07.

225 19 0
                                    

Inihatid ko muna si Patrisha sa bahay bago ako nag-ayos para sa dinner namin ni Parker. She seems to understand that I have somewhere to go dahil pagbaba pa lang namin ay dumiretso siya kela Mama at Papa. I also told Mama and Papa that I'll be meeting an old schoolmate.

"Mama, can you buy me Stick-O while you are out?" I heard my daughter's voice when I went out of my room. Naabutan ko sila sa sala na nanonood.

Napangiti ako at lumapit sa anak ko. I kneeled down in front of her and kiss her forehead.

"Sure, anak," sabi ko. She let out a 'yey!' and clapped her hands. Tumayo na ako at inayos ang blouse na suot ko.

"Anak, sigurado kang 'yan ang isusuot mo?" Mama asked with her creased forehead. Nakita ko din ang pagtango ni Papa na sumasang-ayon sa tanong ni Mama.

Napatingin naman ako sa suot ko. What's wrong with my white blouse and jeans? Dinner lang naman ang pupuntahan ko.

"You are meeting an old schoolmate, Selene. Atleast, wear a formal attire!" Mama exclaimed. Umiling ako pero nagulat ako dahil tumayo siya at hinila ako.

"Alas sais ang usapan niyo, diba? Wala pa naman kaya halika muna at aayusan kita." Hindi na ako nakareklamo nang hilahin ako ni Mama patungo sa taas.

"Fighting, anak!" I heard Papa shouted.

Sa kwarto ni Mama kami pumasok. Bumungad agad ang isang vanity table and chair na gamit dati ni Mama pero ngayon ay hindi na niya ganoong nagagamit. Meron pa rin ditong nakasalansan na make ups, skin care products and even lotions.

"Maupo ka dito." Wala na akong nagawa kung hindi ang sumunod. Mula sa repleksyon ng salamin, nakita ko si Mama na dumiretso sa closet niya.

"Mama, hindi naman na po kailangan ng magarang damit. Dinner lang 'yon," sabi ko pero inirapan lang ako ni Mama.

"Nasabi mong lalaki ang katatagpuin mo, diba? At least, be a girl. Baka 'yan na din ang maging forever mo, nako!" I rolled my eyes and crossed my arms.

"Ito, isuot mo. Bagay ito sa 'yo. Lalagyan na lang kita ng kahit light na make-up. Dali!" Kinuha ko mula sa kamay niya ang isang brown button-down vintage polo dress. Napalabi na lang ako at isinuot ang damit dahil alam kong kapag tumanggi ako, hindi rin magpapatalo si Mama.

Paglabas ko ng banyo ay pumalakpak si Mama.

"Ayan! Bagay sa 'yo!" Masaya niya akong hinila paupo sa upuang inupuan ko kanina. Ang nakatali kong buhok ay tinanggal niya pero hindi na ako nagreklamo. Nakita ko kasing nage-enjoy din si Mama sa ginagawa niya.

She braided some of my hair and let the majority down. Nilagyan din niya ako ng make-up na inaamin kong bumagay sa damit at buhok ko. I admit, I looked beautiful!

"Napakaganda naman talaga ng anak ko!" She exclaimed and I can't help but smile. Inabutan niya ako ng pares ng heels na hindi ganun kataas.

"Tayo ka nga," I stood up and went to the full body mirror. Nakita ko ang itsura ko sa salamin. I look different!

"Ayan, pwede ka nang lumabas at narinig ko na may pumaradang sasakyan sa labas," Mama said. Napapikit ako nang bahagya dahil sa pag-spray ni Mama ng pabango sa akin.

Magkasabay kami ni Mama na lumabas. Naabutan kong si Patrisha na lang ang tao sa sala at si Papa ay nasa labas.

"Mama!" Patrisha went to me and hold my hand.

"Aba'y papasukin nga muna saglit 'yan at nang makilatis." Nanlaki ang mata ko nang dumiretso din pati si Mama sa labas. Agad akong sumunod habang hawak ang kamay ng anak ko at naabutan si Papa na nakikipagtawanan na kay Parker.

Where Universe Was Found (SOW #2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon