Chapter 35

3.8K 111 19
                                    

Matapos mag palabas ng merienda kahit alas nueve na ng gabi at paunlakan ng lahat ay nagpa alam ang mga ito, pagkatapos kumain.

Hinayaan silang maiwan ni Gabriel sa sala. Pero walang itong salita na nakamasid lang sa kanya.

" Is he your new butler?"

Tanong niya sa lalaki na pinaka huling lumabas ng kanilang sala. Nais niyang may pag usapan dahil walang ginawa si  Gabriel kundi titigan siya.

" Oh yeah, he's Antonio. Lucas resigned a long time ago."

" Why?"

Nagkibit balikat lang si Gabriel sa tanong niya.

" I don't know. I just let him do what he wants. Naging bahagi siya ng buhay ko at hindi na siya iba sa akin."

Sabi nito at nag iwas siya ng tingin.

" How about Lucia? She did not succeed in claiming you?"

Pasaring niya sa babae na bulgar ang paghahabol kay Gabriel.

" Is she the reason why you broke up with me? I showed you how much you mean to me, Iris. No one matters to me, it's only you."

Nasa tinig nito ang pagdaramdam. Iniiwas niya ang tingin sa itim nitong mga mata. Dahil nakikita niya ang paghihirap nito.

" We laughed about how desperate she is to have you. Tama ka pinaramdam mo sa akin kung gaano mo ako kamahal."

" Then what's wrong, Iris? You tell me. Because I still can't accept it."

Madiin nitong sabi na kung marahil nasa ibang lugar sila at nag taas na ito ng boses.

" Wala sa iyo ang problema, Gabriel. Nasa akin."

Sa pagkakataon na iyon ay hinarap niya ito at tiningnan ng deritso sa mata. Dahil hindi siya nag sisinungaling, iyon ang totoo. Siya ang may problema.

" Just let me love you, Iris. Even if you don't love me as much as I love you. Just let me love you."

Inabot nito ang kamay niya at bahagyang pinisil.

" I missed you. Y estoy a punto de volverme loco."

(And I'm about to go crazy.)

" God, Gabriel! Tatlong taon na ang lumipas. Kung ano ang ginagawa mo sa loob ng tatlong taon. Ipagpatuloy mo lang!"

Pagalit niyang sabi dito at hinatak ang mga kamay. Napa tiim bagang si Gabriel sa ginawa niya.

" I was in hell for three years Iris. And I don't want to live like that anymore."

Pag susumamo nito. Malungkot niya itong tiningnan.

"Believe me, Gabriel. Mas makakabuti sa iyo na wala ako sa buhay mo."

Tumayo na siya saka walang buhay na sumulyap dito.

" I hope you don't mind. But, I need to rest. I will return to the naval base early tomorrow. "

Pagdadahilan niya dito. Kumuyom ang kamao nito at nagtangis ang bagang.

" It's clear your avoiding me, Iris. But I am not convinced. During those times I can feel you love me as much as I love you. We will see each other again."

Sabi nito at tumayo na din. Nauna na siyang naglakad papunta sa kanilang pintuan. Naramdaman niya ang presensiya nito sa kanyang likuran. Pinilit niyang pigilin ang kaba sa kaalaman na abot kamay lang siya ni Gabriel.

" Salamat sa effort mo, Gabriel."

Hinarap niya ito ng makarating sila sa pintuan.
Saglit siyang tinitigan ni Gabriel.  Wala sa loob na napasandal siya sa dahon ng pinto. Mas nag doble ang kaba niya sa mga titig nito.

Elite Bodyguard: Iris Cervantes Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon