08.

226 18 4
                                    

"Sure ka?"

He nodded and sipped on his water.

"Pwedeng pwede dahil ako lang naman ang nando'n. Unless, gusto mong makita ng pamilya mo 'yung ireregalo mo sa kanila," he said and chuckled.

Napatawa na rin ako at umiling. Syempre ayokong mahalata, 'no! Surprise ko nga 'yon eh.

"Anong oras ka bukas mamimili?"

"Hmm, siguro ganitong oras din. May bukas pa namang mga mall ganitong oras. Hindi kasi pwede sa umaga dahil may klase," sabi ko.

He nodded. "Okay, I'll fetch you at sabay tayong bibili."

We spent the night talking. I never imagine that I'll interact with him. Never in my wildest dream that I imagine myself talking and laughing with Parker. Akala ko noon, napakahirap niyang kausapin dahil sa dami ng admirers niya but turns out, madali lang pala siyang pakisamahan. He's friendly and a good person to talk to.

Pasado alas nuebe nang magdesisyon kaming umuwi. Matapos kasi sa restaurant ay namasyal pa kami sandali. We even visited our university back then and many memories came.

"Thank you for accepting my invite," he said while we are walking towards his car. Napatingin ako sa kaniya nang humarap siya sa akin at patalikod na naglakad. His both hands are in his pocket.

"Wala 'yon. Kailangan ko din magliwaliw," sabi ko.

"If you're bored, you can call me," he said and smirked. Napangiti rin ako at tumango.

"Okay, noted."

He keeps walking that way until we reached his car. Pinagbuksan niya ako ng pintuan kaya agad akong sumakay. Parker drove the car until we reached home.

"Thank you again," he said and smile.

I smiled back at him. "Kaka-thank you mo diyan, sobrang healthy mo na," sabi ko na nagpakunot ng noo niya.

"What?"

Humarap ako sa kaniya at bahagyang ngumiti.

"I just remember our ESP lesson when I was grade 8. Sabi ng teacher namin noon, thanking people can benefit your health. Nakakapagpalusog daw dahil sa positivity na dala," sabi ko. He nodded and he seems amused.

"Wow, you have a sharp memory, huh? Grade 8 pa 'yon pero tanda mo," he said, amused kaya natawa na lang ako at nagpaalam na.

"Selene!" He called when I was about to enter our gate. Nilingon ko siya at timaasan ng kilay.

"Good night sa inyo!" He said and smiled. I nodded and smiled back.

"Good night din! Ingat sa pag-drive!" I wave at him and he just answers with a wink before he drove away.

Namalayan ko na lang na nakangiti ako habang papasok ng bahay. Madilim na ang sala at alam kong nasa kwarto na sila. Dumiretso ako sa kwarto ni Mama at Papa dahil alam kong nando'n ang anak ko. Nasa hagdanan pa lang ako ay rinig ko na ang tawanan mula sa kwarto kaya napangiti ako.

Sumilip ako at nakita si Mama, Papa at Patrisha na naglalaro. Papa is tickling Patrisha while Mama is holding her. Nakabukas ang telebisyon pero wala ni isa ang nanonood.

I stayed in my place and watch them. The smiles on their faces made my day complete. I've never imagine this, having a child without getting married... pero, nangyari na ang nangyari at wala akong pinagsisisihan sa pagdating ni Patrisha sa buhay namin.

I knocked and opened the door. Napaangat ang tingin sa akin ng anak ko at agad siyang ngumiti. She stood up and run towards me.

"Mama! Nandito ka na po!" I laughed and kiss her head.

Where Universe Was Found (SOW #2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon