" Reservation for Mr. Gabriel Valencia."
Narinig niyang kausap ni Lucas sa receptionist. Habang nakatayo si Gabriel sa likod. Nanatili lang siya sa likod ng mga ito. Kung titingnan mo ito parang pag aari ang mundo!
" No wonder, Ezah doesn't like you!"
Sabi niya sa sarili habang nakatingin dito. Ang matiim niyang tingin dito ay nawala at nabaling sa kamay na umakbay sa kanya.
" Aidan!"
Masaya niyang baling dito at niyakap ang pinsan.
" Fancy seeing you here, Iris."
Masaya din nitong sabi at gumanti ng yakap sa kanya. Tinapik tapik pa siya balikat.
"Yeah, I'm escorting someone."
Aniya at bumaling sa gawi ni Gabriel pero ang madilim at salubong na kilay ang sumalubong sa kanya.
" Ngayon mo lang ginawa iyan."
Natatawa na sabi ni Aidan. Ang pag escort ang ibig nitong sabihin na ngayon lang talaga niya ginawa.
" I can't say no to Logan. Malaki ang tulong na binigay niya sa akin."
Tumatango si Aidan sa kanya.
" Do you want to have dinner with us? Dia is just fetching Navin."
Nakangiti na sabi ni Aidan. Pero umiling siya.
" Next time na lang. Hindi naman nasabi ni Logan na may lahing dragon pala ang babantayan ko."
Bahagya pa siyang napa irap sa hangin na hindi niya gawain dahil sa nararamdaman niyang galit sa mga sulyap ni Gabriel sa kanya.
Natawa na lang si Aidan sa sinabi niya at bahagya na siyang itinulak dahil naglakad na ang mga ito papunta sa elevator.
Pagpasok niya sa elevator nasa likod niya si Gabriel,kita niya sa reflection ng dinding ng elevator ang tingin nito sa kanya.Nakatikom lang ang kanyang bibig at pinipigilan ang sarili.
"Bakit kaya ang sama makatingin nito?"
Sa sarili na lang niya sinabi habang sinasalubong ang tingin nito sa kanya. Nararamdaman niya na may nais itong iparating sa kanya. Pero isa lang ang alam niya,ayaw nito sa kanya! Sa isipin na iyon hindi niya napigilan na mapasimangot.
"Ayaw ko din naman sa lalaking katulad nito."
Muling sabi niya sa isip.Pag bukas ng elevator pinauna niya itong lumabas at sumunod lang siya dito.
Isang presidential suit ang naka reserved para sa mga ito.
"Get inside. I want to brief you of what I want."
Baling nito sa kanya ng wala siyang balak na pumasok. Gusto lang sana maka sigurado na nakarating ito sa pansamantala nitong tutuluyan habang nandito sa Pilipinas. Hindi na niya pinag dalawang salita ito at pumasok siya sa malaking hotel room.
"Sit."
Utos nito habang hinuhubad ang suot na blazer. Wearing a two-piece suit and now he's just wearing white polo at bahagya pa nitong binuksan ang ilang butones. Marahil exhausted ito sa mahabang biyahe at kung ano ang naghihintay dito.
Kahit naiinis siya dito dahil sa masungit nitong personalidad. Hindi niya napigilan ang sarili na humanga sa pisikal nitong anyo. He's a good-looking, masculine, and snob type of man. Tumikhim muna ito bago naupo sa pang isahan na sette.Habang siya naman ay sa mahabang sofa.
" I honestly don't know if I should entrust my safety to you."
Simula nito kaya agad na nanlaki ang butas ng ilong niya sa inis dito.
"I told you, Mr. Valencia..."
"But because I noticed that most of the men are close to you. And I see pure admiration while looking at you. No one will do anything bad to you, so maybe I am safe."
Putol nito sa sasabihin niya,sinamahan pa nito ng pagpasada ng tingin sa kanyang mukha.
"I don't blame them, you are beautiful. You have a strong personality, maybe curious how are you as a lover."
