" Wow! Hindi ako makapaniwala na maliban kay Kai may isa pang lalaki sa mundo na naasar sa presensiya mo, Iris."
Kasabay ng pagkaka sabi ni Aidan ang pagtawa nito na sinabayan naman ng asawa nito na si Dia.
" C'mon. Si kuya Kai naasar lang iyon sa akin dahil kay Scarlet. Pero itong si Monster Valencia, wala naman akong ginagawa. Parang ang laki ng atraso ko kung makatingin."
Reklamo niya sabay inom sa table wine.
" Bininyagan mo na si Mr. Valencia."
Natatawa pa din na sabi ni Dia.
" He deserves that name anyway."
Aniya at ipinagpatuloy ang pagkain.
" Baka naman siya ang kapalaran mo, Iris."
Biro ni Aidan sa kanya na agad niyang tinaasan ng kilay.
" Ang lupit naman ng kapalaran ko! Wala man lang yatang ka lambing lambing sa katawan ang lalaki na iyon!"
Malakas na natawa sa kanya si Dia. Ngayon lang din siya naging ganito ka apektado sa isang lalaki. Sa nakakainis na paraan.
" Na curious tuloy akong makita ng personal ang Mr. Valencia na ito."
Sabi pa ni Dia, pero agad na nag react si, Aidan.
" Days, wag na! Baka pag makita mo siya hindi na ako ang pinaka gwapong lalaki na nakita mo sa buong buhay mo."
Siya naman ang napataas ang kilay sa mag asawa.
"C'mon Aidan. Alam mong imposible iyan. Wala ng hihigit sa iyo sa lahat ng bagay."
Kumislap pa ang mga mata ni Dia na nakatingin sa asawa.
" But still..."
" Yeah! Wag na Dia, baka ma disappoint ka lang. Kung anong sama ng ugali niya siyang sama ng mukha niya."
Hindi niya alam kung bakit lumabas sa bibig niya iyon. Marahil dahil sa inis niya sa binata.
" Paano iyan? Dalawang linggo mo siyang titiisin?"
Tanong ni Dia sa kanya.
" Nah! Pag hindi ko na kaya, I will ask Logan to replace me. Sukdulan na magpalit kami ng babantayan.Ayaw kong maubos ang ganda ko sa kanya!"
Sabi pa niya habang mga pang gigigil na hiniwa ang steak.
" Baka naman bitter lang dahil sa pag ayaw ni Ezah?"
Tanong ni Dia.
" May anak na si Ezah at Stan. Magtigil siya! Masama lang ang ugali niya."
Sabi niya dahil ilang taon na din ang nakalipas ng tanggihan ito ni Ezah. Sa halip ang kapatid ni Ezah na si Finn ang nagpakasal sa kapatid ni Gabriel na si Arabelle.
" Baka naging woman hater na siya. Hindi madaling tanggapin na tinanggihan ka ng babaeng mahal mo."
Sabi ni Aidan, napailing na lang si Dia.
" Baka kung saan mapunta ang usapan."
Putol nito sa topic tungkol sa pagtanggi. Dahil ilang beses nitong tinanggihan si Aidan noon.
" It's either he loves Ezah that much. O kaya may something si Gabriel sa iyo."
Sabi ni Aidan sa kanya na parang mga naglalaro sa isipan.
"What do you mean?"
Kunot niyang tanong. Dahil hindi niya alam kung bakit ganun siya tinggnan ni Gabriel. At sinabi pa nito kung ilang lalaki na ang dumaan sa buhay niya.
" I feel irritated before if Dia smiles to other men at hindi sa akin. Dahil gusto ko sa akin lang siya nginitian. Maybe he's like that."
Hindi niya napigilan na matawa sa sinabi ni Aidan.
" Ano iyon, love at first sight?"
" Baka bading?"
Tanong naman ni Dia. At napangisi si, Aidan sa sinabi ng asawa.
" Kasi napatol sa babae?"
Curious niyang tanong sa nasa isip ni Dia.
" Maybe he's insecure, dahil maganda ka. Confident and very charming."
Ang ngisi ni Aidan ay nauwi sa halakhak.
" Baka nga!"
Sang ayon na lang niya at natawa na din siya. Kamalasan at si Dia ay walang alam sa mga lalaki.
" You can stay here, Iris. Kaysa sa condo ka pa ni Kai tumira. Mag leave muna ako dahil malapit na umanak si, Dia. Dapat hindi ako mawala sa tabi niya."
Suhestiyon ni Aidan sa kanya. Saka masayang sumulyap sa asawa. Nakikita niya ang excitement ng dalawa sa kambal nilang anak.
" Wag mo nang pag isipan Iris. Magandang option na din iyon at malapit ka lang kay Mr. Valencia."
Pag kumbinsi pa ni Dia. At kung mas convenient talaga para sa kanya.
" Okay, i will borrow your penthouse for quite some time."
Sabi niya at nginitian ang mag asawa na masaya sa pagpayag niya.
" Malay namin, maka buo ka na ng totoong relasyon sa hotel na ito."
Bigla siyang napasimangot sa sinabi ni Aidan.
" Not with Monster Valencia."
Sabi niya. Bahagya pa niyang ipinilig ang ulo.
" Well see."
Hamon ni Aidan sa kanya. Pero hindi niya makita ang sarili na ma in love sa klase ng lalaki tulad ni Gabriel. Kahit pa nuknukan ito ng gwapo.At kahit pa noong una niya itong masilayan kumislap ng slight ang kanyang mga mata.At ang kislap, ng paghanga na iyon ay napalitan ng apoy. Dahil ng magsimulang bumukas ang bibig nito upang mag salita ay wala yatang nasabi na maganda sa kanya. Sa ganda niyang ito!
" Ayoko sa kanya!Sukdulan na pumasok ako sa US Navy at doon humanap ng magiging boyfriend o asawa."
Madiin niyang sabi at tinapos ang pagkain.Pinag diskitahan ang table wine at sumisim.Umiinit talaga ang ulo niya kay Gabriel! Hindi na lang niya pinansin ang makahulugan na tinginan ng mag asawa.
"Baka nga pag hindi ka kilala ng mga lalaki,maligawan ka na.Masyado silang intimidated sa family background mo."
Sabi ni Dia. Pero mas may hindi ba ma intimidate sa pamilya ni Dia na nasa pulitika?Apo ito ng dating Vice President ng bansa sa mother side,ganundin sa father side. Well, Aidan Santillian will not! Hindi man nasa pulitika ang pamilya ni Aidan, pero bilyonaro ang mga magulang nito.
"Wala eh,malaman lang na may baril ako umaatras na."
Sinamahan niya ng mahinang tawa ang sinabi. Dahil ang pamilya niya na nasa father side nasa military naman naka linya. At sumunod siya sa yapak, ng ama na nasa Philippine Navy.
Hindi niya alam kung intimidated nga ba sa kanya. O siya ang agad na nawawalan ng interes sa mga lalaki na manliligaw niya.
" Except si Mr. Valencia? For sure nagpakilala ka."
Umasim ang mukha niya sa sinabi ni Aidan.
"Papatulan ko na lang ang sinabi ni Dia. Bakla siya, kaya ganun siya sa akin."
Sabi niya na tinawan ni Aidan.
" Iris, baka naman pag mabigyan ng chance si Mr. Valencia at angkinin ka. Mapahiya ka sa sinabi mo?"
Panghahamon pa ni Aidan sa kanya.
" Kahit first base hindi siya lulusot sa akin!"
Sabi niya na tinaasan pa niya ng kilay ang sinabi.
" Well, all the best Iris."
Ani Dia sa kanya. And silently she's hoping for the best. Sana maging maayos ang mga araw niya na kasama ang gwapo pero saksakan ng suplado na si Mr. Valencia.
A/N: Huwag ka ng umasa Iris masasaktan ka lang.😅
BINABASA MO ANG
Elite Bodyguard: Iris Cervantes
Romans" You are the worst philandering bitch who walked on earth, I unfortunately met!" Masakit na salita na sinabi ni Gabriel Valencia sa kanya! He's the rich billionaire heir who spent a short visit in the country. She became his bodyguard, dahil hindi...