21.

193 12 1
                                    

Nagkalat ang gamit sa loob ng apartment na tutuluyan namin. Ngayon kami lumipat at sa tulong ni Parker ay nakalipat kami dito ng maayos. Nagulat ako dahil kasama niya ang kaibigan sa pagtulong sa akin. Victorious and Jeoniel helped us to move out here.

Nahihiya nga ako sa kanila dahil baka naabala ko sila. Sinabihan ko si Parker na baka nakakaabala ako sa dalawa but he just said, it's alright.

"Ito lang ba, Selene?" I snapped when Victorious asked me. Nakapamewang pa siya habang patuloy ang pagtulo ng pawis sa kaniyang noo.

Pinasadahan ko ng tingin ang buong paligid at binilang ang bawat kahon. Binilang ko kasi kanina para masiguro na kumpleto ang gamit.

Humarap ako sa kanila nang mabilang ko na lahat at nasigurado kong kumpleto na.

"Uh, okay na. Salamat sa inyo at pasensiya na rin sa abala," sabi ko habang umiiwas ng tingin. Nahagip ng tingin ko ang kanina pang tahimik na si Jeoniel.

I don't know but I feel like something is wrong with him. Hindi ganito ang Jeoniel na kilala ko noon. Kumpara noon, sobrang tahimik niya ngayon. Hindi ko rin alam pero blangko lang ang nakikita kong ekspresyon niya.

Is he okay?

"Mga pre, salamat. Libre ko na lang kayo next time. Tulungan ko lang si Selene mag-ayos dito," Parker said and he taps their shoulders.

Victorious smirked. "Ano 'yan? Husband duties?" Nginisian niya ang lalaki at inilipat ang tingin sa akin kaya agad na naman akong nahiya.

"Siraulo..." Parker laughed and smack Victorious' arm. "Pero, soon. Mangyayari din 'yan," dagdag ni Parker kaya pakiramdam ko ay namumula na ang pisngi ko. Pasimple ko siyang sinamaan ng tingin na agad napansin ni Victorious.

Hinampas niya ang braso ni Parke at tinuro ako. "Oh, galit na. Yari ka d'yan," matatawang sabi niya kaya napaiwas na lang ako at inabala ang sarili sa mga gamit. Bahala muna sila do'n.

I was pulling the boxes out of the way when Jeoniel went to me. He smiled but it didn't reach his eyes.

"Hi," he said. Napatitig ako sa kaniya dahil kahit nakangiti siya ay wala pa ring kabuhay buhay ang mga mata niya. What happened to him?

"Hello. Long time no see," sabi ko. Tumango lang siya. Nagpatuloy ako sa pag aayos pero hindi talaga ako mapalagay dahil pakiramdam ko ay may mabigat siyang dinadamdam.

"Sa tingin mo, kapag nasira na ang tiwala sa isang relasyon... makakaya pa ring mag-work?" His emotionless voice reached my ear. Tuluyan na akong tumigil sa pag aayos at hinarap siya.

"Uh, may problema ka?" Maingat na tanong ko. He smiled bitterly and shook his head. Hindi nakatakas sa paningin ko ang pagtulo ng luha mula sa kaniyang mata.

"Wala, sorry. I'm just emotional right now. Pasensiya na, Selene. Siya nga pala, nililigawan ka ni Parker?" Humarap siya sa akin at muling ngumiti pero halata sa mata niya ang lungkot at sakit.

Hinayaan ko na lang siyang baguhin ang topic. Wala naman din ako sa posisyon para tanungin siya tungkol sa personal niyang buhay.

"Uh, oo. Nanliligaw siya," sabi ko. Narinig ko ang tawa niya habang umiiling.

"Sa wakas, nagkalakas ng loob," he said that made me confused. "Noon ka pa crush nung kaibigan kong 'yon, eh. Buti naman at gumalaw na rin. Akala ko magiging forever torpe." Nag init naman ang pisngi ko. Kapag napapag-usapan ang tungkol sa feelings ni Parker para sa akin ay ganito lagi ang reaksyon ko.

"I heard from Victorious that you have a daughter?" Tanong niyang muli. Napangiti ako nang maisip ang anak ko. Tumango rin ako para sagutin ang tanong niya.

Kanina kasi pagdating namin dito ay nakasalubong ko ang dating kapitbahay ko dito. Masaya siyang makita akong muli dahil halos limang taon na daw mula noong huli kaming magkita at nang makita niyang may anak ako ay agad siyang natuwa at inanyayahan si Patrisha na makipaglaro sa anak niya kaya nasa kabila ang anak ko dahil kailangan din naming mag ayos dito at maalikabok at mas mainam na nasa kabila siya at nakikipaglalaro. Mas malilibang siya doon.

"Alam mo ba? Isang araw, nagulat kami ni Victorious kase nagpakita 'yan sa amin si Parker na ngiting ngiti tapos ayun nga, nagkita daw pala ulit kayo." Napailing na naman siya. "Malakas tama ng kaibigan namin sa'yo. Tapos sinabi ni Victorious na may anak ka nga daw, sabi ni Parker ay nakita na nga daw niya."

Nanatili ako sa pakikinig sa kaniya. Maliban kasi sa gusto kong malaman ang bawat sasabihin niya, nakikita ko ring unti unting sumisigla ang mukha niya.

Jeoniel looks at me. "Selene, noon pa man ay gusto ka ng kaibigan ko. Ikaw ang bukambibig niya noon. Sa totoo lang, kaya hindi ka nagawang ligawan noong ni Parker ay hindi dahil sa torpe siya kundi dahil natakot siyang magmahal noon. Nasaksihan kasi niya..." Napahinto siya pero agad ding huminga nang malalim. "Nasaksihan niya nang harap-harapan kung paano lokohin ng Tatay niya ang manay niya noon."

Napaawang ang labi ko at naramdaman ko kaagad ang paninikip ng dibdib ko. Imagining him witnessing how his father cheated made me want to go hug him and cry with him. Hindi ko akalain na sa kabila ng ngiti niya ay may masakit siyang nasaksihan noon.

"Kaya sana kung wala kang nararamdaman para sa kaniya, sabihin mo kaagad. 'Wag mong paglalaruan ang damdamin ng kaibigan ko. The sight of his father cheating almost made him hate the idea of love but you came. Hindi sa pinipilit kitang suklian ang nararamdman ng kaibigan ko pero kung may nararamdaman kanga para sa kaniya, sana ay mapanindigan mo..." aniya.

"Parker may be happy outside but he's just a little boy inside who's afraid for his heart to be broken. Please, don't hurt Parker."

I can feel myself shaking my head. No, I wouldn't do that to him, Jeoniel. Gusto ko na rin si Parker.

Maya maya ay pumasok na si Parker at Victorious na may dalang supot ng pagkain. Bitbit ni Parker ang softdrinks at kay Victorious ang supot ng pagkain. Habang pinapanood siya ay bumalik sa isipan ko ang narinig mula kay Jeoniel.

Nanatili akong nakatingin sa kaniya nang mahagip niya ang paningin ko. He stopped on what he is doing then he softly smiles. Namalayan ko rin ang sariling ngumiti pabalik sa kaniya.

"Hey, shall I call Patrisha o gusto mong sumama?" Tanong niya na nakalapit na pala sa akin. Nang maalala ko ang anak ko ay agad akong tumayo at nilingon siya. Inilahad ko rin ang kamay ko at ngumiti sa kaniya.

"Let's call Patrisha. Let's call our angel," sabi ko na nagpatigil sa kaniya.

Where Universe Was Found (SOW #2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon