" Hey, Iris. Long time no see!"
Masayang bati ni Finn sa kanya. Alanganin siyang ngumiti dito. Saka hinanap ng mga mata si Scarlet na nagsama sa kanya sa party na iyon.
" Yeah, sa Palawan ako naglagi."
Sagot niya dito dahil iyon ang totoo. Nagpa assign siya sa Palawan pagkatapos niyang bumalik mula sa Spain.
"Oh! Si Gabriel ba ang hinahanap mo?"
Tanong nito dahil hindi niya maitago ang paglilibot ng kanyang mga mata. Mabilis na bumalik sa kaharap ang kanyang tingin. Salubong ang mga kilay. Pero isang matamis na ngiti lang ang ganti ni Finn sa kanya.
" Hindi! Si Scarlet ang hinahanap ko."
Tanggi niya at hindi na niya idinugtong na balak niyang sakalin ang hipag.
" Akala ko si Gabriel. Nasa itaas siya nagpa pahinga. May jet lag pa. He just arrived a few hours ago."
Sabi ni Finn na tumiim ang kanyang anyo sa narinig.
" I don't care!"
Sagot niya at inirapan si Finn. Natawa lang ito sa inakto niya. Saksi ito sa pagiging magkasintahan nila ni Gabriel ng maikling panahon sa Spain. Bago siya nag desisyon na hiwalayan ito.
" He still cares."
Ani Finn na lalo niyang iningusan.
" Tapos na kami!"
Madiin niyang sabi at saka kumuha ng alak sa server na napadaan. Straight niya iyong tinungga.
" I don't understand why Scarlet drags me here."
Naiiling na lang at iniisip kung paano aalis sa pagtitipon bago pa makita si Gabriel.
" Ninang siya ni Agnes.Kaya dapat nandito siya."
Sagot ni Finn. Nagpasama lang si Scarlet sa isang party na hindi malinaw sa kanya kung anong party iyon. Ayun at heto siya ngayon, nasa isang lugar kung saan pwede niyang makita ang kanyang ex-boyfriend na pilit niyang kinakalimutan!
Nagpa wala na lang siya ng buntong hininga. She should act normal, iyon na lang ang magagawa niya.
" Finn, I will just go outside. Magpahangin lang ako sa tabing lawa."
Paalam niya dito at hindi na hinintay na sumagot ang pinsan. Mabilis na niya itong tinalikuran. Naglakadlakad siya hanggang makarating siya sa taniman ng mga ubas.
Naupo siya sa pahingahan na nakita. Isa iyong kubo na tanging papag na kawayan at bubong na cogon grass. Ang simoy ng hangin at tanawin ay sapat na sana upang maging payapa siya. Pero hindi ganun ang nararamdaman niya.
" Gabriel."
Mahina niyang usal kasunod ang pag wala niya ng buntong hininga.Halos tatlong taon na ang nakalipas pero parang kailan lang ngyari. Walang pag aalinlangan siyang sumama dito sa Spain.
Hindi niya alam kung dapat ba siyang magsisi sa ginawa niya. Pero masasabi niyang pinakamasaya niyang mga araw ang nasa piling siya ni Gabriel. At siguro nga ganun naman ang pakikipag relasyon. Maaring magiging happy ending kayo o tulad nila na naghiwalay.
" Hindi siya para sa akin."
Pilit na isinaksak niya sa isip ang mga salita na iyon. Katulad ng natuklasan niya ng makasama niya ito.
She closed her eyes at bumalik ang alala ng mag desisyon siyang sabihin ang nararamdaman kay Gabriel...
"Iris?!"
Hindi maitago ni Gabriel ang pagkagulat ng pagbukas nito ng pintuan at siya ang mapag buksan.
" What are you doing here?"
Tanong nito. Kinagat muna niya ang pang ibabang labi dahil sa kaba na nararamdaman. At sa tensyon na din na baka hindi niya ito maabutan.
" Can I come inside?"
Tanong niya at sumulyap sa mga maleta na nasa sala na. Niluwangan nito ang pinto at tumayo sa gilid upang makapasok siya.
Mabilis siyang pumasok at nilingon niya si Gabriel na nakasunod ng tingin sa kanya.
"What time you are leaving?"
Nilibot niya ang mga mata at hinanap si Lucas.
" I'm just waiting for Lucas."
Sabi ni Gabriel at isinara ang pinto. Naglakad ito palapit sa kanya at huminto sa tapat niya at pinagmasdan ang pagiging balisa niya.
" Why you are here? You want to kiss me goodbye?"
Tanong nito at sinalubong niya ng tingin ang maiitim nitong mga mata. She bit her lower lips at sa mababang tinig ay nagsalita.
"I am here because I want to ask you."
Hindi ito nagsalita at mataman pa din siyang pinagmamasdan. Hinihintay ang susunod niyang sasabihin.Pero walang lumabas sa bibig niya. Tumingala lang siya kay Gabriel, nag usap ang kanilang mga mata.Saka ito ngumiti sa kanya.
Shit! Wala na talaga, nag wala ang kanyang puso lalo sa kaba.
" I'm all ears, Iris. Speak up, Lucas will be back soon."
" Tell me, Gabriel. What is your plan if I tell you I agreed to be your girlfriend ?"
Mabilis niyang sabi bago pa mawalan siya ng lakas ng loob. Mas lumapad ang ngiti nito at kumislap ang mga mata.
" My plan? Is it bad if my only plan is to love you and make you happy?"
Balik tanong nito at hinapit siya sa beywang.
" Seriously, Gabriel. How about us?"
Hindi siya nag wala sa yakap nito. Kundi tiningnan ito sa mga mata. Hindi niya itinago ang pangamba.
Isang mahigpit na yakap ang ganti ni Gabriel sa pangamba niya.
" Just let me love you, Iris. Allow me to love you and trust me."
Kasunod ng mga salita nito ang pag baba ng mga labi nito sa kanya na sabik niyang sinalubong.
" I will trust you, Gabriel."
Sa pagitan ng halik ay sabi niya. Hindi nagtagal naramdaman niya ang pag angat niya sa sahig. Walang pag tutol sa kanya ng ipasok siya nito sa kwarto.
Hindi siya nito hinihiwalayan ng tingin hanggang pareho na silang walang saplot sa katawan.
" I have never felt this way with another woman who has gone through my life."
Hindi niya maipaliwanag ang pagdaan ng emosyon sa mga mata nito. Puno ng intensidad.
" And now that you are mine, I'm happy. God knows how happy I am."
Sabi pa nito na kinubabawan siya. Ang mga palad nito ay nasa gilid ng kanyang ulo. Nakatunghay lang ito sa kanya. At hindi niya mapigilan ang mapangiti.
Para kasi itong hindi makapaniwala sa nangyayari sa buhay nito. Mapanukso niyang ikinawit ang mga binti sa beywang nito. Ganundin ang kanyang mga braso sa leeg nito.
" I'm yours and you are mine."
Sabi niya at nakahanda na siyang salubungin ang mga labi nito ng makarinig sila ng tawag sa labas ng pinto.
" Senyorito Gabriel!"
" We are not leaving today Lucas! Just rebook our flight!"
Sigaw ni Gabriel at saka buong kasabikan siyang inangkin. Habang nagsasalo sila ni Gabriel at dinadama ang bawat halik at haplos nito iisa ang pumapasok sa kanyang isip.
Not bad! Not bad after all!
A/N: Ayan mukhang matatapos ko na! May conflict na.😅 The bodyguard and his ex!
BINABASA MO ANG
Elite Bodyguard: Iris Cervantes
Romance" You are the worst philandering bitch who walked on earth, I unfortunately met!" Masakit na salita na sinabi ni Gabriel Valencia sa kanya! He's the rich billionaire heir who spent a short visit in the country. She became his bodyguard, dahil hindi...