" So, bakit ngayon ka lang bumalik ng Pilipinas Gabriel?"
Tanong ni Kai sa pagitan ng kanilang pagkain. Dahil sa pag tulak tulak sa kanya ni Scarlet, sa katapat na upuan nito siya naupo.
" I was sent for further studies and training. My father wants me to follow in his footsteps and enter politics. I did what he wants. In return, they will allow me to do what I want."
Sabi nito at makahulugan na tumingin sa kanya.
" Let me guess. That is to marry someone you love?"
Tumawa si Gabriel sa tanong ni Scarlet.
" Something like that."
Siniko siya ni Scarlet na katabi niya sa upuan. Pero tinaasan lang niya ito ng kilay.
" Iris, you want to join us later? Gagamitin ko ang yacht ni Tatay, mag unwind lang sa gitna ng dagat."
Alok ni Perrie. Agad siyang tumanggi.
" Thank you, Rei. Pero babalik na ako sa naval base after this."
Sinamahan niya ng alanganin na ngiti ang sinabi. Kunot noo naman si Gabriel na naka maang sa kanya.
" Really? Why you're in a hurry, Iris? Takot ka bang maharana ulit?"
Hindi itinago ni Perrie ang kasiyahan nito sa nangyari kagabi.
" Oo, kinikilabutan ako sa kanta."
Pag sakay niya sa pang aasar nito.
" Why you can't stay here for long? Someone is waiting for you in your assigned area?"
Singit ni Gabriel na hindi din itinago ang selos sa tinig. Tumingin siya dito deritso sa mata.
" Yes!"
Sabi niya at na naging sanhi ng pag tiim ng bagang nito.
" Iris, mabuti pa mag usap kayo ni Gabriel. Settled everything today. Hindi iyang para kang kriminal na tinatakbuhan mo siya. Kung ayaw mo sabihin mo at magbigay ka ng kapanipaniwala na dahilan!"
Mula sa kanyang ama at parang iyon lang ang hinihintay ni Gabriel. Agad itong tumayo saka magalang na nagpaalam.
" Thank you, sir. I want to get permission to talk to Iris in private."
Tumingin si Gabriel sa kanya. Siya naman ay nag mamakaawa ang tingin sa kanyang ina.Pero sumang ayon ang lang ang ito sa kanyang ama.
" Talk to him, Iris. Para sa ikakapanatag ninyo pareho."
Sabi ng ina. Maging is Scarlet ay tumango tango.
" Hindi mag aablala si Gabriel kung hindi ka mahalaga sa kanya. He deserves a valid reason, Iris for him to let you go."
Wala siyang nagawa kundi tumayo, dahil pakiramdam niya napagkaisahan siya.
" Fine! Come with me."
Baling niya kay Gabriel. Nauna na siyang bumaba ng hagdan at nagtuloy tuloy ang kanyang lakad sa tabing dagat. Alam niyang nakasunod sa kanya si Gabriel. Nararamdaman niya ang tingin nito. Pero abala ang kanyang utak kung sasabihin ba niya ang totoo kung bakit ninais niyang maghiwalay sila.
Hanggang makarating siya sa kanilang beach house. Pero pinili niya ang maliit na cottage na ipinagawa ng ama na nasa tabing dagat.
Naupo siya sa kawayan na upuan. Hindi naman nagtagal at pumasok din si Gabriel sa cottage at naupo sa katapat niya.
" So, you have someone?"
Una agad nitong tanong.
" Yes!"
Walang gatol niyang sagot dahil ang nasa isip ay si Alessandro na kanyang anak.
" Break up with him. Hindi mo naman siya mahal."
Sabi nito na nakakuyom ang mga kamao. Matiim ang titig sa kanya
" How can you say that?"
Inirapan niya ito dahil sa kumpyansa nitong mga salita.
" Kung mahal mo siya, you will not allow me to kiss you. And I can feel it, Iris, you miss me as much as I miss you."
Saglit siyang natigilan. Alam niya ipinagkanulo niya ang sarili ng tumugon dito ng halik kagabi.
" I may not be in prison but it seems like that. Siniguro nila na hindi ako makalapit sa iyo sa loob ng tatlong taon. Continues training and I'm well guarded. Maybe they were thinking that time will be enough for me to forget you. But that is not the case. I never stop loving you, Iris. At least they kept their promise not to touch you. Marahil nakatulong na may kaugnayan ka sa mga Soler."
Pagpapaliwanag nito sa tatlong taon na hindi ito nagpakita. Kahit na hiniwalayan pa niya ito sa Spain bago siya bumalik ng Pilipinas.
" I am the thing of your past Gabriel. Iyon na lang ang isipin mo."
Sa mababang tinig ay sabi niya.
" Bigyan mo ako ng dahilan para pakawalan ka. I can see it in your eyes, your suffering. Tell me your reason."
Tumayo ito at lumapit sa kanya.Naupo ito sa kanyang tabi, malapit sa bukana ng cottage kaya hindi siya basta basta makaka iwas dito.
Muling rumagasa ang pangyayari kung bakit niya hiniwalayan si Gabriel. Lalo na ngayon at mayroon na Alessandro sa kanyang buhay na kanyang itinatago sa lahat!
Hindi niya namalayan na tumutulo na ang kanyang luha. Nahahati ang kanyang kalooban na sabihin ang totoo,pero magiging kumplekado lalo ng buhay nila ni Gabriel.
" Oh, Iris! I don't want you to cry ."
Hinawakan nito ang kanyang baba at hinarap ang kanyang mukha. He gently dries her tears with his kisses. Sa masuyo at buong pagmamahal na inakto nito ay lalo siyang naiyak. Naging malakas ang kanyang iyak. Kaya niyakap siya ni Gabriel.
" I'm so sorry Gabriel. That's all I can say."
Sabi niya ng humupa ang kanyang pag iyak. Sinapo ni Gabriel ang kanyang pisngi saka muling tumingin sa kanyang mga mata.
" Why? What is your sorry about?"
Huminga siya ng malalim, saka ilang ulit na kumurap kurap. Sasabihin na niya dito ang dahilan niya.
" You know what? I don't care. Whatever it is I forgive you. Let's start again, Iris."
Biglang nitong sabi kaya nagtangka siyang kumawala dito. Pero hindi siya hinayaan ni Gabriel. Sa halip ay hinalikan siya sa mga labi.
" Sabihin mo sa akin na ayaw mo nito."
Sabi nito ng saglit na humiwalay ang mga labi sa kanya. Hindi pa siya nakakasagot, muling bumaba na naman ang mga labi nito. Sa pagkakataon na iyon naging mapusok at mapaghanap ang mga halik nito. Sa pag likot ng dila nito sa kanyang bibig hindi niya napigilan na gumalaw din ang dila niya. She kissed Gabriel hungrily!
Anuman ang balak niyang sabihin ay hindi natuloy dahil ang balak na gawin ni Gabriel ang nanaig.
Iyon ay ang maangkin siyang muli sa lahat ng aspeto ng salitang iyon!
A/N: Bukas na lang magkakaalaman.😂
BINABASA MO ANG
Elite Bodyguard: Iris Cervantes
Romance" You are the worst philandering bitch who walked on earth, I unfortunately met!" Masakit na salita na sinabi ni Gabriel Valencia sa kanya! He's the rich billionaire heir who spent a short visit in the country. She became his bodyguard, dahil hindi...