01.

395 28 5
                                    

Note: The timeline of this installment onwards starts after Leisheen and Victorious' wedding.

"Okay, kids! That's all for today! Good bye and see you tomorrow!"

Nakangiti kong inihatid ang mga estudyante ko sa labas ng classroom kung saan naroon ang kanilang mga sundo. Ang ilang magulang ay pinasalamatan ako na agad ko naman tinugon.

"Bye, Teacher Selene!" Sambit ng estudyante kong huling umuwi. I waved back at him at saka ako bumalik sa upuan ko nang mawala na sila.

Inayos ko ang mga mesa at upuang bahagyang nagkalat bago ko narinig ang pagbukas ng pintuan.

"Mama!"

I smiled and turn around. Itinigil ko ang pagliligpit saka ako lumapit sa batang nakangiti sa akin. Her uniform is now messy and dirty pero walang kaso sa akin 'yon. She's a kid so, normal lang na madalas madumihan.

"Baby!" Masiglang sabi ko saka niyakap ang cute na cute na anak ko. She giggled that made me squish her chubby cheeks.

Patrisha Shaina Acosta, my 5 years old daughter. She's smart and a cheerful little girl. She brings happiness in my life. She's my angel at mabuti na lang hindi ko itinuloy ang balak kong ipalaglag s'ya noon.

Maliban sa malaking kasalanan, paniguradong pagsisisihan ko. Patrisha is one of my biggest blessing. Kasabay ng pagkapasa ko sa board exam noon ay ang pagdating n'ya sa buhay ko kaya laking pasasalamat ko dahil hindi ko itinuloy ang balak noon.

Noong una, takot ako dahil sa mabigat at malaking responsibilidad. Lahat naman makakaramdam ng takot lalo pa't malaking responsibilidad ang kakaharapin. Ilang gabi akong umiiyak dahil sa cravings, sa morning sickness. Naabala ko pa no'n si Papa para lang hanapan ako ng pagkaing gusto ko.

My parents are against this the first time they heard about me being pregnant but they knew that aborting the child is a big sin. Hindi kalaunan ay napagtanto din nila na nasa tamang edad na ako at kakapasa sa board exam, kaya ko na daw ang sarili ko.

But, of course... they asked who is the father.

Natahimik ako noon. Wala akong maisagot dahil... hindi ko maalala. Wala akong maalala sa gabing 'yon. I don't know what really happened. I just had a glimpse of it. Ang alam ko lang ay may lalaking bumuhat sa akin noon at naalala ko ang mga halik n'ya.

When I woke up, I'm already at my apartment. Alone but I can feel the effect of what I have done. Ramdam ko na may nangyari noon and I never had the chance to know who the guy is.

Until I found out that I'm pregnant with Patrisha. Umuwi ako dito sa bahay ng magulang ko at dito ako tumuloy hanggang sa manganak ako and when Patrisha came, our house became alive. Hindi na rin kami pinabalik sa apartment dahil kami lang daw doon. And we did, we're staying at my parent's house for 5 years now.

"Mama, magluluto po ba si nanay ng spaghetti?" I smiled and put Patrisha's bag on my shoulder. Bitbit ko din ang bag ko at iniwan na ang gamit ko sa classroom. Wala namang magnanakaw dito dahil walang mananakaw.

"Yes, baby. She will cook your favorite spaghetti because she heard that you are a good student!" Sabi ko. Napahagikhik ang anak ko at tumalon talon pa.

She calls her grandmother and grandfather, Nanay and Tatay. Nabanggit kase ni Mama na gano'n ang tawag ko sa Lolo at Lola ko noon kaya ginaya na rin ng anak ko.

Hawak ko ang kamay ni Patrisha habang naghihintay kaming makatawid. Marami ang kasabayan namin sa pagtawid at nakikita ko ang iba na pasulyap sulyap sa anak kong nginingitian ang kahit sino.

"Baby, shall I carry you?" Tanong ko nang mapansin na maraming tao ang tatawid. Baka kasi mabangga kaya mas mabuting buhatin ko na lang.

"But, Mama. You're tired na po, eh," sabi n'ya na nagpatunaw ng puso ko. I smiled and pinched her cheeks. Inalalayan ko na s'yang tumawid pero gaya ng sabi ko, maraming tao kaya hindi maiwasang hindi s'ya mabangga.

"Hey, dahan-dahan lang. May bata dito," sambit ko pero hindi ako pinansin ng babaeng dumaan. Napailing na lang ako at binuhat si Patrisha. Mabigat s'ya pero kaya naman. Kesa ibaba ko at mabangga lang.

Pagkatawid namin ay dumiretso kami sa sakayan ng tricycle. Napangiti ako nang makita si Kuya Pido na madalas naming sinasakyan kapag pauwi. Kapitbahay kasi namin s'ya at tricycle driver s'ya kaya madalas talagang nasasaktuhan namin s'ya.

"Oh, Selene. Sakay na kayo n'yang anak mo," saad ni Kuya Pido.

I nodded and smile but I stopped when I saw someone sitting on the back ride, the seat behind the driver. Nakatalikod ito kaya hindi ko makita ang mukha pero pamilya s'ya.

"Mama, sakay na po! Gusto ko na pong kumain ng spaghetti ni Nanay!" I snapped out my thoughts when I heard my daughters voice. Napukaw noon ang atensyon ng lalaking nasa back ride pero bago pa s'ya lumingon ay nahila na ako ni Patrisha papasok.

So, may kasabay pala kaming pasahero.

"Hijo, saan ka nga ulit? D'yan ba sa may Plaza?" Rinig kong tanong ni Kuya Pido. I heard the guy answered but it isn't clear dahil sa maingay na ugong ng mga sasakyan sa kalsada.

"Kayo, Selene? Diretso na ba sa bahay n'yo o may dadaanan pa kayo?"

"Diretso na po, Kuya." Tumango si Kuya Pido at pinaandar ang sasakyan. Sumandal ako sa upuan at inakbayan ang anak ko. I gave her my phone for her to watch her favorite videos.

Pumikit ako at dinama ang lamig ng hangin. Pag-uwi sa bahay, kailangan kong gumawa ng lesson plan at mag-check ng artworks ng mga bata. I also need to take care of Patrisha. Kaya naman nila Mama pero ayokong iasa sa kanila.

Huminto ang tricycle kaya napamulat ako at nakitang nasa tapat na ng Plaza ang tricycle at bahagyang umuga ang sinasakyan kaya napatingin ako at nakitang bumaba na 'yung lalaki sa back-ride.

"Bayad po," rinig kong sabi n'ya. Pinanood ko ang paglalakad n'ya hanggang sa makaikot s'ya at makita ko ang itsura n'ya.

And just like that, my heart beats in a strange pace. Hindi ko alam kung bakit ako kinabahan nang makita ang pigura n'ya. Maybe, it's because he is my former schoolmate?

But, why am I nervous? It's just him.

It's just Parker James Tolentino.

Where Universe Was Found (SOW #2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon