Chapter 31:

3.9K 109 19
                                    

" Iris."

Parang gustong lumabas ng kanyang puso sa sobrang kaba sa tinig na tumawag sa kanya.
Naputol ang anumang alala na hindi niya napigilan na dumaloy sa kanyang isip.

" I saw you walking in this direction, that's why I followed you."

Mas naging malapit ang boses nito. Ang tinig nito na kahit hindi lingunin ay kilala niya.

" Nadaya lang ako kaya ako nasa party na iyon."

Sagot niya na nagpawala ito ng buntong hininga. Nais nitong kausapin niya ito ng Tagalog upang mabilis itong matuto, at ganun din naman ito sa kanya.

" Debe ser Scarlet. La vi allí."
(Must be Scarlet. I saw her there.)

Tumango siya, pinipilit na hindi ito tapunan ng tingin.

" The party is there, Gabriel. You should go back."

Pagtataboy niya dito.

" Look at me, Iris."

Sa halip sagot nito nakikiusap ang tinig. Pilit niyang itinago ang nararamdaman na bumaling dito. Ngumiti siya kahit na ang gusto niya ay maiyak ng humarap siya dito.

Still handsome, pero madilim ang anyo. Bumalik ang aura nito na parang mababayaran ang mga ngiti sa labi.

"How are you, Gabriel?"

Sabi niya ng wala siyang pagpipilian kundi ang tumingin dito.

" Missing you."

Walang gatol nitong sagot.

" I understand. Sabi mo nga mahal mo ako."

Sagot niya at umatras ng mas lumapit sa kanya si Gabriel.

" At mahal pa rin kita hanggang ngayon, Iris."

Tuwid nitong sagot sa wikang Tagalog na maang siyang tumingin dito.

" Are you surprised with my Tagalog, or the word I still love you?"

Tanong nito. Hindi naman kataka taka dahil kahit siya mahal pa din niya si Gabriel.

" You're good at speaking my language now."

Paglilinaw niya sa gulat na nadama niya na mas magaling na itong magsalita ng lenggwahe niya.

" How about you? Magaling ka na ba mag Spanish?"

Tanong nito na pasimple na naglakbay ang mga mata nito sa kanyang kabuuan.

" Hindi.Alam mong mas gusto kong hindi matuto ng salita mo."

Sinamahan niya ng simangot ang sinabi. She saw Gabriel clench her jaw.

" I'm sorry about what happened, Iris."

Hingi nito ng paumanhin sa karanasan niya sa Spain na naging sanhi ng paghihiwalay nila.

" Past is past, Gabriel. Sadya lang talaga na mga mga tao na hindi para sa atin"

Sa halip sagot niya. Hindi nagsalita si Gabriel mataman lang siyang tinitigan.

" I have to go back. I'm thirsty."

Pag papaalam niya dito upang makaiwas kay Gabriel na hindi niya nagugustuhan ang reaksiyon ng kanyang katawan sa mga tingin nito.

Nilampasan niya ito pero naramdaman niya ang pagsunod nito sa kanya. Hindi tuloy siya naging komportable na maglakad.

" Walk beside me, Gabriel. I'm not comfortable."

Aniya na huminto at nilingon ito. Nahuli niya tuloy na nasa puwitan niya ang tingin nito. Agad itong nag angat ng tingin.

Parang nahihiya na kumamot sa noo dahil nahuli niya ito sa akto.

" I can't figure it out, but something changed in you. I mean, physically there's a difference."

Parang nag aapuhap ito ng tamang salita pero hindi na lang niya pinansin. Lalo na ng sa dibdib naman mag landing ang mga mata nito.

" Gabriel, stop bothering yourself with changes in me physically. Now, walk beside me."

Nasa tono niya ang hindi niya nais na pag usapan ang pagbabago sa kanya. Dahil ang katotohanan ay malaki ang nagbago sa kanyang buhay.

Hindi na ito nagsalita na tumabi sa kanya.Naka ilang hakbang na siya ng hindi niya mapigilan na mag komento.

" Wala naman naka kikilala sa iyo kaya pwede kang tumabi sa akin."

Narinig niya ang pag wala nito ng buntong hininga.

" Iris, why did you give up on me?"

Tumigil ito sa paglalakad at hinawakan siya sa mga braso.

" We are not for each other, Gabriel. Kung paanong hindi ka taga dito at hindi ako taga Spain. We are different! Ang salita natin hindi pareho. Ang daming nating hindi magkapareho!"

Pinigilan siya ni Gabriel na makawala sa hawak nito. Madiin siyang hinawakan sa mga balikat.

" Yes, it's true! But we have one great thing in common. We love each other, Iris!"

Kasing diin ng hawak nito sa balikat ang diin ng kataga nitong binitiwan. At katulad ng sakit na naramdaman niya sa pisikal na hawak nito ang sakit na humiwa sa kanyang puso.

Dahil iyon ang totoo. Mahal niya si Gabriel!

" Correction! That was before, Gabriel. Kung anuman naramdaman ko noon, hindi na valid ngayon."

Pagtanggi niya sa nararamdaman niya at hinawakan ang palad nito na nakahawak sa kanyang balikat. Gumamit siya ng self-defense upang makawala sa hawak nito.

Ganun na lang ang gulat ni Gabriel na naka maang sa kanya.

" I'm sorry. I just don't want you to touch me."

Hingi niya ng paumanhin at mabilis na dumistansiya dito. Mula sa pagka gulat ay napalitan ng galit ang anyo ni Gabriel.

" I will go ahead."

Sabi niya at tinalikuran na ito. Lakad takbo ang ginawa niya hanggang makabalik sa bahay ni Finn na nagsisilbi na lang ditong bakasyunan. Mas naglalagi ang pamilya nito ngayon sa Spain.

" Scarlet!"

Tawag niya sa hipag na masayang nakikihalubilo sa mga pinsan at kaibigan.

" Hey, Iris. Dumating din si Ava at Dia!"

Masaya nitong baling sa kanya. Hindi maitago ng mga ito ang kasiyahan ng makita siya.

" Iris!"

Bati ng mga ito at lumapit sa kanya. Kahit gusto niyang yawyawan si Scarlet ay hindi na niya nagawa.

" Kumusta na  Iris?"

Bati ni Ava na sa Brazil naman naglalagi. Mukhang malapit na itong manganak sa laki ng tiyan nito.

" Okay, lang. Ang laki ng tiyan mo ah, kambal ba ulit anak mo?"

Tanong niya at hinaplos ang maumbok nitong tiyan.

" Nah. Kabuwanan ko lang. I'm planning to give birth here, mommy's request."

Masaya nitong sabi na tinanguan niya.

" Ikaw? Kelan ka mag aasawa? Nakakadami na kaming anak wala  ka pa  kahit isa."

Singit ni Dia na nagsisimula ng tumakbo ang kambal nitong anak na babae.

" Baog yata ako."

Sagot niya na lang para matapos na ang usapan.

Ngayon na kaharap niya sina Ava at Dia, mahihirapan siyang umalis sa party na iyon.
Nahagip ng kanyang mata si Gabriel na bagong pasok at agad nagtuloy sa wine bar kung saan nandun ang mga kalalakihan.

Biglang baling siya ng tingin ng mapatingin si Gabriel sa gawi nila. Huling huli naman niya si Scarlet na inginunguso si, Gabriel. Kaya parang gusto niyang umalis ng walang sabi sabi ng parehong sumilay ang mga nakakalokong ngiti sa mga labi ng kaharap.

A/N: Hellp again, Ava and Dia.
May special chapter sina Dia at Aidan sa dreame.😊 Pa add sa library na lang kung may dreame account kayo. Thank you😊😘

Elite Bodyguard: Iris Cervantes Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon