Malayo pa lang naririnig na niya ang masayang halakhakan sa likod bahay. Ang kubong pahingahan ng kaniyang mga magulang.
Walang ingay siyang lumapit sa mga ito. Nasa gitna si Skye na sumasayaw, habang nakapanood si Scarlet at kanyang Kuya Kai. Ganundin ang kanyang mga magulang habang naka akbay ang kanyang ama sa kanyang ina.
Mababakas sa mukha ng magulang at kapatid ang kasiyahan. Kung sa ibang pagkakataon buong kasiyahan siyang makikihalubilo. Pero bakit nakadama siya ngayon ng bigat sa damdamin? She's upset.
Tatalikod na sana siya ng mapansin siya ni Skye.
" Tita Iris!"
Tawag nito, kaya lumingon sa kanya ang lahat na malaki pa din ang ngiti sa labi.
" Join us, Tita. Dance with me."
Tawag ni Skye na tuluyan ng lumapit sa kanya at hinawakan siya sa kamay. Wala siyang nagawa kundi magpatianod.
" I'm tired, Skye. We will just watch you dance."
Sabi niya at tumabi sa mga magulang. Malambing siyang umabresyete sa kanyang ama na hindi itinago ang pagtataka sa ginawa niya.
" Are you okay, Iris?"
Tanong nito, habang naramdaman naman niya ang paghagod ng palad ng kanyang ina sa kanyang likod.
Nakatingin din sa kanya si Kai at Scarlet, maging si Skye na lumapit pa at sinilip siya.
" Okay, lang ako."
Nilakipan niya ng bahaw na pagtawa ang sinabi.
" Sige nga Skye. Ipakita mo sa akin ang sayaw mo."
Sabi niya kay Skye na sumulyap muna sa mga magulang nito.
" Why not asked Manang Thelma to bring some snacks to Tita Iris?"
Sa halip sabi ng kanyang Kuya Kai. Para naman na nakaka intindi si Skye na mabilis na mag paalam.
" Okay, Daddy."
Iyon lang at mabilis na lumabas sa kubo ang pamangkin. Pagka alis ng pamangkin ang lahat na naiwan sa kubo ay tuloy naghihintay ng paliwanag sa kaniya.
" Hindi ka ganyan, Iris. Anong problema mo?"
Ang kanyang ama ang magtanong. Nakamasid naman sa kaniya ang iba pa at parang sinasabi na tama ang sinabi ng ama.
" I don't have a problem. I'm just a little bit upset."
Sabi niya na bumuntong hininga at isinandal ang ulo sa balikat ng ama. Lumipat naman ng puwesto ang ina pinagitnaan siya ng mga magulang.
" Tell us, anak. Hindi kami sanay na ganyan ka."
" Mawawala din ito. Napagod lang ako, ' Ma."
Sabi niya at nag iwas ng tingin sa kanyang kapatid na mataman siyang tinititigan.
"Is it because of Mr. Valencia?"
Maya maya ay hindi napigilan na tanong ng kanyang Kuya.
" How did-? Hindi ah!"
Agad niyang tanggi na may kasama pang pag iling.
" Iris, hindi ikaw iyan. Hindi ka ganyan. Tell us."
Pag kumbinsi ng kanyang ina sa kanya.
" Iris, what or who makes you this unhappy?"
Tanong ng kanyang ama. Kaya nagpawala siya ng malalim na buntong hininga. Marahil kailangan niyang sabihin upang hindi siya matulad sa kanyang kapatid na si Kai.
BINABASA MO ANG
Elite Bodyguard: Iris Cervantes
Dragoste" You are the worst philandering bitch who walked on earth, I unfortunately met!" Masakit na salita na sinabi ni Gabriel Valencia sa kanya! He's the rich billionaire heir who spent a short visit in the country. She became his bodyguard, dahil hindi...