" I'm sorry, Iris. Bilin kasi ni Finn na isama ka. At nagsabi ako kay Kai, okay lang din sa kanya.
Saka ang tagal mo kasi pumasyal dito. Gusto din kita maka bonding."Hingi ng paumanhin ni Scarlet ng pabalik na sila.
" Ang daming paliwanag halata kang guilty. Oo na, wala na akong magagawa ngyari na."
Sagot niya sa hipag na parang nabunutan ng tinik sa dibdib.
" I knew you will forgive me. Kasi hindi ka naman nag tatanim ng sama ng loob. But we're wondering..."
Binitin muna nito ang sasabihin. Isang matalim na sulyap ang ibinigay niya dito.
" What really happened ba between you and Gabriel? Mukha naman na mahal ka pa din niya. Sinubukan ka pa niyang suyuin noon. Pero nag pa assign ka pa sa Spratly Island. Kahit sa amin nag tago ka. And now you settled in Palawan?"
Hindi nito napigilan na sabi sa kanya kahit masama ang tingin niya dito.
" Dahil ayaw ko ng madaming tanong."
Sagot niya dito na diniinan ang gas upang makakarating na agad sa kanilang destinasyon at makaiwas sa tanong ni Scarlet.
" Hindi ka pa din maka move on ano?"
Kulit ni Scarlet sa kanya. Kaya napapalatak na lang siya dito.
" Tinalo mo pa si Rupi sa kakulitan mo. Tigilan mo ako Scar may atraso ka sa akin kaya wag mo na dagdagan."
Humalukipkip na lang si Scar sa sagot niya. Ang anak nitong bunso na hindi niya napigilan na pinangalan nito na Ruby Pink, ay Rupi kung kanyang tawagin.
"Pogi din naman si Rio, kung sakali na manligaw sa iyo. Hindi nakakahiya na siya ang ipalit mo kay Gabriel."
Napailing na lang siya at napabuntung hininga. Wala na siyang plano na magpa ligaw pa. Iyon ang pangako niya sa sarili ng makipag break siya kay Gabriel.
" Ayaw ko ng LDR kaya nga nakipag hiwalay ako kay Gabriel."
Aniya at mukhang naunawaan naman ng hipag na tumango.
" Sabagay."
Pag sang ayon pa nito. Nanatili ang katahimikan nila sa sasakyan ng ilang sandali. At walang imbitasyon na muling pumasok sa isip niya si, Gabriel. Pagkatapos ng tatlong taon nakita niya ulit ito.
" I wonder what happened with that girl and Lucas?"
Isang malakas na buntung hininga ang pinakawalan niya na ikinalingon ni Scarlet.
" May itinatago ka ba Iris? Share it with me. Baka makatulong ako."
Nasa tono at anyo ng hipag ang sinseridad na makatulong. Hindi siya nagsalita.
" Ang laki ng ipinagbago mo mula ng makipag break ka kay Gabriel."
" Siya ang pinaka seryoso kong naka relasyon. Alam mo yan. Sumama pa ako sa kanya. Pero ganun siguro talaga. Lahat talaga nasasaktan kapag nag mamahal."
Ninais na lang niyang makipag usap sa hipag upang mawala sa kanyang ala-ala ang nakaraan nila ni Gabriel. Mga masaya,masarap at masakit naalala nila ng dating kasintahan.
" At least aminado kang minahal mo si Gabriel."
Komento ni Scarlet na hindi niya pinabulaanan. She loves Gabriel so much, hanggang ngayon ito pa rin ang laman ng puso niya.
" Hanggang ngayon ba?"
" Bakit ko siya hihiwalayan kung mahal ko pa siya? Saka kayo na ang nangulit sa akin kanina na may pagtingin pa din si Gabriel sa akin. If we still love each other, di kami pa din sana."
Mahaba niyang litanya sa tanong ni Scarlet. Maang naman itong nakatingin sa kanya.
" Tsk!Ayaw ko lang ng LDR talaga."