Hindi niya alam kung papuri iyon o pang uuyam.
"Did you have the same curiosity, Mr. Valencia?"
Tanong niya na tinaasan ito ng kilay. Kunti na lang bi bingo na ito.
"No! I only have one thing on my mind. How many men have lusted after your body?"
Bingo! Pakiramdam niya umakyat sa ulo niya ang lahat ng kanyang dugo. Kinalma niya ang sarili at saka isang nakakalokong ngiti ang sumilay sa kanyang mga labi.
"I no longer wonder why Ezah dislikes you. He chose Stan more than you. You just look handsome. But you're face and your attitude don't match."
Sa pagkakataon na iyon,dumilim din ang anyo nito. He even clenched his fist.
"Don't involve Ezah in our conversation!"
Halata ang galit sa tinig nito.Kaya nagdiwang ang kanyang kalooban.Ang lagay siya lang ang marunong mang asar ng tao.
"She's my cousin. I can't help it. I remember how she despises you! She would rather jump into the sea and be eaten by sharks than marry you!"
Sabi niya na punong puno ng pang uuyam.Biglang tumayo ito at masama siyang tiningnan.
"I want you out now!"
Malakas nitong sabi.Kaya tumayo siya at tinapatan ito.
"Be careful with what you say. You don't know me."
Nakipag titigan siya dito.Ipinakita niya na hindi siya nasisindak dito.
"Lucas!Ven aquí!"(Come here!)
Biglang lumapit ang butler nito.
"Si, Señorito!"
Masama pa din ang tingin nito sa kanya.Habang nagbibitaw ng salita sa butler nito.
"Dile a esta mujer que puede irse ahora. Solo la llamarás cuando la necesitemos."
Madiin ang bawat kataga nitong binitiwan.Alanganin na humarap sa kanya si, Lucas.
"Miss Iris, you can go now. We will just call you if we need you. Sir, Gabriel wanted to rest."
"That's not what I say!"
Reklamo nito sa butler na sumenyas lang ito sa binata na huminahon.Sa pamamagitan ng bahagyang pagkumpas ng mga kamay.Lumapit naman siya sa center table at isinulat ang numero ng kanyang cellphone sa kapirasong papel.Inabot niya iyon kay Lucas bago nag bilin.
"I am just blocks away from here. Call me anytime."
Paalam niya kay Lucas at mabilis na siyang lumapit sa pinto.
"Antipatiko!Maldito napaka hambog!"
Galit na galit niyang sabi ng maka labas siya ng suite nito.
"Kung nag kita tayo sa ibang pagkakataon,binigwasan na sana kita!"
Ikinuyom pa niya ang kamao at isinuntok sa hangin.Iniisip na mukha ni Gabriel Valencia ang kanyang pinapatamaan.
"Ano yan, Iris? Mukhang hindi ka masaya ah!"
Lumingon siya sa nagsalita.
"Dia!"
Tawag niya sa asawa ng pinsan na malaki ang tiyan dahil sa buntis ito. Kambal ang ipinagbubuntis nito kaya malaki ang tiyan sa karaniwan.
"Hey,sino kaaway mo?"
Natatawa nitong tanong.Papasok ito sa katabing suite ni Gabriel Valencia. Lahat ng nasa floor na iyon ay mga luxury suites. Mayroon na penthouse suite si Aidan dito na exclusive lang sa pamilya nito.
"Tsk!Nag yaya si Aidan ng dinner. Is the invitation still open?"
"Syempre naman.Let's go inside."
Pag yaya nito at hindi na siya nag dalawang isip na pumasok. Kailangan na ma divert ang pagka pikon na naramdaman niya sa binata. Baka hindi niya ito matantiya.
BINABASA MO ANG
Elite Bodyguard: Iris Cervantes
Romance" You are the worst philandering bitch who walked on earth, I unfortunately met!" Masakit na salita na sinabi ni Gabriel Valencia sa kanya! He's the rich billionaire heir who spent a short visit in the country. She became his bodyguard, dahil hindi...