Chapter 32

3.8K 103 18
                                    

" Anong ngyari Iris? Bakit kayo naghiwalay? Eh, mukha naman interesado pa sa iyo. Hindi ka hinihiwalayan ng tingin, o."

Bahagya pa siyang siniko ni Ava.

" Ikaw!Mukhang wala kang nakaka chikahan sa lugar ng asawa mo, kaya bigay na bigay ang pagiging Marites mo."

Baling niya kay Ava na tumawa sa sinabi niya.

"You're wrong, Iris. Bukod sa I can speak my husband's language. He is good now at speaking Tagalog. At madami na kaming housemaid na Filipino."

Pagmamalaki nito sa kakayahan ng asawa.

" Baka kasi kung ano na naman ituro mo, kaya napilitan mag aral ng Tagalog."

Natatawa niyang sabi, dahil nakarating sa kanya ang paghahanap ng asawa nito kay Mariang Palad.

" No! We have to compensate. Kung gusto namin walang conflict sa aming pagsasama. Saka ganun na din."

Natatawa na sabi ni Ava sa kalokohan na ginawa sa asawa.

" Marunong mag Tagalog si Gabriel. Binati niya ako kanina."

Singit ni Scarlet, kaya tumingin siya dito. Nag taas naman ito ng kamay for a peace sign.

" May atraso ka sa akin Scar."

Irap niya sa hipag. Pero isang ngiti lang ang sagot nito.

" Curious lang kami ni Kai kung wala ka ng feelings kay Gabriel. Kaya dinala kita dito."

Sabi pa nito at lumayo sa kanya. Nagtago ito sa likod ni Ava.

" Bakit mo ba inayawan? Ang gwapo naman saka mayaman."

Muling bumangon ang kuryusidad ni Ava.

" Malaki ang TT kaya iniwan ko."

Balewala niyang sagot. Nag chorus naman sa pagtawa ang mga kaharap.

"Hinahabol ang malalaki ang TT, Iris."

Sagot ni Ava sa pagitan ng pagtawa.

" Well, hindi ako."

Sabi niya na taas kilay. Nunca na sabihin niya ang dahilan ng paghihiwalay nila ni, Gabriel.

"Mukhang hindi ka pa maka move on. Ayaw mo pang pag usapan eh."

Komento ni Dia. Tumango naman si Scarlet at Ava bilang pag sang ayon.

" Walang dahilan para pag usapan. Hindi naman kayo makaka relate."

Aniya at kumuha ng baso ng hard liquor sa server na napadaan.

Ang lahat ng kanyang kaharap ay happily married sa mga lalaking unang minahal.

" It's okay, Iris."

Pag suko ng mga ito. Hinawakan siya sa braso at dinala sa malawak na lawn na nakaharap sa lawa. Nandun din ang mga anak ng mga ito na may naka bantay na naka uniform na mga Yaya.

" Ipakilala kita kay, Rio."

Sabi ni Ava at lumingon lingon.
Hindi siya nag reklamo dahil baka kaibigan niya itong babae na pareho niyang nag mo move on.

Naupo siya sa isang bakanteng upuan na nanduon.Ginala niya ang paningin sa maaliwalas na lugar, habang panaka naka na sumisimsim ng alak.

" Iris, meet Rio."

Muling tinig ni Ava sa gilid niya. Tumingin siya sa gawi nito at ang Rio na inaasahan niya ay hindi babae. Kundi isang lalaki na gwapong gwapo na nakangiti sa kanya.

"Iris, this is Rio. A good friend of my husband. And now he is the head of his security."

Pakilala ni Ava sa katabing lalaki na mataas at maganda ang katawan. Ang mga mata nitong kulay brown ay halos katulad ng kulay ng balat nito. Being the head of security suits him. Malakas ang personalidad, kahit maganda ang ngiti sa kanya at labas ang mapuputi at pantay nitong mga ngipin.

"I thought you're a woman."

Natatawa niyang sabi at tumayo sa upuan upang makaharap ito. Hindi hamak na mataas ito sa kanya.Hanggang dibdib lang siya nito, kaya nakatunghay ito sa kanya.

" Oh, you're not the only Filipino who thought about that when they hear my name."

Malaki pa din ang ngiti nito.

" But I'm a man in all aspects."

Kumpyansa nitong sabi. Kaya lalo siyang natawa.

" Madami ang maglulupasay na kababaihan kung kasapi ito ng pederasyon."

Kay Ava niya sinabi iyon pero hindi niya inaasahan ang sumagot sa kanya.

" Kasama ka ba sa mag lulupasay?"

Sagot nito sa kanya, kaya napa maang siya.

" Teacher niya si Luis, kaya magaling na din siyang mag Tagalog."

Tumatawa na sabi ni Ava. Saka nag paalam para mapag isa sila.

" You two will get along. Pareho kayo ng field of work."

" Really?"

Nasa mata ang paghanga na tumingin sa kanya.

" Col. Iris Cervantes."

Pakilala niya at inilahad ang mga kamay.

" I'm very pleased to meet you."

Masayang sabi nito na halata ang kasiyahan.
Habang pareho silang nakangiti, nahagip ng kanyang mga mata si Gabriel. Kabaligtaran ang anyo nito sa kanila. He looks pissed and annoyed.

Parang napaso ang kanyang palad na agad na binawi. Pero agad na sinansala ang sarili. Hindi na nga pala sila. Kaya ibinalik niya ang ngiti para sa kaharap.

" I've visited here a couple of times already. Pero ngayon lang kita nakita? Ava told me you're her cousin."

Pag bubukas nito sa usapan. Inilayo muna niya ang tingin kay Gabriel na lumapit sa gawi nila at naupo sa isang bakanteng upuan. Hindi niya alam kung makikinig ito o nais lumanghap ng sariwang hangin.

" Oh, I avoid parties. I had a bad experience when I attended the party three years ago. So, ayaw ko na makipag party."

Sabi niya saka naupo sa kanyang dating upuan. Samantalang nagpaalam naman si Rio na kukuha ng upuan. Hinayaan niya ito. Pero pagtalikod pa lang ni Rio, agad na tumayo si Gabriel at lumapit sa kanya.

" He's hitting on you."

Agad nitong sabi at tiningnan naman niya ito ng masama.

" And so? What's wrong with that? I am single."

Sagot niya dito na nakapag patiim bagang sa kaharap.

" So you will accept suitors?"

Tanong nito na dumiin ang hawak sa baso ng alak.

"Syempre."

May kasama pang irap na sagot niya.

" I know I don't have the right. Pero nag seselos ako na tatanggap ka ng manliligaw."

Deritsa nitong sabi na nakapag pa kabog ng kanyang dibdib.

" Walang dahilan para magselos ka. Hindi na kita boyfriend."

" Dahil inayawan mo ako. You give up easily on me, Iris."

Madiin nitong sabi na alam niya na galit na ito.

" You're life will be better without me, Gabriel. Hindi ako para sa iyo."

Mababang tinig niyang sabi. Mga salita na idinahilan niya ng magpasya siyang makipag hiwalay dito.

" I'm back!"

Masayang tinig ni Rio. Kaya anuman ang sasabihin ni Gabriel ay pinigilan nito. Tinapunan siya nito ng tingin at saka sila tinalikuran.

A/N: Nabuhay ang pangalan ni Rio. Noon ko pa iniisip na bigyan siya ng kwento. Extra na lang din ulit siya.😅

Elite Bodyguard: Iris Cervantes Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon