My parents and Patrisha was happy when they received my gift. Julianna also has a gift for them kaya sobrang saya nila ngayong pasko. Wala daw nabiling regalo sa akin si Julianna kaya naman ililibre na lang daw niya ako. Girls Day daw muna.
"After new year ba saka uuwi sila Tita doon sa Isabela?" Tanong niya habang naglalagay ng mascara. Pinapanood ko lang siyang mag-make up at natutuwa ako dahil at least, marunong siyang mag-ayos. Mas gumaganda siya.
"Oo, hindi ko alam kung kailan ang balik. Kapag nakauwi na sila doon, lilipat naman kami ni Patrisha," sabi ko.
Napatigil siya sa paglalagay ng kolorete sa mukha at napalingon sa akin.
"Huh? Saan naman kayo lilipat?"
"Sa dati kong apartment."
Her lips parted and it seems like what I said is a big revelation to her. Hindi ko maintindihan. Bakit ganiyan siya mag-react? Babalik lang naman kami sa dating tinutuluyan ko, ah.
"Babalik ka doon?" Tumango ako at napakunot ang noo.
"Bakit? Anong masama sa pagbalik doon?" Tanong ko. Huminga siya nang malalim at umiling iling.
"Wala namang masama. Bakit pala kayo lilipat?" Tanong niya at bumalik sa ginagawa.
"Wala na kaming makakasama dito kapag umalis sila Mama at Papa. Doon, maraming pwedeng makalaro si Patrisha kaya malilibang siya doon," sagot ko. Tumayo naman siya at yumakap sa akin.
"Proud ako sa'yo," bulong niya. "Proud ako dahil kahit nagkaanak ka nang hindi ka handa, naging maayos naman ang pagpapalaki mo kay Patrisha. Tinanggap mo siya ng buong puso kahit hindi mo siya napaghandaan. You're a brave mother, Selene," she whispered again that made me shed a tear.
Julianna is with me since I'm college. Siya ang nag-stay sa akin through good and bad times of our college life. Akala ko huhusgahan niya ako nang sabihin ko sa kaniyang nabuntis ako ng hindi ko kilalang lalaki. Instead, she just wish that she's beside me and could hug me to comfort me. Siya rin ang nag-persuade sa aking ituloy ang pagbubuntis dahil baka pagsisihan ko kapag ipinalaglag ko.
"Salamat, Julianna," bulong ko at niyakap siya nang mahigpit.
Matapos ang iyakan session namin, nag-ayos na kami at lumabas na ng kwarto. Nagpaalam kami kay Mama at Papa, maging kay Patrisha saka kami umalis.
"Commute ang peg na'tin. Hirap kapag walang sariling sasakyan, eh," sabi niya habang tinatahak namin ang daan patungong sakayan ng tricycle.
"Alangang lakarin natin. Sobrang init kaya," sagot ko naman.
Isang pamilyar na kotse ang pumarada sa harapan namin. My heart skipped a beat the moment the windows opened and a man came into the view.
"Need a driver, Madams?" Itinuko niya ang braso sa bintana at ngumisi sa amin. Ramdam ko ang pagkurot sa akin ni Julianna pero nakatuon ang mata ko sa lalaking naka-shades pa sa katanghalian.
Parker James smiled the moment he met my eyes. Hinawi niya ang buhok at ngumiti bago umiwas ng tingin.
"Papunta sana ako sa inyo kaso nakita kong palabas kayo kaya sinundan ko kayo. Kailangan n'yo ng driver?" Tanong niya. Natawa ako nang makita ang namumula niyang tenga.
"Sure na sure! Alam mo, nagrereklamo kasi si Selene na mainit daw kaya buti na lang dumating ka!" Julianna suddenly said. Namula ang pisngi ko lalo nang tumawa si Parker at lumabas ng sasakyan.
Napaatras ako para hindi matamaan ng pintuan. Lumabas siya at isang hakbang lang ay nasa harapan ko na siya. He smiles at me and suddenly got my hand before he pull me with him until we reached the passenger's side. Binuksan niya ang pintuan at inilahad 'yon sa akin.
"Please get in, my lady," nakangising sabi niya. Hindi ko alam kung ano nang itsura ko dahil kanina pa ako tulala. Napapitlag lang ako nang tumawa ng malakas ang kaibigan ko mula sa kabilang side.
"Sakay na, Selene. Mainit, diba?" Napapikit na lang ako dahil nagsimula na naman siyang mang asar. Nang tingnan ko si Parker, nakapatong na ang braso niya sa pintuan at pinaglalaruan ang labi niya. Iminwestra niya sa akin ang loob kaya pumasok na lang ako.
Sumara ang pintuan kasabay ng pagbukas ng pintuan sa backseat. Sumakay roon ang kaibigan ko at sinalubong ako ng mapang asar na tingin..
"Saan kayo?" Parker asked then he glance at me.
Napalunok naman ako. "Sa Festival," sabi ko. He nodded and started to drive.
"Parker James, hindi ko akalain na makikita kitang malapit sa kaibigan ko. Dati lang, parang wala kayong pake sa isa't isa, 'no?" Julianna said. Nilingon ko naman siya.
"Nagulat ako kasi close na pala kayo," she added.
Parker chuckled. "Noon ko pa gustong makipag lapit sa kaniya kaso... wala eh, hindi ko magawa," sabi niya kaya sa kaniya nadako ang paningin ko.
Noon pa? Ibig sabihin, kung nagawa niya noon, edi dati pa kami close? Pero, bakit? Bakit gusto niyang makipaglapit noon? Ibig kong sabihin, bakit sa akin?
"Bakit daw, Parker? 'Yung tingin ni Selene, takang taka, eh kaya ako na ang magtatanong," sabi ni Julianna.
Parker suddenly went silent. He licked his lips and cleared his throat. Bigla siyang hindi mapakali at umiiwas ng tingin sa akin.
"Ay, natahimik," Julianna commented.
Nakatingin din ako sa kaniya dahil hinihintay ko ang isasagot niya. Bakit nga ba gusto niyang makipaglapit noon?
"Natahimik ka yata, Parker James." Tiningnan ko si Julianna at sinamaan ng tingin pero tumaas baba lang ang kilay niya sa akin.
"Actually—" He didn't manage to finish what he'll say dahil sa pagtunog ng cellphone niya. "Wait lang, my friend is calling," sabi niya at sinagot ang telepono.
"Anong problema?... Inom? Ayoko nga... Akala ko ba galit ka? Bakit iniiyakan mo?..." hindi ko na nagawang pakinggan ang sinasabi niya dahil pakiramdam ko, ini-invade ko ang privacy niya.
Nang maihatid kami ni Parker sa sinabing mall ay nagpaalam na din siya dahil pupuntahan daw niya ang kaibigan. Mukhang emergency kaya hinayaan ko na lang.
"Si Jeoniel ba 'yung kausap ni Parker?" Tanong ni Julianna habang papasok kami. Nagkibit balikat ako sa kaniya.
"Tara, kain na lang tayo!" Aya ko dahil ayoko naman na makisawsaw sa problema ni Parker o ng kaibigan niya.
"Is that Sid?" Julianna pointed somewhere. Nilingon ko naman 'yon at nakita ang lalaki, ilang mesa ang layo sa amin.
"Si Sid nga," sabi ko saka pinagpatuloy ang pagkain.
"Nagkausap na kayo?" I nodded and look up when I felt someone beside me. Ang lalaking kanina ay nasa ilang mesa ang layo ay nasa tabi ko na.
"Hello, Selene," bati niya at lumingon sa kaibigan ko. "Oh, Julianna! Nice seeing you again!" Bati niya sa kaibigan ko at walang pasubaling naupo sa tabi ko.
Tahimik lang ako habang nagkukwentuhan sila. Hindi ko alam kung bakit ayokong magsalita. Kahit kinakausap nila ako ay panay lang ang iling at tango ko.
I don't know but, I just found myself staring at my phone... waiting for someone to text me.
BINABASA MO ANG
Where Universe Was Found (SOW #2)
RomanceSeries Of Wheres #2 - Since college, Parker James Tolentino has had his eyes on one certain girl named Selene Daphne Acosta. But his feelings for her are kept secret. Until graduation night came. Where the both of them are under the influence of alc...