Iris & Alessandro

2.8K 74 7
                                    

" What is the meaning of this, Iris?"

Pilit niyang itinago ang sakit sa kanyang anyo na hinarap si, Gabriel.

" I'm going back to the Philippines, Gabriel."

Nang rumehistro sa mukha nito ang gulat at sakit, agad niyang hinarap ang maleta at tinapos ang pag I impake.

" Bakit? Is it because I have no time for you?"

Kinagat niya ang kanyang labi saka ipinagpatuloy lang ang paglalagay ng kanyang mga damit.

" Yeah, I missed my job and I don't want to lose it, Gabriel!"

Pagdadahilan niya. Pinalagpas pa niya ang ilang araw bago siya tuluyang nag desisyon. At pag daan ng araw hindi niya nagagawang tinggnan ng deritso sa mata si Gabriel.

Hindi naman niya masabi dito ang ngyari. Ayaw niyang kamuhian siya ni Gabriel, ganun din si Lucas na nadamay. At tama si Lucia, ginagawa ni Gabriel ang lahat upang mapaluguran ang mga magulang matanggap lang siya. Pero kasiraan nito ang maibibigay niya.

" God! Why now? I can't come with you. I already accepted the deal with my father ."

Napaupo si Gabriel sa gilid ng kama at naisapo ang palad sa ulo. Parang nahihirapan ito.

" You don't have to come with me, Gabriel. This is your home and your country. You belong here."

Iniangat ni Gabriel ang mukha at humawak sa kanyang braso.

" You belong with me, Iris. I want you here with me, do you understand?"

Umiling lang siya at saka lumuhod sa harap ni Gabriel.

" Gabriel, I'm not happy here anymore. I want to go back."

Tumulo na ang kanyang luha at anuman na galit at sama ng loob na nasa anyo ni Gabriel ay naglaho.

" You're hurting me, Iris. But I will not keep you here against your will."

Pinahid nito ang kanyang luha saka tumayo.

" I will not see you off. But I will see you again, Iris."

Malungkot nitong tinig at hindi na niya ito nilingon ng lumabas ng silid. Noon niya pinakawalan ang paghagulhol ng iyak.'k

" Mas mabuti na ganito."

Iyon ang laman ng kanyang isip tuwing naiisip niya si Gabriel. Hindi niya maitago ang lungkot sa pamilya kaya nag pa assign siya sa Palawan.

Unang buwan pa lang niya pagbalik niya ng Pilipinas nalaman niyang buntis siya. Hindi niya alam ang iisipin. Kung alam lang niya na si Gabriel lang ang lalaki sa buhay niya magiging masaya siya.

Bumalik sa isip niya ang sinabi ni Gabriel noon.

"I hope it is not because you can't pinpoint who is the father of your child. With the number of men you're possibly dating at the same time."

Naiiling na lang siya sa isipin na mangyayari sa buhay niya ito. Ang mag alinlangan siya kung si Lucas o si Gabriel ang ama ng anak niya.

" Basta anak kita."

Kausap niya sa kanyang impis na tiyan. Ang kanyang anak ang naging inspirasyon niya para maging matatag. Inalagaan niya ang sarili para maging healthy ang kanyang anak. Dahil sa ayaw niyang bigyan ng problema ang kanyang pamilya sinarili niya ang lahat.

" Bakit naman ang dalang mong umuwi Iris?"

Tanong ng kanyang ama na kasalo niya sa hapag kainan. Monthly na lang siya umuuwi at magpapaalam siya na mas madalang siyang uuwi ngayon.Dahil papasok na siya sa kanyang second trimester, mahahalata na ang kanyang tiyan.

" Nag e enjoy ako sa bagong area of assignment ko. At balak kong sa Spratly naman subukan."

Nginitian niya ang kanyang ama na naumid sa kanyang sinabi.

" Ang tagal ng rotation doon, Iris."

Maya maya ay sabi nito. Ang alam niya na assign din doon ang kanyang ama.

" Mag iingat ako. Don't worry."

Baling niya sa mga magulang.

" Dahil ba kay Gabriel?"

Tanong ng kanyang ina. Nagpawala siya ng buntong hininga at tumango. Para naman na nakakaintindi ang mga ito sa kanya.

" Kung makakatulong sa iyo para maka move on ka. Then do it. Mag iingat ka doon, okay?"

Isang masayang ngiti ang ibinigay niya sa mga magulang.

Kumuha siya ng apartment at mapagkakatiwalaan niyang kasama sa bahay. Nakita naman niya ang sinseridad nito sa trabaho kaya naging kampante siya dito.

" Manang Irma, maayos na ba?"

Tanong niya sa kanyang kasambahay na biyuda at may isang anak na nagta trabaho sa Manila.

" Napakaganda na, Iris."

Paghanga nito sa isang silid na ginawa niyang nursery. Nilagyan niya ng wallpaper na panlalaki. Maging ang crib ay may mga mobile na para din sa lalaki.

" May pangalan ka na ba sa anak mo?"

Tanong nito na nakatingin sa kanyang maumbok na tiyan. Ilang linggo na lang at makikita na niya ang kanyang anak.

" Alessandro, Manang Irma. At tatawagin natin siyang Ale."

Masaya niyang sabi na naramdaman niya ang pag sipa nito. Kaya natawa siya, kahit papaano nararamdaman niyang hindi siya nag iisa.

" You have me, Ale. Mama will always be here for you."

Pangako niya sa anak. Pinalis niya ang anuman na pangamba. Kailangan niyang mas maging matatag.

" I will cross the bridge when I get there."

Patungkol sa araw na malaman ng pamilya na may anak na siya. At kay, Gabriel na minsan na umuwi ng Pilipinas at hinanap siya.

" I hope you are Gabriel's son, Ale."

Iyon ang dalangin niya, baka mabawasan ang guilt na nararamdaman niya kahit kaunti.

Dumating ang araw na kanyang pinaka hihintay ang mahawakan niya si Alessandro sa kanyang mga braso.

" Ale, anak."

Umiiyak niyang sabi habang hawak sa mga bisig ang bagong silang na sanggol. Hindi niya alam na ganun pala ang pakiramdam. She feels like she can do everything for her son.

" I will protect you with my life, Ale."

Umiiyak niyang pangako sa kanyang bagong silang na sanggol. Pupunuan niya ang lahat para sa anak. Handa siyang maging isang ina at ama para dito.

" I will try to be enough for you, Ale. Para hindi ka na maghanap ng ama."

Dumilat ito saglit and there she made eye contact with his jet black eyes. He has also cold dark eyes, and yet she felt warm in her heart.

" Oh, Alessandro. How will I forget Gabriel if you will remind me of him?"

Tumutulo ang luha niyang tanong sa anak na katulad ni Gabriel ay nagtataglay ng maitim na mga mata.

" Alessandro, nagpapasalamat pa din ako at dumating ka sa buhay ko, anak ko!"

Ngayon may dahilan na siya upang maging mas matapang at matatag.

Elite Bodyguard: Iris Cervantes Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon