Chapter 13

4.1K 144 17
                                    

Naiiling na lang siya sa staring contest ni, Gabriel, at Skye. Binilinan niya itong huwag magsalita ng English para hindi ito kausapin ni Gabriel.

Napapahigpit na lang ang hawak niya sa manibela dahil sa kalokohan niya na nadamay pa ang pamangkin.

" Did you eat, already?"

Tanong ni Gabriel kay Skye na nag muestra pa sa kamay na inilalapit sa bibig. Nakikita niya ang pagpipigil ni Skye na matawa at bumaling sa kanya.

" Nakakatawa siya, Ti- Mommy."

Sabi ni Skye na malaki ang ngisi. Kahit siya gusto niyang bumunghalit ng tawa. Kaya lang pinipigilan niya ang sarili, baka kung ano ang gawin ni Gabriel pag nalaman nitong pinag loloko niya ito. Tinanguan niya si Skye saka ginantihan ito ng ngiti.

" Wag mong sasabihin kay Kuya, malalagot ako sa Tatay mo."

Bilin niya sa pamangkin na tumango. Saka humarap kay Gabriel at umiling.

" Okay. Why not let's eat first before we head back to the hotel?"

Suhestiyon nito sa kanya. At saka niya naramdaman ang gutom. Isang barbecue stick at beer lang pala ang naging lunch niya kanina.

Kaya nag maniobra siya sa pinaka malapit na kilalang restaurant.

" Sabi mo hindi siya mabait. Pakakainin pa nga tayo."

Ani Skye sa kanya na naka hawak sa kanyang mga kamay.

" Kasi nga, mabait siya sa mga nanay na.Noong akala niya hindi pa ako nanay, ang sungit niya. Tinggnan mo, hindi ngumingiti sa mga babae na nakatingin sa kanya."

Tiningala ito ni Skye dahil naka agapay sa ito sa kanila sa paglalakad.

" Oo nga."

Sang ayon nito ng mapansin na nililingon ito ng mga babae na nakakasalubong pero deadma ito.

" Pogi problems."

Sa sarili lang niya sinabi iyon dahil kung titingnan ito, para itong high and mighty na nag lalakad. Walang pakialam sa atensyon na I binibigay ng mga kababaihan. Marahil dahil sanay na ito sa ganun na tagpo.

" Hindi ka ba talaga kumain, Skye?"

Tanong niya sa pamangkin habang pinapasadahan niya ng tingin ang menu card.

" Konti lang. I'm scared about Nanay and Tatay is so worried about her."

Biglang lumungkot ang anyo nito at hinaplos niya ang ulo nito.

" So, you can speak English!"

Bulalas ni Gabriel na naka mata sa kanila. Pareho silang napabaling dito. Siya ay alanganin na napangisi, habang si Skye ay naman ay tumango.

" Yeah, I am!"

Proud bang sabi ni Skye. Sinulyapan muna siya ni Gabriel bago bumaling kay Skye.

" And you let me use my hand gestures where in fact you can understand me?"

" It's funny! You look silly."

Sagot ni Skye at bahagyang pang bumungisngis.

" Skye, tama na. Baka maging dragon iyan. Hindi iyan mabait."

Babala niya sa pamangkin na may pilit na ngiti dito. May kasama pang pag kuhit sa tagiliran nito.

" Iris, did you know it's rude to speak your language in front of us that we can't understand?"

Elite Bodyguard: Iris Cervantes Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon