Vincent sa akin.

“Eh ako lang tumatawa eh!”

“Wala naman kasing nakakatawa eh!” pabulong na sigaw ni Lorraine.

“Bakit? Di ba joke yun?”

“HINDE!” sigaw nilang lahat sakin.

“Ah ganun ba? Akala ko joke eh. Sorry!” sabi ng nagpipigil parin ng tawa. Tahimik lang sila nun. Nakatingin sakin.

“What's with the look?”

“Sigurado ka bang nasa wastong isip ka?” tanong ni Malcolm.

“Hoy Malcolm! Di naman ako katulad mo noh! Minsan, nasa isip, minsan parang ewan at wala sa sarili.”

“Ung nasa isip, totoo yun. Pero yung wala sa sarili? Baka ikaw yun!”

Napataas ang kilay ko at nagkasabay-sabay kami ng reaksyon at sinabing, “Dinga?

“Aba! Totoo naman eh!”

“Eto na ang chips!” Masayang sabi ni Nathan at naglakad palapit samin.

“Bat ba ang tagal mo?” Tanong ni Ken.

“Ahhmm.. nahirapan ako hanapin eh. Ang laki kasi ng kitchen. Tsaka nakipag-chikahan ako ng konte sa mga katulong.”

“Aba! At kailan ka pa natutong makipag-kwentuhan sa mga katulong nina Celine?” tanong ni Lorraine habang inaabot ang isang Clover.

“Kanina lang. Nung kinukuha ko yung mga chips.”

“Sasabat muna ako! Nag-text si auntie.” Sabi ni Vincent.

“Sinong auntie?” tanong ni Val.

“Mommy mo Celine!” sabi ni JC ng masilip ang cellphone ni Vincent.

“Di nga? Pano mo nalaman?”

“Kinakamusta ka eh! Basahin ko pa.” Kinuha niya yung phone ni Vince at binasa yung text. Vincent, pamangkin! Kumusta na si Celine? I was calling her phone but she's not answering it. How is she doing?”

“Nasa kwarto ko yung cellphone ko eh.”

“Kaya naman pala di ka matawagan at makausap ng nanay mo, iniiwan mo kahit saan ang cellphone mo.” Sabi ni Lorraine sakin.

“Excuse me! Di ko siya iniiwan kahit saan, nasa room ko! Okay?”

“Ganun din yun! Di mo naman hawak eh.”

“Oh wait lang.

Tinawag ko naman yung isang kasambahay namin at pinakuha ang cellphone ko sa kwarto ko. After few minutes, nakarating ang phone ko. May missed call nga si mommy. 3 missed calls. Tapos 2 msgs. from her also.

Destiny's ChoiceTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon