Matapos malambing na yumakap sa mga magulang at humalik sa pisngi ng mga ito ay nagpaalam na siya upang magpahinga.
" Nagpagod ka ba sa party? Bakit hindi mo muna kami samahan ng daddy mo?"
Pagyaya ng kanyang ina na nasa likod bahay at nag tsaa kasama ang kanyang ama. Ganito ang nakaugalian ng mga magulang bago matulog. Routine nila na pam paantok. Lalo na nang mag retired ang ama sa hukbong dagat. Ang ina naman ay naging director na ng hospital at ayaw bitiwan ang trabaho. They catch up over a cup of tea hanggang antukin pareho.
" Hindi ako makaka relate sa usapan ninyo, Ma."
Tanggi niya na may halong biro. Kahit sa harap lang ng mga magulang gusto niyang ipakita na masaya siya.
" Okay, magpahinga ka na. Hindi ako papasok bukas, I will cook your favorite food."
Sabi ng ina na mas nilakihan niya ang ngiti.
" Na miss ninyo akong lahat ano?"
" Syempre! At makikipag usap ako sa bagong director para, I reassign ka na lang sa headquarters."
Singit ng kanyang ama na nanlaki ang kanyang mata.
" Dad?! Ayaw ko! Nag e enjoy ako sa Palawan."
Pag tanggi niya kaya tiningnan siya ng makahulugan ng kanyang ama.
" Still can't move on?"
Tanong nito na eksaherado siyang tumanggi.
" Of course not!"
Hindi sang ayon ang ama sa sagot niya kaya tumirik ang kanyang mga mata.
"Daddy naman. Let me do what I want."
Sumamo niya sa ama na napabuntung hininga na lang.
" Sige, magpahinga ka na."
Pagtataboy nito sa kanya kaya mabilis siyang tumalikod. Baka pilitin pa siyang ma re assign sa malapit at makita ng mga ito si Alessandro. Hindi niya alam kung paano magpapaliwanag. Kung ano ang sasabihin.
" Not yet the time."
Kausap niya sa sarili. Dahil alam niyang hindi naman maitatago niya magpakailanman si Ale sa lahat.
" I'm sorry anak."
Mahina niyang usal sa anak na pinapanood sa CCTV na naka konekta sa kanyang cellphone.
He is big for a two-year boy, hindi niya alam dahil sa patuloy pa din siya nag breastfeed o dahil sa malaking lalaki ang ama nito.Agad na tumulo ang kanyang luha. Parang sinaksak ang kanyang puso sa masakit na isipin na bumabagabag sa kanyang puso.
" God! Let me forgive myself."
Pipi niyang dasal.Dahil iyon ang malaking balakid sa kanya para umuwi at ipakilala si Ale sa pamilya.
" Hindi na sana ako pumunta ng Spain."
Pero agad niyang sinansala ang sarili. She's happy there, being with Gabriel is the happiest day of her life. Until that party ruins her. At ayaw niyang madamay si Gabriel.
Nalaman niya ang maganda nitong estado sa buhay at future nito na maging isa sa ma impluwensiya na tao sa Spain.
Naliligalig siya ngayon dahil nakita na naman niya ito.
" Hindi siguro napikot ng bruha na iyon si, Gabriel."
May kasamang simangot niyang sabi habang naghuhubad ng mga damit at naghahanda maligo. Hindi siya nagtagal sa ilalim ng shower at muling lumabas.
Nagpalit siya ng pajama at napangiti dahil mukhang regular na pinalalabahan pa din ang kanyang mga damit.
" I wish I can bring Ale here."
Sabi niya habang binubuksan ang sliding door na konektado sa veranda. Nais niyang sariwang hangin ang pumasok at alon ng dagat ang marinig niya.Saglit siyang tumanaw sa dagat bago bumalik at nahiga sa kanyang kama.
Kalmante siyang nagpapa antok sa tunog ng alon ng mapalitan iyon ng kakaibang tunog.
" Hiding from the rain and snow
Trying to forget, but I won't let go"Napamulagat siya sa boses na kumakanta at alam niya na mula iyon sa labas ng bahay. Dinig na dinig niya ang boses dahil sa sliding door na naka bukas.
"So many people all around the world
Tell me, where do I find someone like you, girl?"Napatayo siya mula sa kama at dumungaw mula sa veranda. Hindi niya alam ang mararamdaman ng makita sa ibaba ng balkonahe nila si, Gabriel. Kasama ang ilang miyembro ng elite.
Kumaway si Perrie na kasama nito na malaki ang ngiti. Ang isa pang nitong kasama ay si Xander Martinez, samantalang hindi siya pamilyar sa isa pa. Mabilis siyang bumaba at ganun na lang ang pagkapahiya niya dahil nasa porch ang kanyang mga magulang.
" Iris may nanghaharana sa iyo."
Masayang sabi ng kanyang ina. At parang, aliw na aliw itong panoorin si Gabriel na kumakanta sa portable na videoki, habang nakatingin sa kanya.
" That's enough."
Pagpapahinto niya kay Gabriel na nasa chorus na ng kanta at kinikilabutan siya sa tingin nito.
" Magandang gabi po."
Bati nito sa mga magulang niya at hindi niya napigilan ang tumirik ang mga mata dahil kita niya ang pagpipigil ng tawa ni Perrie at Xander.
" Suportado?"
Taas kilay niyang tanong kay Perrie.
" Syempre, he's my VIP client."
Sagot nito kaya bumaling siya kay Xander.
" Bayaw ko, syempre naman sama ako ng sampu."
Sabi nito at huli niyang tiningnan si Gabriel.
"You said you are open for a suitor. So here I am, courting you."
Sagot nito. Bumuka ang bibig niya at muli ding itinikom dahil hindi niya alam kung paano ito tanggihan sa harap ng mga nandun.
" Come inside all of you."
Paanyaya ng kanyang ina. Mabilis pa sa alas kwatro na sumunod si Gabriel at pumasok sa kanilang porch. Hindi pa nag kasya at magmano muna ito sa kanyang mga magulang.
" Seryoso talaga."
Ani Perrie na parang sarili ang bahay na nagtuloy sa loob ng kanilang sala.
" Bwisit ka Perrie, siguro ikaw ang nagbigay ng idea sa kaniya ano?"
Sigaw niya kay Perrie na tinawanan lang siya.
" Wala akong alam diyan."
Tanggi nito. Ang atensyon niya kay Perrie ay nawala ng ang kasama nitong lalaki na bago sa kanyang paningin ay pumasok na may dalang fishbowl na may laman na siamese fighting fish.
Kinuha ni Gabriel sa lalaki ang Betta fish at ito mismo ang nag abot sa kanya.
" For you, Iris. I hope you still prefer fish than flowers."
Sabi pa nito. Bahagya siyang sinisiko ng kanyang ina na nasa kanyang gilid. Maybe her way of saying be nice to him.
" Thank you."
Tipid niyang sagot. Nakamasid si Gabriel sa kanya o mas tamang sabihin na hinihintay ang susunod niyang sasabihin.
" Papasukin mo ang bisita mo Iris."
Pasimple na utos naman ng kanyang ama kaya wala siyang nagawa.
" Pasok ka."
Sabi niya kay Gabriel na umaliwalas ang mukha. Sumilay ang ngiti nito sa mga labi.
A/N: Pinasok na sa bahay. Baka pwede sa buhay mo na din Iris?😅
BINABASA MO ANG
Elite Bodyguard: Iris Cervantes
Romance" You are the worst philandering bitch who walked on earth, I unfortunately met!" Masakit na salita na sinabi ni Gabriel Valencia sa kanya! He's the rich billionaire heir who spent a short visit in the country. She became his bodyguard, dahil hindi...