Dugtong niya sa mas convincing na rason kung bakit sila naghiwalay ni, Gabriel.
" So, you can't choose between your job and Gabriel? Ganundin siya? Hindi niya maiwan ang Spain?"
Napanguso na lang siya sa kulit ni Scarlet.
"Siguro dapat maglagi ako sa beach house para hindi kayo mangulit ano?"
" Yeah, we miss you, Iris. Bakit hindi ka mag stay tulad dati?"
Pag susumamo nito na sa malapit lang siya na assign. Kapag walang duty nasa bahay
siya ng mga magulang na malapit lang ang bahay kina Scarlet. Kaya lagi din siya makikita sa bahay nito."I found a second home in Palawan. Masaya ako doon."
Pagdadahilan niya. Na marahan na tinawanan ni Scarlet.
" Si Tatay doon din nag pa assign nong ma broken-hearted kay Tita Tia."
Kuwento nito sa nakaraan ng ama. At napapalatak na lang siya. Mabuti na lang nakabalik na sila sa bahay ng mga ito.
" Andito na tayo. Bumaba ka na."
Utos niya sa hipag at itinigil ang sasakyan sa harap ng bahay nito. Nakita niya sa porch ang kapatid na naghihintay, karga ang bunso nitong anak na si Rupi.
"Hindi ka baba?"
Nilingon siya nito. Pero umiling siya.
" Sa beach house ako matutulog. Babalik na lang ako bukas, sa inyo ako mag breakfast."
Sinamahan niya ng ngiti ang sinabi sa laking tuwa ni Scarlet.
" Yehey! Aasahan ko iyan, Iris ha? Magagalit ako pag hindi ka pumunta dito bukas."
" Oo na! Sige na, naiinip na sa iyo si Rupi."
Pagtataboy niya dito dahil nagsisimula ng mag sisigaw ang bunso nitong anak.
" Iris, ha?"
Muli pa siyang sinilip nito ng makababa ng sasakyan.
" Okay!"
Nag thumbs up siya at kumaway na dito. Nakita pa niya sa side mirror ang pananatili nito sa posisyon at pagtanaw sa papalayo niyang sasakyan.
" Makulit ka pa kay Ale."
Naiiling niyang sabi saka nilukob ng lungkot ang puso ng lumabas sa bibig ang pangalan ng anak!
Gusto niyang maiyak na ilang araw niya itong hindi makakasama. No one knows she has a child. Itinago niya ang anak sa kanyang pamilya. Kaya siya nagpa assign sa malayo at madalang na umuwi.
Ihininto niya saglit ang sasakyan at gumawa ng tawag. Ilang ring pa lang sinagot na ng nasa kabilang linya ang tawag.
" Manang Irma."
Bungad niya sa babae na naging katuwang niya sa pagpapalaki sa anak.At lubos na pinagkatiwalaan.
" Okay lang si Ale, Iris. Nagkasya na sa pacifier bago matulog."
Sabi nito kaya napa buntong hininga siya. Mahigit na itong dalawang taon pero na dede pa din sa kanya bago ito matulog.
" Bukas ng hapon, babalik na ako Manang."
Paalam niya dito.Kung hindi lang kailangan niyang mag report sa main naval base nila hindi siya aalis ng Palawan kung saan nandoon ang anak niya.
" Ingat ka. Huwag kang mag alala sa anak mo. Napaka tapang, mana sa iyo."
Sabi pa nito at napangiti siya. Pinatay na niya ang tawag at sinilip sa tagong folder ng cellphone ang larawan ng anak.
" You need to be strong Ale. Dahil naging matapang ako dahil sa iyo. We only have each other, anak."
A/N: May anak ka na Iris? 😱😱😱
BINABASA MO ANG
Elite Bodyguard: Iris Cervantes
Romans" You are the worst philandering bitch who walked on earth, I unfortunately met!" Masakit na salita na sinabi ni Gabriel Valencia sa kanya! He's the rich billionaire heir who spent a short visit in the country. She became his bodyguard, dahil hindi...