"Mama! Papa! Sakay po tayo doon!" Walang kapaguran si Patrisha sa pagsakay sa bawat rides. Kanina pagdating ay agad niya kaming inaya na sumakay. Mahilo-hilo ako pero hindi ko pinapahalata sa kaniya. As long as masaya siya then, it's fine.
Kanina habang nagmamaneho si Parker papunta dito, hindi nawala sa isip ko ang sinabi niya. Gusto daw akong makita ng mama niya. Ibig sabihin, alam na niya ang tungkol sa amin ni Parker. Pero, tatanggapin din kaya niya kapag nalaman niyang may anak ako?
But, Parker said that she already knew. Nasabi na daw niya ito sa ina niya kaya mas lalo daw itong excited na makita kami. Naisip ko rin na siguro ay maganda rin na makilala ako ng Mama niya ng personal at makita niya si Patrisha.
"Baby, ayaw mo bang kumain muna?" Parker asked while wiping the sweat off of Patrisha's forehead. Nadako rin ang tingin niya sa akin at gamit ang panyong pinampunas sa pawis ni Patrisha, lumapit rin siya at pinunasan ang pawis ko.
Napabuntong hininga siya at nilingon ang batang nanonood lang.
"Cutie, your Mama is pale. Can we let her rest first before we go to another ride again?" Nanlaki ang mata ko at kaagad umiling dahil sa sinabi ni Parker. No! I wouldn't want to refuse what Patrisha wants.
"Parker, ayos lan-" he cuts me off.
"No, namumutla ka na, oh. Marami pa namang oras for the rides. Masasakyan ni Patrisha lahat 'yan before the day ends. I promise you," he said. Wala na rin akong nagawa kung hindi ang manahimik. He seems serious.
"Mama, tired ka po?" Naramdaman ko ang paghawak ni Patrisha sa kamay ko at bahagya niyang hinihila. Napaupo naman ako para pumantay sa kaniya.
"No, baby. Hungry lang si Mama so, why don't we eat first? And like what your Papa said, we can ride those again after eating," sabi ko at nakakaintindi namang tumango ang anak ko.
Dumayo kami sa isang stall sa loob lang rin ng amusement park. Patrisha is continously clapping ang giggling while watching the man who's giving her ice cream. Kapag kinukuha ito ni Patrisha ay siya namang pabirong iikutin ng lalaki at iiwas sa kaniya. Napailing na lang ako at napapangiti dahil sa pagtawa ni Patrisha.
"Anong gusto mong kainin?" Parker is beside me. Pasimple niyang itinaas ang braso at iniakbay sa akin ngunit ang mata ay nasa menu na nakapaskil sa itaas pero may naglalarong ngisi sa labi.
Tsansing.
Hindi ko na tinanggal ang braso niya roon. Boyfriend ko naman na siya so, wala namang masama.
I smile at the word. Boyfriend.
Unang beses kong magkakaroon ng relasyon. Noong nag aaral pa ako, hindi ako nakaranas ng relasyon. Oo, may nagugustuhan ako noon pero hanggang doon lang 'yon. Si Sid ang pinakahuling lalaking nagustuhan ko noong nag aaral pa ako at ngayon, dumating si Parker. He managed to be part of our lives in a short period of time. An important part of our lives.
Sinong mag-aakala na 'yung lalaking dinadaan-daanan ko lang noon, eh magugustuhan ko ngayon?
Funny how fate works. Kung sino pa 'yung naisip mong malabong makalapit mo, siya pala ang nakatadhana para sa'yo. How funny.
Nang makabili ng makakain, nagtungo kami sa isang shed doon kung saan pwedeng kumain dahil may mesa at upuan doon. Binuhat ni Parker si Patrisha para makaupo dahil may kataasan ang upuan. Katabi niya si Patrisha habang ako ay nasa harapan nila nakaupo.
Hindi ko magawang kumain dahil nalibang ako sa panonood sa kanilang dalawa. Bakit gano'n? Namamalikmata lang ba ako dahil nakikita ko ang pagkakahawig nila? Habang tinitingnan ko kasi sila, napapansin ko ang pagkakahawig nila.
And, my mind went back to the time where Patrisha told me that someone gave her a watch. Ang lalaking nagbigay daw sa kaniya ng relo ay may matang kapareho ng kaniya and it turns out to be Parker.
As I watch them, my heart melts and is filled of happiness. Sa nakikita kong ngiti ng anak ko, nakuntento na ako. Nakangiti silang pareho habang nagbibiruan. Wala akong pinalagpas na oras. Agad kong kinuha ang phone ko at kinunan sila ng litrato ngunit napahinto ako at pati sila. Parker has his eyes wide open when he look at me.
"Mama, nakakasilaw po 'yung flash!" Patrisha exclaimed that made Parker laughed. Imbis na mahiya ay natawa na lang din ako.
Hindi ko naman akalaing naka-on pala ang flash ng camera ko. Ayan, nahuli tuloy.
I was confused when Parker grabs my phone out of my hand.
"Come here, baby. Let's take a picture," sabi niya at inabot ang kamay ko kaya wala na akong nagawa kung hindi tumayo at umikot papunta sa kanila.
Naupo ako sa tabi ni Patrisha nang itaas ni Parker ang phone ko. Agad nagtaas ng peace sign si Patrisha. I can see Parker smiling kaya napangiti na rin ako. He clicked the capture button and a memory was made.
"Akin na 'yung phone ko," sabi ko dahil hindi pa rin inaabot ni Parker sa akin ang cellphone ko. Matapos kasi naming kumuha ng litrato, ibinulsa niya ang cellphone ko at ayaw ibalik.
"Later. Ipapasa ko pa 'yung picture. Wala namang internet dito," he said. Napabuntong hininga na lang ako at hinayaan siya.
Tulog na si Patrisha habang patungo kami sa kotse ni Parker. Sobrang kulit kasi niya. Panay ang hila sa amin sa mga rides at maging doon sa stall na may reward na toys, sumusubok din siya. Kaya, ayan bagsak. Tulog. Knock out.
Kinandong ko ang anak ko at isinandal siya sa dibdib ko. Niyakap ko si Patrisha habang si Parker ay sinisimulan nang paandarin ang sasakyan.
"Did you enjoy our day?" Tanong niya pagkaraan ng ilang minuto.
"Oo naman. Seeing Patrisha happy made me enjoy my day. Isa pa..." I trailed and look at him. I gave him a sweet and soft smile. "Kasama ka namin kaya mas nag-enjoy ako at syempre, si Patrisha." Nakita ko ang pagkagat niya sa labi niya at pagpigil ng ngiti.
"Talaga? You enjoyed because I'm with you?" Natawa na lang ako dahil kumawala na ang ngiting pinipigilan niya.
I held Patrisha tightly as I lean towards Parker. I planted a soft kiss on his lips that made him froze.
"Yeah, we enjoyed it. Thank you, Parker..." Lumayo ako at umiwas ng tingin bago pinakawalan ang salitang alam kong hindi ko na maaatrasan.
"I love you."
BINABASA MO ANG
Where Universe Was Found (SOW #2)
Любовные романыSeries Of Wheres #2 - Since college, Parker James Tolentino has had his eyes on one certain girl named Selene Daphne Acosta. But his feelings for her are kept secret. Until graduation night came. Where the both of them are under the influence of alc...