Epilogue

375 21 0
                                    

This is the last chapter of Parker and Selene's story. I hope you learned something from this. Thank you for trying this story!

-

trigger warning: read at your own risk

She's the first woman who caught my attention. Funny how she easily caught me when all she did is to walk pass in front of me! Nakakaloko lang, diba?

"Wala kang balak ligawan 'yung crush mo sa College Of Education?" Tanong ni Jeon habang sabay sabay kaming kumakain sa canteen. Nag angat din ng tingin ang kanina pang tahimik na si Victorious. Ka-text na naman ang girlfriend niya, tss.

Sumandal ako at napangiti nang maalala ang babaeng 'yon.

Selene Daphne Acosta is her name. Beautiful name for a beautiful girl.

Gusto ko siyang ligawan pero, hindi pwede. Magulo ang buhay ko. Kahit ipilit ko ang kagustuhan kong mapasaakin siya, nauunahan ako ng takot. Magulo ang buhay ko at lalo na ang pamilya ko. Anong maipagmamalaki ko sa kaniya kapag pinakilala ko siya sa magulang ko? Na manloloko ang tatay ko? Na harap-harapan niyang niloko ang nanay ko?

Naglakbay ang utak ko sa eksenang nakita ko noon. Kung paano harap-harapang magloko si Papa.

"Parker, hawakan mo muna ito si Pia at kukuha lang ako ng sabong panlaba doon," sabi ni Mama kaya hinawakan ko ang kamay ng kapatid ko. Mahigpit naman siyang kumapit sa akin.

"Kuya, gusto ko ng chuckie. Pwede po?" Pia asked me as she pointed at the shelf containing boxes of the chocolate drink. Napangiti na lang ako at kumuha ng dalawang box then I gave one to her.

"Yey! Thank you, Kuya!" She exclaimed. I patted her head and smile. As long as she's happy.

"Come, sis. Hanapin na natin si Mama," sabi ko at hinawakan siya sa kamay. As we walked and find Mama, my eyes caught something... no, someone.

Someone familiar.

On the aisle where wines are, I saw him. Agad ginapangan ng kaba ang dibdib ko. Unti unti ring umuusbong ang galit at sakit. How dare he laugh? Paano niya nagagawang maging masaya na parang wala siyang pamilya?

"Kuya, si Papa!" Pia exclaimed. My mind is now clouded by the thoughts of Mama. Nagtangis ang bagang ko dahil sa pagpipigil na sugurin siya.

Ang tatay ko na harap-harapang nagloloko.

Hindi ako tanga para isiping katrabaho niya ang kasama. Hindi kailanman sumagi sa isip ko ang ganoong rason. Bakit? Kasi hindi kailanman nagrason si Papa ng ganon. Wala siyang dine-deny. Mahuli man siya, walang siyang pakealam.

Noon pa man, may pakiramdam na akong nagloloko ang tatay ko. Uuwi siyang amoy pabango ng babae, minsan ay may bahid ng lipstick sa leeg, minsan pa ay nakikita ko ang gamit na pambabae sa mga damit niya noon kapag inuutusan ako ni mama na maglaba.

Lahat 'yon ay nag-lead sa akusasyon ko na nagloloko si Papa at ngayon, kumpirmado ko na. Harap-harapan ko nang nasasaksihan, maging ang kapatid ko ay nasasaksihan ang kasalanang hindi itinatanggi ng tatay ko.

Why would people couldn't be contented? Sa una lang matamis ang pagsasama, kapag tumatagal, nawawala na. Bakit kaya ganon? Liligawan mo, paghihirapan mong makuha, mag-eeffort kang mapasagot siya para ano? Sa huli ay pagsasawaan lang? Walang kwenta rin pala lahat kung gano'n.

Ever since Mama saw that man cheating, tuluyan na namin siyang binura sa buhay namin. Bakit pa namin pipilitin, eh mukhang wala na rin naman siyang balak balikan kami?

My perspective about love changed because of that. Ayokong ma-witness ng babaeng mamahalin ko ang ganon kagulo kong pamilya. Kung gaano ka tarantado ang tatay ko.

Where Universe Was Found (SOW #2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon