"Tito, will you sleep here?" Nakasandal na ang anak ko sa dibdib ni Parker. Wala na yatang balak pumasok muli ang lalaking ito dahil nanghiram siya ng damit ni Papa na naiwan dito at ayan, nakahilata na kasama ang anak ko sa sala habang pareho silang nanonood.
"Hm, do you want me to sleep here?" He caress Patrisha's hair. Yumakap ng mahigpit sa kaniya ang anak ko at mas sumiksik sa dibdib niya.
Napanguso naman ako. Sana ako rin.
Eh, teka... what the hell, Selene?
Erase that thought.
"Yes po, Tito," Patrisha answered. Ilang sandali pa ay muli siyang nagsalita.
"Tito, can I call you my Papa?" Halos mabali ang leeg ko dahil sa bilis ng paglingon ko sa pwesto nila. Natigil din ang lalaki sa paghaplos ng buhok ni Patrisha dahil sa gulat.
"P-pardon, baby?" Parker asked in shock.
Nag angat ng tingin ang anak ko at bumangon mula sa pagkakahiga. Hinarap niya si Parker at muling nagsalita.
"I just remembered seeing a commercial po. Maraming commercial, lahat po ng kids doon ay may Papa na kasama. Even my classmates po, may Papa sila..." Nakayuko ang anak ko habang pinaglalaruan ang daliri niya.
"I always want to ask Mama about my Papa pero... she's always sad when I am mentioning my Papa kaya po hindi ko na po tinatanong. I don't want Mama to be sad pero ngayon po, I saw how Mama smile when you are with us po kaya naisip ko na... ikaw na lang Papa ko kasi happy po si Mama sa inyo."
Nagmistulang waterfalls ang luha ko dahil sa sunod sunod na pagpatak. Natutunaw ang puso ko dahil sa narinig kong sinabi ng anak ko. Nanlalambot ako pero pinilit kong lumapit at yumakap sa kaniya.
Noon pa man, sinabi ko nang kuntento na kami sa buhay namin pero kahit gano'n, alam ko na hindi pa rin sapat para sa anak ko. Binigay ko ang lahat sa kaniya pero kulang pa rin. Kahit gaano namin siya minahal, may iisang pagmamahal pa rin ang hahanap-hanapin niya. 'Yon ay ang pagmamahal mula sa Tatay niya.
Nakokonsensya ako dahil hindi ko magawang sagutin ang anak ko kapag nagtatanong siya tungkol doon. Palaging katahimikan ang sagot ko sa kaniya at dahil doon, mas pinili ng anak kong 'wag nang magtanong. Hindi dahil sa ayaw niya nang malaman ang tungkol sa Papa niya kundi dahil sa tuwing nagtatanong siya noon, nakikita niyang nalulungkot ako.
Laking pasasalamat ko na dumating siya sa buhay ko. Kung may magandang naidulot man ang pangyayari noon, 'yon ay ang pagdating ng pinakamalaking biyaya sa buhay ko. Ang anak ko.
"Salamat, baby ko," bulong ko at pinatakan ng halik ang ulo niya.
"Mama..." basag ang tinig ng boses niya kaya mabilis akong napatingin. May luha na rin sa mata ng anak ko kaya nagsimula akong mag alala.
"Bakit? Hm, sabihin kay Mama kung bakit ka umiiyak," sabi ko habang pinupunasan ang luha niya. Parker hugs my daughter and let her lean on his chest.
Patrisha sobbed. "Mama, c-can I call Tito Parker... my Papa? Please po, I want him to be my Papa!" My daughter exclaimed. Naramdaman ko na rin ang pagluha ko.
Look at what you've done, Selene. Ngayon ay naghahanap ang anak mo ng tatay na hindi mo maibigay.
Nilingon ko si Parker na inaalo ang anak ko. Dumako ang tingin niya sa akin at nakita ko kung gaano kalamlam ang mata niya. In his eyes, I can see love, care, softness and... hope.
Is he hoping for me to say yes? To accept him as Patrisha's father?
Muli kong nilingon ang anak ko. Nakayakap siya kay Parker habang humihikbi pa rin. The sight breaks me and I'll promise myself to not let my daughter cry like that again.
Decide, Selene. Kung tatanggihan ko ang anak ko, para ko na ring tinanggihan si Parker. Para ko na ring sinabi na hindi ko siya matatanggap sa buhay namin ng anak ko. Kapag pumayag ako, magiging masaya ang anak ko at ako rin. Lalo pa ngayon na inaamin ko na sa sarili ko na nagugustuhan ko na si Parker.
Gusto kong maging masaya ang anak ko at kung si Parker and magiging dahilan ng pagiging kumpleto niya... bakit ako tatanggi?
"Anak," I called Patrisha. Tumingin siya sa akin pero nanatiling nakasandal kay Parker.
"P-po?" Humihikbi pa rin siya pero wala nang luha.
I caress her cheeks and nodded.
"Pwede, anak. If it's okay with your Tito." Tiningala ko si Parker at nagulat ako dahil nakangiti siya sa kabila ng pagluha ng mata niya.
"Mama! Talaga po? Papa ko na si Tito Parker?" Pateisha exclaimed. She cupped Parker's cheeks and she faced him.
"Papa ko na po ikaw?" Napaluha akong muli dahil sa nakikita kong excitement at saya sa mata ng anak ko.
"Yes, baby. I'm your father now," sabi ni Parker at hindi nakatakas sa pandinig ko ang panginginig ng boses niya bago niyakap ang anak ko. He extended his one arm and pull me into embrace.
Sa ngayon, hahayaan ko na ang sarili kong mahalin ang taong gusto ko. Nakikita ko nang masaya ang anak ko kaya hinding hindi ko hahadlangan 'yon dahil alam ko sa sarili kong ang kasiyahan ng anak ko ay kasiyahan ko rin.
"Papa, tabi ka po sa amin ni Mama!" Kinagabihan, matapos kumain ay hinihila na ni Patrisha si Parker patungo sa aming kwarto. Gusto kong sawayin ang anak ko dahil hindi ko pa naaayos ang kwarto pero dahil sa sobrang excited at saya niya ay hindi ko na nagawa.
"Careful, my angel. Baka madapa tayo," Parker said.
Nauna na ako sa kanila sa kwarto at agad kong inilibot ang paningin ko sa posibleng kalat at sa kabutihang palad ay wala naman akong nakita kaya inayos ko na ang kama. Kakasya naman kami dahil malaki ang kama. Kung hindi naman, may kutson naman sa kabilang kwarto na pwedeng hiramin.
"Dito po!" I heard my daughter said. Patuloy sa paghila sa Papa niya. Agad tumakbo ang anak ko paakyat sa kama at inalalayan naman siya ni Parker. Hinila niya si Parker pahiga at agad yumakap.
Wala akong planong sawayin siya dahil alam kong ngayon lang niya naramdaman kung paano magkaroon ng ama.
Dumiretso na lang ako sa banyo para maghilamos at mag-ayos bago matulog. Itinali ko ang buhok at hinilamusan ang mukha ko. Nagpalit din ako ng damit bago bumalik para magsepilyo.
"Knock knock..." I jumped when someone speak. Paglingon ko ay nasa pintuan ng banyo si Parker. Nakangisi ang mokong at saka pumasok.
"Nanggugulat ka naman. Hindi pa ako tapos dito," sabi ko at inabala ang sarili ko sa pagsesepilyo. Tumungo ako para magmumog at pagtunghay ko ay nanlaki ang mata ko dahil nasa likuran ko na siya at nakatukod ang magkabilang kamay sa gilid ko.
Napatitig ako sa repleksyon naming dalawa sa salamin. I look small in front of him. Hanggang leeg niya lang ako at ngayong bahagya siyang nakayuko ay pantay na ang lebel ng mukha naming dalawa.
His messy hair looks good on him. Ang suot na tank top ay nag-emphasize ng biceps niya na mas naflex ngayong nakatuko ang kamay niya sa lababo.
"Baby, thank you..." he suddenly said then he buried his head on my neck.
"Bakit?" Tanong ko.
"Thank you for coming into my life. Thank you for accepting me. If your biggest blessing is your daughter. For me, you and your daughter are my biggest blessing."
BINABASA MO ANG
Where Universe Was Found (SOW #2)
RomanceSeries Of Wheres #2 - Since college, Parker James Tolentino has had his eyes on one certain girl named Selene Daphne Acosta. But his feelings for her are kept secret. Until graduation night came. Where the both of them are under the influence of alc...