Chapter 6

4.4K 145 14
                                    

" Hello!"

Bungad niya sa tumatawag sa kanya na numero lang.

" This is Gabriel Valencia, we met this afternoon. I need you to come right now!"

" Wh-"

Nabitin ang anuman niyang sasabihin dahil nawala na ito sa kabilang linya.

" Bastos talaga!"

Hindi niya napigilan na komento. Natawa naman si Aidan na nakikinig sa kanya. Naka harap ito sa TV habang nakaunan sa hita nito si Dia.

" Kahit hindi mo sabihin alam ko kung sino ang kausap mo."

Sabi nito, napaungol na lang sa matinding inis. Balak pa naman niyang umuwi sa condo ni Kai para kunin ang gamit niya.

" Ano pa nga ba!"

Bwisit niyang sabi at tumayo.

" Right now pala ha?!"

Mabigat ang loob na nag martsa siya papunta sa hotel room nito. Sa halip na mag buzzer, kinalabog niya ang pinto.

Pagkatapos lang ng ilang minuto, pa barang din na bumukas ang pinto. Ang huling kalampag niya deritso sa dibdib ni Gabriel. Ang kanyang palad ay sa matigas nitong dibdib dumapo.

 Ang kanyang palad ay sa matigas nitong dibdib dumapo

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

Napa atras ito sa ginawa niya.At nasa mukha ang matinding galit.

" You don't know how to use the buzzer?"

Naniningkit ang mga mata nitong tanong. Mukhang bago na itong paligo at nagbibihis na.
Napalunok laway siya sa perpekto nitong katawan. Ugali lang talaga ang problema. Ang sungit talaga!

" I do! But I thought it's an emergency."

Sagot niya at pumasok na sa loob. Naamoy niya ang panlalaking cologne nito na humalo sa mabango nitong body wash na ginamit. Kung sa ibang pagkakataon, masasarapan sana siyang yakapin ito at singhot singhutin.

" Fresh na! Pero ang ugali ganun pa din!"

Nasa isip niyang sabi, patungkol sa masamang tingin na naman na ipinupukol nito sa kanya.

" Did you even, leave this hotel?"

Tanong nito na hindi pa din isinasara ang suot ng polo. Ibinabandera ang six-pack abs nito.Kung hindi lang ito masungit, magka crush na sana talaga siya dito.

Sa sagot na sana siya ng may mag doorbell. Sumulyap muna ito sa kanya bago lumapit sa pinto.

"Hi!"

Napalingon siya dahil sa boses ni Aidan. Mas naging kunot ang noo ni Gabriel. Pero lumapit siya sa pinto at nagtataka na hinarap ang pinsan.

Elite Bodyguard: Iris Cervantes Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon